CHAPTER 21

4.8K 297 29
                                    

CHAPTER 21

Sakura Archer’s POV

“Choose a better hostage we’re in hurry.” Saad ko sabay talikod pero naramdaman kong sinundan niya ako at mas diniin ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko kaya nilingon ko ang holdupper sabay titig ng masama sa kaniya.

“Wag mo akong English’in, sumama ka sakin!” sigaw niya sabay hila ng damit ko kaya hinugot ko na ang katana na nakasabit sa tagiliran ko kaya binitawan niya ang pagkakahila sa damit ko.

Mga tao nga naman, maayos naman ang pangangatawan, pero hindi magawang magtrabaho ng matino. Mas gusto ang mabilisang pera para hindi mahirapan. Ang tawag dyan, tamad.

“Just finish him Sweet heart, I hate waiting.”

Saad ni Kenzo pero nung nakita kong akmang babarilin na ako ng lalakeng ‘to, tinaga ko kaagad ang kamay niya kaya nabagsak ang baril pati ang nahiwa kong kamay sa sahig kaya nagsigawan ang mga tao sa loob pero mas malakas parin ang sigaw ng lalake habang pilit niyang pigilan ang sumisirit na dugong nanggagaling sa laman niya pero nakakatuwa tignan.

Nung makita ko sa gilid ng mata kong tinaas niya ang kamay nung kasabwat ng lalake para magpapaputok ng baril, pero mabilis kong binato ang katana ko sa kinaroroonan niya kaya tinamaan siya sa gitna ng leeg at dahan dahang natumba sa sahig.

Favourite ko talaga 'tong binabato ang katana tapos tumama sa angle na gusto kong patamaan.

“Tyler, bayaran mo na ‘yan wala na tayong oras at baka mapatay ko pa ‘tong lalake sa harapan ko.”

Nakita kong tumango si Tyler. Nilapag nalang niya ng cash sa counter at naglakad sa kinaroroonan namin habang tulak tulak ang dalawang cart pero, kanina pa ako naiirita sa daing ng lalakeng pinutulan ko ng kamay. Nakaupo siya habang nakatitig lang sa kamay niyang naputol tapos nagsisigaw ng tulong.

“Let’s go, Zeth is waiting.”

Aya ni Tyler kaya nilisan na namin ang super market at naririnig na namin ang tunog na paparating na ang mga pulis.

Kahit naglalakad na kami palabas, naririnig ko parin ang sigaw ng lalakeng pinutulan ko ng kamay. Tss, mas swerte pa siya sa dahil kamay niya lang ang naputol ko. Paano nalang kaya pag ulo na niya? Sana nga pinugutan ko nalang ng ulo para hindi na nag ingay.

_

Pag dating namin sa hideout, hindi ko akalaing may mga bwesita pala kami.

Si Thalia at hindi ko kilalang lalake. Nadatnan namin silang naguusap dito sa sala kasama nila si Zeth, napansin nila agad kami kaya tumayo si Zeth para tulungan ang dalawa sa mga dala-dala nila.

“What are you doing here Thalia?”

Tanong ni Kenzo sabay upo sa kabilang sofa pero nakatitig ako ngayon sa lalakeng katabi ni Thalia na nakangisi sakin.

Sino naman kaya ang kumag na ‘to? imposibleng karelasyon niya dahil may Kenzo na siya.

“Why? You’re not happy to see me?” pabalik na tanong ni Thalia habang tumawa ng pagak at binalingan niya naman ako ng kakaibang titig.

Tss, kung nasa girly stage ako ngayon kanina ko pa siya inirapan pero lalake ako kaya ‘wag nalang.

“And what are you doing here, Thadeus Sullivian?”

Thadeus Sullivian? Sigurado ako ang tinutukoy ni Kenzo ay ang lalakeng ‘to, kaya naglakad ako sa sofa na kaharap ni Kenzo at umupo dahil kanina pa ako tayo ng tayo nakakapagod din.

“We’re here for the short vacation, narinig kong may pupuntahan kayo kaya sasama kami ng little sis ko.”

Sagot ng Thadeus, tss sa pangalan palang nila halata ng magkapatid pero parang nawalan na ako ng gana magbakasyon kung sasama ang Thalia hindi ako makapag concentrate sa lugar dahil pakiramdam ko may nagmamasid sakin.

Kung titignan, may ibubuga naman ang kapatid ni Thalia pero burdado ng tattoo ang mga braso niya kaya medyo nakakasuka tignan.

“Sinabi sakin ni Master na sasama ang dalawa dahil ilang taon ng hindi napagrelax dahil puro mission na ang inaatupag natin.” Saad ni Zeth habang inaayos na ang mga dadalhin namin sa mesa at tinutulungan siya ni Tyler.

Bumuntong hininga nalang ako dahil mukhang mas mabuti pang pumatay ng mga masasamang tao at magimbistiga kaysa magbakasyon kasama ang mga taong magpapahamak sakin.

“I’m not going.”

Tamad na wika ko habang sinabayan ko pa ng buntong hininga dahil hindi talaga ako magiging komportable sa mangyayari. Napagtanto kong nakatitig silang lahat sakin dahil sa sinabi ko, bahala na kung rude basta importante walang makapagpahamak sakin. Paano ako makakaligo ng maayos pag nandyan ang Thalia? Tss.

“If you’re not going then I’m with you.” napatingin ako sa sinabi ni Kenzo na pumikit at pabagsak na sumandal sa sofa.

“Come on dudes, ‘wag kayong kill joy minsan lang naman ‘to.” saad ni Zeth kaya huminga nalang ako ng malalim dahil mukhang pipilitin niya naman ako para sumama sa kanila.

Bakit ba kasi sumama ‘tong magkapatid na ‘to?

“Arix, help me here.” tumayo naman ako nung tinawag ako ni Tyler kaya naglakad ako sa kinaroroonan nila.

“Don’t worry Sakura, as long as I’m here you’re safe.” Bulong ni Tyler habang seryosong sinisilid ang mga binili namin sa malaking plastic bag kaya napangiti ako sa sinabi niya.

“Thadeus, Thalia paki buhat ang mga dadalhin natin at paki lagay sa likod ng Van.” Utos ni Zeth at tumayo naman ang dalawa pero nakita kong kanina pa ako sinusulyapan ni Thadeus pero nilalabanan ko siya ng titig kaya siya naman ‘tong todo iwas.

Nung inayos na namin ang lahat, nagbihis na ako at nag impake ng konting gamit dahil hindi ko alam kung ilang araw ang itatagal namin.

Lumabas na ako sa hideout dahil ako nalang ang hinihintay kaya pumasok na ako sa loob at tumabi kay Tyler habang si Zeth naman ang mag d-drive.

Nasa likod naman ang Thalia, Kenzo at Thadeus pero kumunot ang noo kong lumabas si Kenzo sa sasakyan at mas lalong kumunot ang noo ko nung tumabi siya sakin kaya nasa gitna ako ng dalawa.

“Kenzo, what the fvck are you doing?” tanong ni Thalia sa galit na boses habang inaayos ni Kenzo ang seat belt ko pero parang sobrang seryoso yata siya sa ginagawa niya.

“Me? I’m just securing Arix.” Sagot ni Kenzo sabay upo ng maayos pero naramdaman ko ang titig sakin ni Thalia sa likuran kahit hindi ako lilingon.

“You couldn't even do that to me, Kenzo. Are you gay?!” sigaw ni Thalia kaya hinawakan ko naman ang tenga ko dahil nakakabingi ang sigaw niya.

Nakita kong napailing nalang si Zeth at nagsimulang pinaandar na niya ang Van. Pero gusto kong sapukin ngayon si Kenzo dahil nagpapahalata ang gago!

“Turn off the air conditioner Zeth, open the Window Tyler.” Utos ko sa kanila dahil baka aatakihin ako ng pagkahilo dahil medyo mahaba yata ang biyahe.

Sinunod naman ako ng dalawa habang rinig na rinig ko ang malalalim na hininga ni Thala na lumalabas na ilong niya dahil sa sobrang inis.

“You’re dead Arix.” Rinig kong bulong ni Thalia pero sana sinigaw nalang niya dahil wala naman akong pake ‘dun.





©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now