IX

184 18 9
                                    

This was supposed to be just a chapter, pero umabot ako ng 6k words (which is unusual because I usually spend 3-4k words per chapter) so two chapters in one upload. I'm currently editing the early chapters so bear with me hahaha


Thank you po sa lahat ng patuloy na nagbabasa, nag-cocomment at bumoboto. Pati na rin sa mga silent readers (if there are any) Take care always! 


Soundtrack: Love me like a friend


"WHAT KIND OF NONSENSE IS THIS?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Caila matapos basahin ang article. "Hindi ko alam sis, I can't contact Jane. Wala rin balita sakanya ang kuya n'ya. Nag-aalala na ako"


"Dapat i-take down ang article na 'to. Jane isn't using drugs! Ano bang alam nila?" It's a tabloid, alleging Jane's drug addiction. Katatapos lang ng successful Asian Fashion Week, at sa ngayon walang nakakaalam kung nasaan s'ya.


"Sumagot ka naman, please" sabi pa ni Caila habang patuloy na nagdidial ng phone. "Ugh!" halos mapasabunot s'ya nang manatiling cannot be reached ang linya.


"There must be a reason why she hasn't been talking to us lately" nakatitig ako sa kawalan. Bumalik sa isip ko lahat ng pagkakataon na hindi s'ya nagpakita o sumagot manlang sa mga messages namin.


"Because she was busy! Talaga bang iniisip mo na magagawa n'yang malulong sa drugs? We've known her for years, how could you think of that?" may halong galit sa tinig n'ya.


"It's not what I meant. Si Jane, kahit gaano ka-busy she always finds time to talk to us. Pero hindi ka ba nagtataka? When was the last time she talked to us? Wala manlang kamusta, not even a 'sup bitch congrats sa bagong show n'yo. Don't you think it's kinda strange of her to just ignore us all of a sudden? There must be a reason"


She slowly realizes what I mean. "May... may pinagdadaanan kaya s'ya na hindi n'ya sa atin sinasabi?"


Nagkibit balikat ako, "All we know right now is she needs us, and she's nowhere to be found"


Kita ko ang panggigilid sa luha ni Cai. "If anything bad happens to our friend, di ko talaga kakayanin."


"How about we file a missing person report?" suhestyon ko.


"Nagfile na ang kuya n'ya, sabi rin ni Kevin bigla nalang daw nanlamig sa kanya si Jane the past few weeks bago s'ya mawala" 


Kevin is Jane's boyfriend. Napabuntong hininga ako. Nasaan ka ba ba, Jane?


"Miss Den, nandito si Miss Jonnah." Sabi ni Pia na kapapasok lang. Nagpaalam na si Caila dahil s'ya na ang next scene. "Let her in"


"Jonnah, hello!" bati ko ko sakanya, she's our fansclub head admin. "Hi Den!" Yumakap s'ya at bumeso. "So sorry I wasn't able to come last week sa donation drive ng club"


"We understand you're busy, I sent Pia the pictures and successful naman. Sobrang saya ng mga beneficiaries, actually... may ilan akong kasama. Sobrang idol ka nila" hindi ko namalayan na may ilang mga bata pala na nasa likod n'ya, "Halikayo" nakangiting tawag ko. May isang batang babae na nakawheelchair, pale at may nakabalot sa buhok. May kasama s'yang bata na nasa limang taong gulang at dalawa pang batang lalaki. May isa pang sa tingin ko ay nasa 20's.

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now