CHAPTER 7

5.5K 362 39
                                    

CHAPTER 7

Sakura Archer’s POV7

“Target: Male Mafia Boss, 45 years old. Hideout: ‘Lavradoure’s place’, expected number of men: 50-70. Let’s go.” Seryosong saad ko nung mabasa ko ang mission paper na pinadala ng ni Master Thadeo Sullivian. Nakita ko lang ‘din ang pangalan niya sa papel kaya nakilala ko kaagad.

Tumango naman sina Zeth at Tyler kaya umalis na kami sa hideout para umpisahan na ang misyon, 9:00 na ng gabi kaya ang liwanag ng buwan na lumilikha ng mga anino namin habang naglalakad dala dala ang mga partner weapon na gagamitin namin sa laban.

Syempre, katana ang dala ko at wala ng iba.

Kay Tyler naman, mga Rifle na baril habang kay Zeth naman, shutgun at mga Granada. Tangina, ang sarap makipagpatayan lalo na mga cool ang kasama mo.

Pero, masakit parin ang paso ko sa dibdib. Pag nakita ko lang talaga ang Kenzo na ‘yun, mahihiwalay talaga ang ulo niya sa katawan.

_
Maingat naming sinuyod ang ‘Lavradoure’s place’ para mabilang namin ang mga bantay bago pumasok, tinignan ni Zeth sa likod habang sa kami naman ni Tyler, nagtatago dito sa malagong halaman habang pinagmamasdan ang dalawang lalakeng bantay habang naninirgarilyo. Hindi kami gaanong malayo kaya madali ko lang silang matitigok maya-maya.

Mukhang mansion ang papasukin namin, pero maingay sa loob dahil sa malakas sa tugtog. Nagpaparty party yata ang mga animal.

Nakita kong sumenyas si Zeth na nagtatago sa gilid ng pader ng mansion, sumenyas siya na walang bantay kaya tumayo kami ng sabay ni Tyler sa halamang pinagtataguan namin.

“SINO KAYO!” sigaw ng isa na akmang may pipindutin sa relo, warning yata ‘yun kung may intruder na makakapasok pero mabilis kong ginalaw ng pahalang ang katana ko para magilitan siya sa leeg at ang isa naman sinuntok ni Tyler kaya natumba pero naglakad pa ako sa kinaroroonan ng lalake at sinaksak ko ang leeg niya para safe.

Kasi baka magising pa ‘to, baka makilala pa kami pero may mask namang suot pero mas mabuti talagang patayin, baka maghiganti pa.

Nakita kong may kinuha si Tyler sa bulsa ng lalakeng ginilitan ko sa leeg at lumabas naman si Zeth para sabayan kaming pumasok sa gate at sinusian na ni Tyler para makapasok na kami sa loob.

Pag pasok namin, nakita kong may binatong Granada si Zeth sa bulwagan ng mansion kaya nawasak ang husto ang pinto at narinig naming may nagsisigawan sa gulat.

Nakita kong nagsilabasan sa lungga ang mga lalakeng may hawak na katana kaya bigla akong nakapangisi, ako ang naunang sumugod para salubungin sila sa bulwagan at nakipagpalitan agad ako ng tira sa mga kalaban.

May natamaan ako agad nung maasinta ko ang puson niya, ginalaw ko naman ng patayo ang katana ko para mahiwa sa gitna ang isa pang kalaban.

Para makagalaw ako ng maayos, kinuha ko pa ang isa ko pang katana para multitasking. Nagsanay na ako dito kung paano gamitin ang kanan at kaliwa para mas mapuruhan ang kalaban.

Dalawa ko ng kamay ang gumagalaw pero hindi ko maiwasang madaplisan sa madaming sumusugod sakin at kumuha ako ng lakas para umikot kaya nagsitalsikan lang ang mga parte ng katawang tinamaan ko.

Habang sina Tyler at Zeth, binabaril ang mga kalabang lumalabas sa bulwagan at napatakbo ako sa isang posteng sumusuporta sa entrance dahil kami naman ang tinadtad ng bala.

May mga pagkakataong binubulaga ako ng mga kalaban ko dito sa poste pero nahihiwa ko lang ang mga parte ng katawan nila.

Naramdaman kong tumutulo na pawis ko sa sintido nung mas dumami pa ang lumabas.

“Arix! Lumayo ka!” nilingon ko si Zeth na magbabato na nang Granada kaya nilakihan ko ang hakbang sa pagtakbo palayo sa bulwagan at napagulong sa damuhan dahil sinusundan parin ako ng mga bala.

Narinig ko nalang ang malakas na pagsabog at sigaw ng mga kalabang natamaan kaya tumayo agad ako sa damuhan para makasok na sa loob ng mansion.

Sabay kaming naglakad nina Tyler at Zeth para mapasok na ang loob habang nakahanda parin ang mga weapons namin kung sakaling may lalabas pa.

Pag pasok namin, tumambad ang mga babaeng nakayuko habang nanginginig sa takot. Nakahubad sila na ang daming pasa sa katawan.

“Where’s Lavradoure?” seryosong tanong ni Zeth habang nakatutok sa kanila ang baril at bakita kong may tinuro ang isang babae sa kabilang sofa kaya naglakad ako dun.

Nung isang hakbang nalang para marating ko ang sofa, bumulaga sakin ang matandang lalakeng akmang sasaksakin ako sa leeg pero mabilis kong binitawan ang isa kong katana para saluhin ang kamay niyang malapit nang bumaon sa lalamunan ko.

Nakita kong pinagpapawisan siya habang nakatitig sakin kaya tintignan ko siya pababa pataas, mataba pero mas matangkad pa ako sa kaniya.

Bigla ko namang binali ng pabaluktot ang kamay niya kaya nabitawan niya ang patalim habang dumaing sa sakit pero hawak hawak ko parin ang kamay niya.

“He used this young girls for the bed satisfaction and of course, he can pick what he wants.”

Saad ni Tyler kaya ginalaw ko ang kanang paa ko para masipa siya ng malakas kaya humandusay siya sa sahig at dinampot ko naman ang katana ko.

“Look, gumagamit ‘din sila ng pinagbabawal na gamot.” Napatingin naman ako sa mesa dito sa gitna ng sofa at tama siya.

Kaya naglakad ako sa kinaroroonan ng Matabang lalakeng ‘to at walang alinlangang sinaksak ko ang pototoy niya kaya umalingawngaw ang kaniyang boses sa mansion dahil sa sakit na dinulot ko sa kaniya.

“Good heavens, that’s really hurts.” Seryososong saad ni Zeth.

“P-Please..!! Don’t k-kill m-me—“ hindi ko gustong maraming satsat kaya sinaksak ko na ang noo niya para matahimik.

“Let’s go, bahala na ang mga pulis dito.” Saad ni Tyler kaya tinalikuran ko na ang bangkay ng Mafia Boss na unti-unting nilalamon ng dugo ang sahig na naggagaling mismo sa katawan niya.

“You giving me chills Arix, you’re really good at this. Thank goodness you belong to our team.” Natatawang saad ni zeth sabay pasan ng dalawa niyang baril.

“Are you hurt?” kunot noo ko namang tinitigan si Tyler dahil sa sinabi niya.

“Not really, why you’re asking? Are you gay or what?” naiinis na tanong ko sa Tyler na ‘to.

“Then let me ask you this, are you a real boy or what?”



©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now