CHAPTER 17

5K 316 16
                                    

CHAPTER 17

Sakura Archer’s POV

“Nice.. nice!! 500 thousand for this cute girl!” sigaw ng isang babaeng naka maikling shorts at sando na nakaluwal ang Malaki ng dibdib pero base sa itsura niya, mukhang 30 plus na ‘yata ‘to.

Nandito kami ngayon sa second floor ng building habang nakaupo ako sa gilid ng mesa ng babaeng ‘to at may inabot siyang cheke kay Tyler kaya tinggap niya ‘yun.

“Thanks Madame, but where’s your boss?” tanong ni Kenzo na nakatingin sa paligid ng building.

“Mamaya pa siya dadating para masaksihan ang mga ibebenta ngayong araw.” Tamad na wika ng babae kaya tumango nalang si Tyler.

“You can go now.” Dagdag ng babae kaya tumalikod ang mga kasamahan ko at bumaba na ng hagdan, wala na silang sinabi sakin dahil para hindi kami mahahalata.

“Let’s go, I will choose your outfit in the dressing room.” Saad ng babae sabay tayo at umakyat siya sa hagdan para marating ang ikatatlong palapag. Sinundan ko naman siya ‘dun para makapagbihis na, sana hindi masyadong revealing ng isusuot ko.

_

“Here wear this, faster because we don’t have enough time. Wait for my call and be ready.” Wika niya sabay bato sakin ng isang panty-short na my nakadesenyong yellow feathers at glitters habang bra naman na ganun ‘din ang disenyo. Tangina, mas malala pa yata ‘to kaysa sa inaasahan ko. Paano ko masusuot ang katana ko nito?

Napatingin naman ako sa mga babaeng nakabihis na. Makikita sa mukha nila ang kaba habang nakaupo sa harap ng salamin at ang iba, nakatulala lang.

“Bakit kayo napunta dito?” tanong ko sabay hawi ng kurtina para makabihis ng maayos.

“Binenta lang ako ng madrasta ko, habang ang iba kapit lang sa patalim.” Rinig kong sabi ng isang babae habang sinusuot ko na ang binigay sakin na malaswang damit.

“So swerte kayo dahil maliligtas kayo ngayon.” Bulong ko habang inaayos ang sarili ko at lumabas na sa fitting room.

Nakita kong parehas lang kami ng mga suot pero iba iba ang kulay, binilang ko naman sa isip ko ang mga babae dito at 19 kami lahat.

Magkano kaya ang pera na mapupunta sa Don. Quazei na ‘yun dahil maayos ang katawan at mukha ng mga babaeng nandito.

Halatang halata sa mga mayayamang nandito na uhaw sa katawan ng mga babae dahil mukhang mga manyak, alam kong ang iba sa kanila ay may mga asawa na pero nakuha paring maglandi sa iba.

Naghanap naman ako ng tali para may masasabitan ako ng mga sandata ko, nung may nakita ako tinali ko kaagad ‘yun sa gilid ng balakang ko at sinabit ko na ang dalawa kong katana ‘dun.

Napabuntong hininga naman ako dahil malalaman ni Zeth ang tungkol sa indentity ko na sana manahimik siya dahil mawawalan talaga siya ng ulo. Napatingin naman ako dito sa dibdib kong kitang kita na ang cleavage. Sa totoo lang, ngayon lang ako naging komportable dahil Malaya na ang dalawa kong dibdib na ipit na ipit ng elastic bandage.

“Hey put some makeup para Malaki ang halaga mo.” Napatingin ako sa babaeng katulad ko ‘din ng suot pero kulay red ang sa kaniya pero umiling ako sa sinabi niya.

“I’m allergic.” Sagot ko at nagkibit balikat lang siya sakin pero totoo ang sinabi ko, nagkaka pimples ako pag may nilalagay ako sa mukha ko kaya hindi ko gustong lalagyan ng make-up.

Habang inaayos ko ng mabuti ang Kanata ko, may napansin akong babaeng umiiyak habang nakatitig lang sa salamin kaya naglakad ako sa kinaroroonan niya sabay tapik sa balikat.

“Are you okay?” tanong ko na may halong pagaalala dahil bakas sa mukha niya ang pagkatakot kaya pinahid niya ‘yung luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi.

“I-I’m scared.. I’m just.. 15 years old.. natatakot ako sa taong bibili sakin” bulong niya kaya ngititian ko siya.

“Don’t worry, I will save you out here.” bulong ko sa tenga niya kaya narinig kong huminga siya ng malalim at ngumiti ng pilit.

“Sana.. sana nga may taong mag liligtas sakin dito, pero hindi ako aasa dahil mas lalo lang akong aasa.”

Mahinang saad niya, naiintindihan ko siya. Kung ano man ang dahilan kung bakit siya nandito, malamang binenta siya ng miyembro ng pamilya niya dahil sa kahirapan. Nakakaawa ang mga katulad kong mga babaeng walang lakas para maipagtanggol ang sarili, ni kahit boses manlang para may lakas kang tumanggi sa mga bagay na hindi gusto.

Hindi bale, katapusan na ng kagaguhang ‘to para hindi na sila makadanas ng hirap sa mga taong bibili sa kanila. Alam ko ang kapalaran nila sa mga taong ‘yun, walang iba ay init lang ng katawan. Mas malala pa pag tinotulture ka pag napunta ka sa mga malulupit na tao.

“Time’s up! The announcer will call your name one by one so be ready girls let’s go!” sigaw nung babaeng kausap namin kanina kaya bumaba na kaming lahat sa second floor at bakas sa mukha nilang lahat ang kaba kasi hindi mo alam kung sino ang gustong bumili sayo.

Pinapila kami ng babaeng nagsalita kanina at nakarinig na kami ng tugtog mula sa baba.

“PLEASE WELCOME! THE GIRLS IN YOUR DREAMS…!” Sigaw ng announcer at nakita kong may bumaba ng babae sa hagdan habang lumakas ang sigawan.

Sunod kong narinig ang mga presyo na umabot ng 2 million, grabe sa isang babae palang ‘yan siguro ang yaman yaman ang Don. Quazei na ‘yun. Depende pa pag pinagaagawan ka dahil tataas ng tatas ang halaga mo.
Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang sunod na tatawagin kaya hinanda ko na ang sarili ko.

“NEXT IS, 18 YEARS OLD. HER NAME IS SAKURA ARCHER! LET’S WITNESS HER DAZZILING BEAUTY!”

Nang marinig ko na ang pangalan ko, bumaba na ako ng hagdan habang rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga lalake sa loob. Naglakad pa ako sa stage at nagmasid muna ako para makita ko sina Tyler.

“3 million!” rinig kong sigaw ng isang lalakeng nakaupo sa unahan habang nakatitig siya sakin ng malagkit.

“5 million!” napalingon naman ako sa sumigaw pero parang pamilyar ang boses? Kunot noo kong hinanap kung saan nanggaling ‘yun at uminit ang ulo ko kung nakangisi sakin ni Kenzo na nakaupo silang tatlo sa second row.

“5.3 million!” sigaw naman nung matanda na abot tenga ang ngisi sakin.

“ANY OFFER GENTELMEN?!”

“10 MILLON!!!” nagulat ako nung sumigaw si Zeth na tinaas niya ng paulit ulit sakin ang dalawa ng kilay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“20 MILLION.”

Napabaling naman ang tingin k okay Tyler na hindi siya makatitig ng diretso sakin, punyetang mga hangal na ‘to offer ng offer ng pera pero hindi naman nila babayaran!

“ANY OFFER HIGHER THAN 20 MILLION?!!” sigaw uli ng announcer pero narinig kong nagbulungan ang mga lalake sa paligid.

“20 MILLION, SOLD TO THE COOL GUY AT THE SECOND ROW!” napahawak nalang ako sa sintido ko dahil nagpapakitang gilas lang naman ‘tong tatlo.





©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now