CHAPTER 4

5.9K 363 111
                                    

CHAPTER 4

Sakura Archer’s POV

Fvck, iniwasan ko ‘yun kanina tapos mas lalala pa pala ngayon at isa pa, may sugat ako sa likod kaya kung may labang magaganap, dapat tapusin ko na agad.

Nakita kong naglakad ng paunti-unti ang lalake kaya hinanda ko na ang katana ko para sa kung ano man ang mangyayari.

“Drop your weapon, let’s fight man to man.” Dahil sa sinabi niya, hinagis ko ang katana sa sahig habang nakahandusay parin ang mga bangkay dito sa stage.

Punyeta, lalake sa lalake daw pero tangina babae ako pero kailangan kong labanan ang lalakeng ‘to.

Nung nakita kong sinugod niya ako, kumawala agad siya ng suntok pero sinangga ko ‘yun gamit ang mga palad ko.

Ang bibigat ng mga suntok ng lalakeng ‘to, puro sangga ang ginagawa ko pero kaya kong makipagsabayan ng bilis sa kaniya.

Rinig na rinig ang tunog ng mga kamao niyang sumalasubong sa mga sangga ko at napaartras ako nung napagtanto kong tinamaan niya ako sa kanang dibdib, napapikit nalang ako ng mariin dahil sensitibong parte ‘yun para sa babae.

Sumasakit din ang sugat ko sa balikat pag gumagalaw.

“They’re both fighters!”

“Come on King Eli! Finish that pretty boy!”

Napatalon ako nung akma niyang sipain ang tuhod ko at tumambling ng mataas para marating ko ang likuran niya kaya mabilis ko siyang masipa sa likod pero nanlaki ang mata kong nakaharap na pala siya sakin kaya sinalo niya ang sipa ko.

Napatingin ako sa mukha niyang napaseryoso kaya ginalaw ang isa ko pang paa at mabilis kong sinipa ang panga niya. Dahil ‘dun, nabitawan niya agad ang paa kong sinalo niya at napahawak nalang siya sa panga dahil napalakas ang sipa ko.

“Fvck, you’re dead!” sigaw niya bigla habang umiba ang awra niya.

Mukhang ayaw niya yatang tinatamaan ng kalaban, hangal ba siya? Normal lang ‘to pag may sinasagupa ka.

“He just hit k-king Eli?!”

“He’s good, THIS IS THE MOST EXCITING PUNISHMENT GAME EVER!”

“GO ON KICK HIS ASS KING ELI!!”

Sigawan nila kaya sinugod nanaman ako ng lalakeng ‘to habang mas sumeryoso ang mukha na nansisilik na ang kaniyang mga mata sa sobrang galit.

Tinadtad nanaman ako ng suntok habang nalilito na ako sa sobrang bilis niyang makahanap ng butas para matamaan ako kaya hindi ako nagkamali, tinamaan niya nanamn ako sa gitna ng dibdib at nagulat akong pinunit niya ang suot kong t-shirt, dahil ‘dun bigla akong napatras para tignan ang suot ko.

Tangina, buti nalang konti ang napunit kaya hindi masyadong kita ang nasa loob.

“Strip or die?” binalingan ko naman siya ng kalmadong tingin pero pinagpapawisan na ako, hindi dahil sa takot ako sa kaniya, kundi baka mahubaran ako dito wala sa oras.

“Die.” Maikling sagot ko at sinabayan ng ngisi kaya mas lalo pang sumalpok ang kilay niya at dinampot ‘yung dalawa kong katana sabay bato sakin kaya tig-iisa na kami ngayon pero biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa gilid ng tenga.

“Give me back my katana.” Seryosong wika ko sa boses lalake kaya ngumisi lang siya.

“From now on, this is mine—“ hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil bigla ko na siyang sinugod at pumakawala ako ng mabagsik na tira na nanggaling sa sandata ko.

Siya palang ang pinakaunang lalakeng humawak sa katana ko, at papatayin ko siya dahil dyan.

Naghahanap ako ng butas para matamaan ko siya pero nasasangga niya lahat ng tira ko. Magaling siya, pero mas magaling ako sa kaniya pagdating dito.

Nung may makita akong pagkakataong masasaksak ang tagiliran niya, wala akong sinayang na oras kana pwersado kong binaon ang katana na  gamit ang dalawang kamay ko.

Nung matamaan ko ang king na ‘to, akmang pupugutan ko na ng ulo dahil napatras na siya bigla habang hawak hawak na niya ang dumudugong sugat na pinatamaan ko at hinanda ko na ang katana para gagawin ko.

“DON’T KILL HIM!”

Napahinto ako sa pagsugod dahil may sumigaw mula sa itaas kaya tinignan ko kung sino ‘yun.

‘yung matanda, nakita kong pababa siya ng hagdan at umakyat siya dito sa stage.

“You’re a good fighter Mister Fabian, I guess you can’t refuse my offer.”

“What offer?” tanong ko sabay tingin sa lalakeng kalaban ko ngayon lang na ang sama ng tingin sakin pero ayos lang dahi mas lalong umaamo ang pagmumukha niya.

“You will become my right hand, you’re the replacement of Mister Kenzo Eli Walter from now on.”

Narinig kong nagbulungan ang mga kalalakihan sa paligid at bakas sa mukha ng kalaban ko ngayon na mas nagalit siya sa narinig niya ang mga katagang ‘yun.

“What’s the meaning of this master? I’m your right hand for in years. I can’t accept this.” Madiing wika ng Kenzo habang humihingal dahil sa tinamo kong sugat sa kaniya, mukhang malalim yata kaysa sa sugat ko pero ramdam ko parin ang hapdi.

So, ito pala ang master ng Academy na ‘to? napansin agad ako kaya mas lalo akong nabigyan ng pag asa para makita ang mga pumatay sa mga magulang ko.

“This man is perfect, so accept decision Kenzo. From now on Mister Fabian, you’re my right hand. Bibigyan kita ng dalawang kasamahan para sa big mission mamayang gabi.”

Parang pumalakpak ang dalawang kong tenga dahil sa narinig ko.

“I’ll be honored, Master.” Saad ko habang nagbow sa harap niya pero narinig kong huminga ng marahas ang Kenzo sabay tapon ng katana ko at tinalikuran niya kami.

Tangina, pag hindi lang ako napromote ngayon kanina ko pa tinaga likod mo dahil sa pagtapon mo ng katana ko.

“WE CAN’T BELIEVE THIS! THE MAN OF THE PUNISHMENT WILL BE THE NEW KING OF THE KILLERS! BUT STILL, WE WILL CALL HIM.. THE KING OF KATANA!”

_

Kenzo Eli Walter’s POV

Fvck! Fvck! Fvck! Damn that boy named Arix. He just kicked me as a King of the Killers? But, I won’t give up.

Malakas ang kutob kong pinadala siya dito ng mga sindikato para alamin ang next taget namin dito sa school.

I will spy him, I think there’s something in his chest. Maybe a speaker or hidden camera.

Pero nung sinuntok ko siya sa dibdib kanina pero may maramdanan akong kakaiba, kaya aalamin ko kung ano ang tinatago ng gagong ‘yun para mabalik ako sa dati kong pwesto bilang king.

“So, what’s your plan Eli?” tanong sakin ni Yiroel.

“Ang galing niyang humawak ng katana at dumepensa sa mga suntok mo Kenzo.” Saad ni Gray.

They’re my team mates.

“That boy is hiding something, that’s why he can’t undress. Kaya niyang makipagpatayan tapos hindi niya kayang mapaso?” Nakangising saad ko habang ginagamot nila ang sugat ko dito sa clinic.

“You’re right.” Sangayon ni Yiroel.

“I will find out what he’s hiding for.”



©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now