CHAPTER 10

5.3K 332 16
                                    

CHAPTER 10

Sakura Archer’s POV

“By the way, I like your girly voice.” Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinasabi ng Tyler na ‘to.

Tangina, ngayong alam na niya baka ipagsasabi niya sa iba? Humanda talaga siya sakin dahil ihihiwalay ko talaga ang ulo niya sa katawan.

“…Don’t worry, I will keep this as our secret. Tayong dalawa lang ang makakaalam nito.” Seryosong saad niya kaya lliteral na nakahinga ako ng maluwag.

“Hindi mo sasabihin kay Zeth?” tanong ko dahil kaibigan niya ang lalakeng ‘yun.

“Medyo madaldal si Zeth kaya hindi ko ‘to sasabihin sa kaniya.”

“Natalo ako, kaya makakabalik na ang King na ‘yun para matahimik ‘din ang reyna niya.” Saad ko sabay talikod dahil ako naman ang gagamot sa mga ibang sugat ko lalo na dito sa dibdib na may daplis ng Katana.

“I don’t think so, parang ikaw parin ang King dahil nakikita kong napabilib mo si Master Thadeo kanina.”

Tugon niya pero hindi ko na siya sasagutin dahil nag popokus ako sa paggagamot ng sugat ko dahil nga may mission pa kami mamayang gabi.

Bigla ko naman naalala ang Thalia na ‘yun, kung hindi lang talaga ako naipit kanina hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.

“You need help?” uminit naman ang ulo ko nung nagsalita uli si Tyler sabay lapag ng kamay niya sa balikat ko.

“Alisin mo kagaad ang kamay mong lumanding sa balikat mo kung ayaw mong lalanding din ang katana ko sa leeg mo.”

Pagkasabi ko nun, inalis niya naman agad.

“Sorry, until now I can’t imagine that you’re a girl.” Pinaikot ko naman ang dalawa kong mata dahil sa sinabi niya.

Sasagutin ko sana siya pero may narinig akong bumukas ang pinto kaya dali-dali kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang jacket na suot-suot ko at napatingin naman ako sa pumasok kung na sino ‘yun.

“Arix Fabian, the master will choose again if who will be the King now. Please proceed to his building.”

Isang killer ang pumasok at lumabas ‘din kaagad kaya inayos ko naman ang sarili ko.

“Use this.” Napatingala naman ako kay Tyler sabay abot sakin ng Elastic bandage kaya tinanggap ko naman ‘yun at tumalikod naman siya sakin para makapagbihis na ako.

Tungkol naman sa narinig ko ngayon, wala akong pakealam kung hindi na ako magiging King dahil mas importante parin ang mga hangarin ko.

_

“I saw the fight earlier, that was terrific. You can beat my daughter Mister Fabian.” Seryosong saad ng master habang nakaupo siya dito sa harap namin na may inaayos na mga papel.

“Thank you for the compliment master.” Sagot ko sa sinabi niya pero kanina ko pa sinusulyapan ‘tong Kenzo na ang sama sama ang titig sakin.

“What’s your decision master?” tanong ni Kenzo habang nakatitig parin sakin pero nakatingin lang ako sa ginagawa ng master.

“Because of the fight, Mister Arix Fabian is still a king. Mas lalo lang niya ako pinahanga.” Narinig ko kaagad ang marahas na buntong hininga ni Kenzo dahil sa sinabi ng Master.

“…At para sa hard mission mamaya, tutulungan mo ang team ni Mister Arix. Tonight, you will join in his team, Kenzo.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sabay tingin kay Kenzo na ang sama ng titig sakin na para bang lalamunin ako ng buhay.

“Fvck, bakit ako sasama sa mission nila? He’s strong right?” nakangising tugon niya pero nakatitig parin sakin habang nakangisi ng pagak. Napahawak tuloy ako sa kaliwang katana ko dahil ang sarap pugutan ng ulo.

“Yes, he is. Just obey me, you’re strong too that’s why, you have to join in his team and for the next missions.. tatawagin nalang kita pag sasama ka uli sa mission ni Mister Arix Fabian.”

Nakita kong napayukom nalang siya ng kamao pero umiwas nalang ako ng tingin baka mapatay ko na ‘to dahil naiirita na ako sa kakatitig niya.

“Dad! What’s the meaning of this? Eli is more deserving than him.” Narinig kong may pumasok sa pintuan at alam ko na kung sino ‘yun.

Nakita ko na siya ‘nung naglakad siya sa gilid ng master at binalingan naman ako ng tingin.

“It’s my decision Thalia, you’re out this.” Seryosong saad ni Master sabay abot sakin ng papel, mission paper siguro ‘to mamayang gabi.

“Your next target is a gangster, he’s good at fighting so be careful. 1 million ang bayad para dito kaya sana magtagumpay kayo. Dismiss.”

“Thank you Master.” Saad ko sabay bow pero narinig ko lang na tumawa ng pagak ang Thalia kaya tinignan ko lang siya at nginisihan.

“I wish you’re dead after your mission.” Wika niya sakin kaya mas lalo ko siyang nginitian ng nakakamatay.

“Some wishes never come true.” Tugon ko sabay talikod sa kanila pero nakita ko pa kung gaano gumusot ang pagmumukha niya.

Linisan ko na ang building ng master at nakita ko naman agad sina Zeth at Tyler na parang may hinihintay dito sa labas ng building.

“Yow man! What is our next target?” tanong ni Zeth at sinabayan naman ako maglakad para makapaghanda na sa hideout.

“He’s the king of the killers, but very annoying. Plus, I want to kill his feeler girlfriend.” Tugon ko pero natawa lang sakin ni Zeth dahil alam niya ang tinutukoy ko.

“..by the way, that Kenzo will join us in our mission tonight.”

“That’s cool, he’s good fighter.” Sagot sakin ni Zeth, pero mas gusto kong siya na ang papatayin ko mamaya dahil sagabal siya sa mga plano ko.

“Our next target is Male Gangster, 28 years old. Hideout: Vinance street, Red mansion. Expected number of men: 100.” Dagdag ko habang tumitingin sa papel.

“Kaya pala pinadala si Kenzo, marami ang ililigpit.”

_

“Damn, it’s 10:12 in the evening, I hate waiting.” Inis na saad ni Tyler habang nakasandal dito sa pader ng gate.

“Hindi yata dadating ang gunggong na ‘yun kaya tara na, tayo ang tatapos sa misyon.”

Seryosong saad ko sabay lakad kaya sumunod naman ang dalawa, siguro hindi niya kayang makipaglaban dahil kasama ko sa sa iisang team? Mabuti naman kung ganun dahil sa halip na ang target ang mapapatay ko, siya nalang dahil mukhang siya ang magpapahamak sakin dito.

Sumakay na kami sa kotse ng school na si Zeth na ang nagmaneho dahil may kalayuan ang target namin, makalipas ang ilang 30 na minuto huminto ang sasakyan sa gilid ng daan kaya lumabas na kami sa loob.

“We’re here, suyurin na narin ang paligid.” Seryosong saad ni Tyler kaya tumango kaming dalawa ni Zeth.

Maingat kaming naglakad habang nakahanda na ang mga weapons namin para sumalakay, maya-maya narating na namin ang kulay pulang gate at mansion.

Pero walang bantay, kaya inakyat na namin ang pader para makapasok na sa loob ng bakuran.

Pero nagulat kaming may sumirit na kung ano dito sa gilid namin at pumutok sa kalangitan, tangina! Fireworks, May trap pala punyeta!

©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon