TEASER

12K 539 110
                                    

Note: I'm still learning how to improve my writing so beware with errors. I learned from my mistakes. Medyo hindi ko sineryoso ang pagsusulat dito dahil tinuring kong pampawala lang ng stress ang paggawa ng stories kaya sana maintindihan niyo! — cherryypinks

TEASER

“We have a new member, his name is Arix Fabian. 18 years old. Mark him in chest and I’ll be back.” Saad nung teacher sabay talikod.

Kaya naglakad nalang ako patungo sa bakanteng desk at umupo pero may nakita akong lalake tumayo at lumabas dito sa loob.

Dahil sa pagkabagot, kinuha ko ang dalawa kong Katana para malinis ko ulit dahil isa ‘to sa mga hobby ko.

“Ang puti mo naman pre? Anong gamit mong sabon?”

“Baka bakla?”

“Parang hindi, mukhang lalakeng lalake pa nga sayo gago!” Rinig kong sigawan nila pero hindi ko lang pinansin.

“Here we go, maghubad kana brad.”

Napatingala ako sa lalakeng nagsalita dahil nandito siya sa gilid ko pero hindi ko siya pinansin, dahil wala akong planong maghubad dahil mabubuking ako.

“Are you deaf?! I said, strip!!!!!”

Sigaw niya uli pero patuloy parin ako sa paglilinis ng isa kong Katana.

“Strip asshole! He will mark and check you!” sigaw ng isang lalake sa likod ko sabay sipa ng upuan.

Napasulyap ako sa lalakeng nasa gilid ko at Nakita kong may hawak hawak siyang bakal na may nagbabagang letrang ‘S’ sa dulo. Siguro, tatatakan niya ako sa gitna ng dibdib kaya kanina pa ako sinisigawan.

“Hey man, this is our tradition you need to be marked so STAND UP!” napahinto ako sa paglilinis ng isang Katana ko at matalim na tinitigan ang lalakeng sumigaw.

Nung makita niyang nakatingin ako sa kaniya ng masama at tumawa siya ng pagak. Nakita ko naman na nagsitayuan ang ibang lalake sa unahan at naglakad papunta sa kinaroroonan ko.

Pinagpatuloy ko lang sa paglilinis sa isa ko pang Katana at hindi ko sila pinansin.

“Takot kaba? Bro, lalake ka kaya tiisin mo ang sakit na idudlot sayo ng bakal na ‘to HUMUBAD KANA NGAYON ‘DIN!” saad nung isa sabay tulak ng ulo kaya malakas kong binagsak ang Katana na hawak hawak ko at tumayo.

“ABA’T MATIGAS KA AH!!”

Bago pa niya ako pwersahang tatakan sa dibdib, mabilis kong hinugot ang Katana na nakalapag sa desk  at hiniwalay ko agad ang ulo sa katawan niya.

Sumirit agad ang dugo sa mukha ko kaya sinugod ako ng ibang lalake pero tumalon ako sa desk ko at kinuha ko pa ang isa kong Katana.

Akmang tatagain ‘din nila ako ng mga patalim nila pero mabilis akong tumamling papunta sa likod ng mga lalake at ginamit ko ang dalawa kong Katana para matanggal ang mga ulo nila kaya kumalat lang ‘yun sa sahig.

Nakita kong nanginginig ang mga katawan at isa-isang bumagsak sa sahig habang ang lalakeng kakaklase ko ay nanginginig sa pagkabigla.

Kalmado akong naglakad sa upuan ko at nilapag ang dalawa kong Katana sa desk.

Tahimik akong umupo at kinuha ‘yung panyo para malilinisan ko ulit ang dalawa kong Katana.

“H-He's.. s..scary…”

Napangisi nalang ako sa narinig ko.

This school is for killers only, but they don’t accept a female so I’m here to pretend like a man.


©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now