CHAPTER 29

4.3K 241 8
                                    

CHAPTER 29

Sakura Archer’s POV

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang ‘yun marahas ko siyang tinulak papalayo sa banyo dahil nakaharang siya sa dinadaanan ko. Ang lakas naman ng loob niya kaninang laitin ang utak ko, nadale ko tuloy siya. Ngayong alam na niya, tatapusin ko muna ang mission at sisiguraduhin kong walang magpapalayas sakin sa Academy hanggat hindi ko pa natapos ang ang mga hangarin ko. Kahit sipain pa niya ako papalabas dito, hindi ako aalis. Makipagpatayan pa ako kung kinakailangan.

Nang makapasok na ako sa banyo, naligo na agad ako. Matapos ang 15 na minuto, lumabas na ako at sa kabutihang palad wala na si Thalia. Akala ko aabangan niya pa ako dahil alam kong bibirahan niya ako dahil sa mga natuklasan niya tungkol sakin.

Naglakad na ako papuntang sala at nadatnan kong may inabot na papel ang hindi ko kilalang lalake kay Zeth. Umalis naman siya agad nung tinanggap na niya ang papel, siguro mission paper namin ‘yun mamayang gabi.

“I have to cook some food right now, para handa na tayo mamayang gabi.” Nilapag ni Zeth ang mission paper at naglakad patungo sa kusina dahil maghahanda nga daw siya ng pagkain.

Napatingin naman ako kay Thadueus na nakaupo lang sa sofa, pero nakahiga parin sina Tyler at Kenzo na mukhang tulog na yata. Alam niyo na kung bakit, hangover ‘yang dalawa.

Hindi nahagip ng mata ko si Thalia, siguro lumayas na dahil hindi niya gustong makita ang pagmumukha ko. Pag ‘yan iniisip niya, mas lalo naman akong hindi ko gustong palakad-lakad siya dito at walang ginawa kundi makipag bangayan lang sakin.

“Arix! Can you help me here!” rinig kong sigaw ni Zeth sa kusina kaya naglakad nalang ako papunta ‘dun para tulungan siya.

_

“Our target is a Mafia boss, their hideout named ‘Black Scull’ and the expected number of men is 50-100.”

Seryosong saad ni Zeth, habang hawak hawak ang mission paper namin. Sumapit na ang pinakahihintay kong oras at hinanda ko na lahat ng dadalhin ko kabilang ang ebidensyang hawak ko, sisuot ko ang kwintas na magiging clue sa pagkawala ng mga magulang ko.

Ang pendent na parang pangil ng aso na ‘to ang magtuturo sa mga taong ‘yun at isa-isahin ko silang mabura ang maiitim nilang landas sa mundong ‘to.

“This mission is for my sweet heart.” Napatingin ako kay Kenzo at seryosong inaayos ang machine gun dala-dala niya.

“This mission is for my girl friend.” Bigla naman ako napatingin kay Zeth at kwestionable ko siyang tinititigan dahil sa sinabi niya sakin.

Paalis na kami dito sa hideout dahil 9:00 na ng gabi, sana magtagumpay nga kami dahil mukhang masama ang kutob ko sa mga mangyayari dahil sa wakas mahahanap ko na ang pumatay sa mga magulang ko. Ang sabi kasi ni uncle higurashi dati, isa lang ang organisasyon ang gumagawa ng mga bagay na ‘yun kaya hindi ko nagkakamaling ‘yun ang matagal ko ng hinahanap.

“What?!”

“What?”

Sabay na nagsalita sina Tyler at Kenzo dahil sa sinabi ni Zeth kaya tumawa naman siya ng malakas dahil sa inasal ng dalawa lalo na ‘tong Kenzo. Bigla kasing gumusot ang mukha niya, akala mo may mabigat kang kasalanan.

“I mean, babaeng kaibigan. ‘yun naman ang ibigsabihin diba? GIRL-FRIEND, kaibigan ko si Arix dudes! Don’t worry, hindi ko aagawin sa inyo ang Sakura niyo.”

Nakita kong napailing nalang si Kenzo at binuksan na ang pintuan para makalabas na kami dito sa loob ng hideout.

“Wait! We have to do the ‘group hug!” Sigaw ni Zeth kaya binalingan siya ng matalim na tingin ni Kenzo.

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora