CHAPTER 20

5.6K 336 39
                                    

CHAPTER 20

Sakura Archer’s POV

“Hey Zeth, wake up it’s 10 am. I thought we have to wake up early this morning?”

Saad ko sabay yugyog ng braso niya dahil siya ang hinihintay namin para kausapin si Master Thadeo, siya nagsabi kagabi na maaga kami ngayon pero siya ‘tong nahuli ng gising.

“Give me 2 more minutes.. baby..” napailing nalang ako at tinalikuran siya, nananaginip pa yata kaya ‘wag ko nalang siya istorbohin dahil alam ko ang pakiramdam na iniistorbo ka sa kalagitnaan ng panaginip mo.

“That’s for Sakura, don’t eat that asshole!”

“Damn, I so hungry let me eat this!”

Napakunot ako nung narating ko ang pintuan ng kusina at nakita kong inaagaw ni Tyler ang sandwich yata ‘yun na mas lalong kumunot ang noo kong naka apron siya na may design design na sakura flower? What the fvck?!

“T-Tyler? What’s that?” tanong ko kaya napahinto silang dalawa at nakita kong mabilis pa sa alas kwatro na hinubad ni Tyler ang apron at tinago ‘yun sa likod niya.

“Uh, this? I-I bought this… because..I… I find it cute so—“ hindi na napatapos ang sasabihin niya dahil nakita kong namula ang buong mukha niya at nasama na pati tenga.

“C-Cute?” nauutal na tanong ko, tangina wag mong sabihing bakla si Tyler?! Tama ba ‘yung kulay pink ang apron tapos may sakura flower pang nakadisenyo?!

He’s so manly for me but, why all of the sudden…

“I get it.” Napatigin naman ako kay Kenzo habang seryosong kumakain ng sandwich.

“…he bought that because he remember something from that apron, and guess who Tyler?”

“It’s Sakura.”





Napahawak nalang ako sa kaliwang sintido ko dahil sa inaasal ni Tyler, nakasando siya ngayon at naka shorts na hanggang tuhod pero naka-apron siya na ganyan ang disenyo? Sinabayan pa ng mga braso niyang malalaki kaya medyo cute na nakakahiyang tignan.

“Eat your breakfast Sakura, pupunta tayo sa super market para bibili ng mga kakailanganin natin.” Seryosong wika niya sabay talikod sa kalan, kinuha niya ‘yung sandwich at nilagay niya ‘yun sa plato ko kaya naglakad na ako sa upuan at umupo para kumain na dahil nagugutom na rin ako.

“I will go with you sweet heart.”

Napatingin naman ako dito kay Kenzo na seryosong kumakagat ng sandwich kaya ang cool niya tignan. Siguro kung lalake ako ngayon, nakakadiri isipin ang mga iniisip ko. Sana kung ano man ‘tong pinapakita at ipinapakita ni Kenzo sakin, sana hindi bitag dahil ihihiwalay ko talaga ang ulo niya sa katawan.

“Mind your own business dude, stay here and pack our things.”

Tugon ni Tyler kaya nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Kenzo, kaya napaisip akong… siguro pag babae si Tyler bagay sila ni Kenzo.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para maiwasang matawa dahil sa mga iniisip ko ngayon lang.

_

Pagkatapos naming kumain, naglagay nalang si Tyler ng note kay Zeth sa tabi ng sandwich dahil bibili nga kami sa super market sa labas. Dumaan kami sa main gate at naging strikto na ang mga bantay at nung una kong labas, ilan lang ang nakita ko pero ngayon mga 15-20 na yata sila mabuti nalang kilala nila si Kenzo kaya nag bow lang sila samin bago kami tuluyang makalabas.

Pero syempre, dala dala ko na ang mga katana ko dahil pag in case of emergency, may magagamit ako.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, papasok na kami sa Supermarket na pagbibilhan namin.

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon