CHAPTER 23

5K 362 24
                                    

CHAPTER 23

Sakura Archer’s POV

Nagising ako dahil narinig ko ang boses ng Thalia dito sa loob ng kwarto kaya dahan dahan akong umupo at humikab.

Nakita ko siyang naka sandal sa pintuang nakasara habang naka cross arms siya na nakatitig sakin.

“Lunch was served.” Saad niya kaya tumayo na ako sa kama dahil nakaramdam na rin ako ng gutom, sandwich lang ang kinain ko kaya malaman gugutumin talaga ako.

Pero nakapagtataka, bakit niya ako pinuntahan dito sa kwarto para tawagin? Kung gusto niya akong patayin then, she should let me die in starvation.

“I can’t accept that Kenzo likes you, as a woman this is big deal. Matatanggap ko pa pag pinagpalit ako sa kapwa ko babae pero.. pag sa lalake, parang hindi tama.”

Napatingin ako sa sinabi niyang nakangiti ng pagak habang nakatitig sakin, ano ang gusto niyang iparating? Lubayan ko si Kenzo? Paano kasi siya naman ‘tong lapit ng lapit sakin.

“I've told you already, you should end your relationship between him but you didn’t listen.” Sagot ko habang hinarap ko siya.

“You’re sucks, pinatulan mo ang kapwa mo lalake? Hindi ka ba nahihiya Arix?” sagot niya habang tumawa ng pagak.

“He’s not my type, I don’t care if he likes me but where’s your evidence? Hindi ko nilandi ang malandi mong boylet.”

Nakita kong niyukom niya ang mga kamao niya kaya napangisi ako, napikon siya agad sa sinabi ko?
“I don’t need a fvcking evidence, I can sense that.” tugon niya, masyado kasing nagpapahalata ang gagong Kenzo kaya nagseselos tuloy ‘tong babae na ‘to.

“…leave him alone. I don’t want to see you while with Kenzo, if you keep flirting with him then I will personally kill you.”

Dagdag niya kaya hinawakan ko kaagad ang kanan kong katana na nasa tagiliran ko at tinignan siya ng nakakamatay na tingin.

“Are you threatening me? Or that was a challenge again?” tanong ko kaya umayos siya ng tayo at ngumiti rin sakin.

“The challenge between you and me is over, I’m stronger than you so hold your excitement.”

“You can’t accept the fact that you can’t defeat me right? You know that Thalia.”

“Bro, what are you doing to my Little sister?” narinig kong may nagsalita sa labas ng kwarto at kasabay nun ay bumukas ang pinto. Bumungad naman sakin ang kuya ni Thalia na mukhang seryoso yata siya ngayon.

Kung tutuosin, medyo swerte si Thalia kasi may nakakatanda pala siyang kapatid at lalake pa. Kung papatayin ko siya, may maghihiganti.

“Ask her.” Sagot ko sabay lakad papunta sa pintuan dahil nagugutom na ako pero nung bago ako makalabas ng pinto, bigla akong hinawakan ni Thalia sa braso kaya napahinto naman ako sabay titig sa kaniya.

“Stay away from Kenzo.” Seryosong wika ni Thalia pero winaksi ko ‘yung pagkakakapit niya sa braso ko sabay ngisi sa kaniya.

“Then stay away from me.” tugon ko at tinalikuran ko na sila.

_

Pagkatapos naming kumain, papunta naman kami ngayon sa isang natural swimming pool na gusto kong makita. Medyo mabato ang daanan dahil nasa likod kami ng mansion dumaan, nasa unahan namin sina Thalia at Kenzo habang nakakapit ‘yung fiancé niya sa braso ng gunggong. Nasa likod naman namin ni Tyler sina Zeth at Thadeus habang dala dala namin ang kaniya kaniyang bag pack.

Napatingin naman ako sa wrist watch at 2:23 na pala, hindi na kami nagdala ng tent dahil medyo malapit lang naman sa mansion.

Habang naglalakad kaming lahat, abala ang mga mata ko sa pagmamasid sa paligid dahil ang ganda sa mata. Nakakarelax tignan ang mga matatarik na mga puno at binabalutan sila ng mga green algae na nagsisilbing kumukulay sa kanila.

Kapansin pansin ‘din ang mga orchids na nakadikit sa ibang puno na karamihan, color white at purple ang nakikita ko. Mabuti nalang hindi masukal ang lugar dahil puro puno ang nakikita ko. Nakakapanindig balahibo rin ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha ko, kahit nakajacket ramdam na randam ko parin ang lamig.

“Arix, let me carry your bag.” Napatingin ako kay Tyler dahil sa sinabi niya, magsasalita pa sana ako pero sapilitan niyang kinuha ang bag pack kaya wala akong magawa, hinayaan ko nalang siya.

“Bro, carry my bag too.” Rinig kong sabi ni Zeth sa likuran namin.

“You can do it by yourself bro.” sagot ni Tyler at narinig kong tumawa si Kenzo sa unahan namin. Mukhang natutuwa yata siya dahil nakadikit sa kaniya si Thalia ah?

“This is unfair!” sigaw ni Zeth habang natawa nalang din.

Makalipas ang sampung minuto, narating na namin ang destinasyon kaya napangiti nalang ako sa pagkamangha sa nakita ko.

Satisfying naman pala ang view.

Parang isang malawak na hukay pero makikita mo ang mga malalaki at malilit na bato sa ilalam tapos makikita mo sa unahan ang source ng tubig na nanggagaling sa mabatong lupa. Parang nasa ilalim kami ng bangin at siguro sa itaas nanggaling ang tubig dahil medyo malakas ang agos papunta sa natural swimming pool.

Ngayon lang ako nakakita ng napakalinis at malinaw na tubig kaya mageenjoy ako dito, mas maganda sana kung bukal dahil bagay na bagay sa malamig na paligid.

“Nice water, I didn’t expect this.” Saad ni Tyler habang nakatitig sa tubig, may kalaliman pero marunong naman ako lumangoy.

“Marami bang dumadayo dito Kenzo?” tanong ni Zeth sabay lapag ng mga dala niya sa ibabaw ng isang malaking tipak ng bato sa hindi kalayuan kaya ganun din ang iba, ‘dun din nila nilagay ang mga back packs.

“Private property ‘to namin kaya walang nagtatangkang pumupunta dito.” Sagot ni Kenzo at naglakad na sila sa kinaroroonan ko.

“So what are we waiting for? Let’s enjoy the water!” sigaw ni Zeth sabay hubad ng jacket pati suot niyang Tshirt at nauna na siyang tumalon sa tubig.

“The water is warm! Hindi ganun kalamig come on bro’s join me here!” dagdag ni Zeth at nagsimula na siyang lumangoy.

Naramdaman ko naman ang presensya nina Tyler at Kenzo sa magkabilang gilid ko, kaya ko sila nilingon dahil sila naman ang naghubad. Naka swimming trunks lang sila ngayon pero si Thalia, naghuhubad palang, parang naka swimsuit yata siya.

“What do you think Arix, my body is nicer than Tyler right?” saad ni Kenzo kaya binalingan ko siya ng tingin pero mas lumapit pa siya sakin pero hindi ako umatras.

Pilit kong iwasan tignan ang katawan niya para hindi ako mahalata dahil napasulyap ako kay Thalia sa likuran niya na ang sama ng titig nanaman sakin.

“Just swim idiot.” Sagot ko sabay tulak sa kaniya sa tubig kaya sumunod naman tumalon si Thadeus at Thalia.

Dahil gusto ko ng lumangoy, hinubad ko na ang jacket ko pati pantalon at sinandal ang katana ko sa hindi kalakihang bato.

Tungkol naman sa suot ko, syempre ang oversized Tshirt at naka swimming trunks din ako. Nung nakita kong nag s-stretch pa si Tyler, ngumisi ako dahil hinawakan ko ang braso niya sabay talon kaya napasama siya sakin.

“Wait, babalik muna ako ng mansion kukuha lang ako ng inumin, iinom tayo dito dahil malamig pag umahon na tayo!” sigaw ni Zeth at umahon sa tubig.

Iinom? Mukhang pass ako dyan. Baka ano nanaman ang magagawa ko, mahirap na.

_
.
Note: Hello cherries, thank you for the votes from this story!

Check my Facebook Account: Cherryypinks Uchiha

If you're my reader then you can join my group named: Miss Uchiha's Readers [Cherries Official Group]

Don't forget to vote and Follow me for more upcoming stories!



©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now