CHAPTER 11

5.2K 331 30
                                    

CHAPTER 11

Sakura Archer’s POV

Dahil sa punyetang trap, nagsilabasan ang mga kalalakihang may dalang handguns kaya pinaputukan na ni Zeth at Tyler gamit ang machine gun na gala nila.

“Hanapin mo na ang Boss nila!” sigaw ni Zeth kaya tumago ako at mat hinagis siya sakin na lubid kaya sinalo ko ‘yun.

Tumakbo ako sa gilid ng mansion sabay hagis ng lubid na may bakal sa dulo para magsisilbing gabay para makaakyat ka, nung hinagis ko na hinila-hila ko muna para siguradong makaakyat ako ng walang palya.

Kumapit na ako ng mahigpit sa lubid para makaayat sa terrace ng mansion, rinig na rinig ko naman ang sigawan ng mga tauhan at sinabayan pa ang mga putok ng baril.

Nang marating ko na ang terrace, tahimik kong umapak sa sahig para maparamdaman ko kung may kalaban man sa loob at hindi ako nagkamali dahil nakita kong may lumabas sa pintuan ng terrace na may  hawak din na katana kata sinalubong ko ang mga tira niya.

“Sullivian killers huh?! Are you trying to kill me?” sigaw niya sakin habang tinadtad niya ako ng tira kaya todo sangga ko para hindi niya ako mataamaan.

“You’re genius!” tugon ko sa sinabi niya kaya mas lalo pa niyang binilisan ang paggalaw ng katana niya na pilit akong tinatamaan hanggang napaatras ako sa terrace at naramdaman ko nalang ang matigas na harang kaya wala na akong mahahakbangan.

“NO ONE CAN KILL ME!” sigaw niya at akma akong tatagain ng pahalang para matamaan ako sa tiyan pero mabilis akong tumalon at lumapag sa patag ng harang ng terrace pero muntik na akong mahulog kaya binalanse ko ng maayos ang katawan ko para makatayo at nakita ko nalang na ngumisi ang kalaban dahil wala akong matatakbuhan.

“DEAD END MOTHERFVCKER!” dagdag niya at pumakawala nanaman ng tira habang ako todo iwas dahil hindi ako makagalaw ng maayos kaya mabilis kong nilagay sa sisidlan ang mga katana ko dahil gagawa ako ng paraan para makaaalis sa bingit ng kamatayan na ‘to.

Akma niya akong saksaksakin sa tiyan pero tumagilid ako para iwasan sabay hawak sa pulsuhan niya at tumambling ako sa likuran niya.

Kinuha ko naman agad ang dalawa kong katana dahil makakaporma ako ng maayos nito, nung lilingon na siya sakin ay tumakbo na agad ako para maunahahan ko na siya pero napahinto ako sa paghakbang nung naramdaman kong may kung anong bagay na bumaon sa likod ko ay nilingon ko na agad kung sino ang bumato sakin.

“Nice timing bro.” saad ng target namin kaya huminga ako ng malalim at hinugot agad ang patalim na bumaon sa likod ko sabay bato sa sahig at umayos ako ng tindig.

“Don’t touch my BROTHER!” tangina, dalawa laban sa isa pero kailangan kong mas talasin ang mga mata ko sa mga magiging galaw nila at nakita kong sabay silang sumugod sakin kaya hinanda ko na ang dalawa kong katana dahil may hawak ‘din ang bagong dating.

Sumalpok kaagad ang dalawang katana nila sa sandata ko at nakipagpalitan ako ng tira habang nakangisi sila sakin habang pilit akong hinuhuli.

Kaya mas gumuhit naman sa labi ko ang ngiti habang pinipilit nila akong tinatamaan.

“WAG MO KAMING MALIITIN!” sigaw ng bagong dating na lalake pero ginalaw ko ang kanan kong katana para masaksak ang leeg niya nakita ko namang umilag siya kaagad pero mas lalo akong napangising dumaloy agad ang dugo nung nadaplisan siya ng katana ko.

“D-Dammit!” daing niya habang umatras pero humakbang ako para patamaan siya sa tiyan kaya sumuka agad siya ng dugo nung mahiwa ko ang tiyan niya at natumaba siya sa sahig.

“BRO!” sigaw ng kapatid niya dahil kanina pa nila tinatawag ng ganyan ang isa’t-isa at nakita kong sumama ang titig sakin ng lalake.

“HOW DARE YOU TO HURT MY BROTHER!!!!” sigaw niya sakin kaya mas lalong bumilis ang galaw ng katana niya.

Tangina, iba talaga pag galit ka dahil ‘yun ang magiging lakas loob mong manglaban.

Bigla akong napapikit ng mariin nung nadaplisan ang hita ko kaya napaupo ako bigla habang sinasangga parin ang mga tira niya.

“GO TO HELLLL!!!!!!!!” dagdag niya habang nakikita ko sa dalawa niyang mata ang pagkamuhi habang hinihingal na pilit niya akong pinatatamaan kaya gumulong ako para iwasan ang mga tira niya.

Punyeta, hindi panga hilom ang mga sugat ko pero nadagdagan nanaman at ang mas malala pa, parang maalim aang sugat ko sa hita!

Huminto agad ako sa paggulong at nanlamig ako nung akma niyang sinaksak ang ulo ko pero mabuti nalang tumagilid ako.

Nung hindi niya agad nakuha ang katana niya, mabilis ko siyang sinipa sa kinaiingatan niya gamit ang kaliwang paa ko na walang sugat sa hita kaya napaupo siya sa sahig at pilit kong tinayo ang sarili ko para kumuha ng lakas para mahiwalay ko ang ulo sa katawan niya.

Tumalbog agad ang ulo habang nahihingal akong umayos ng tayo at napakapit nalang ako sa sintido ko dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.

Napaatras ako ng ilang beses at naramdaman ko nalang na matutumba na ako pero ang mas masaklap pa, napadagan ako sa terrace habang nanginginig ang mga tuhod ko kaya napapikit nalang ako nung dumaplis ang katawan ko.

“ARIX!”

_

Tyler Harrison’s POV

Nagmadali kaming umakyat sa ikalawang palapag ng mansion nung maubos na namin ni Zeth ang mga tauhan ng Gangster target namin.

Nung marating na namin ni Zeth ang terrace, kumunot ang noo kong nakita ko si Kenzo habang hawak-hawak niya ang kamay ni Arix na mahuhulog na siya sa terrace kaya mabilis kong tinungo ang direksyon niya at tinulungan ko siyang hilahin si Arix.

I forgot to ask her what is her real name but that’s not important for now.

Pinasandal namin si Arix sa harang ng terrace at nalawan pala siya ng malay.

“I thought you can’t join us? You’re a bit late.” Seryosong wika ko kay Kenzo sabay hubad ng sando ko para ibigkis sa sugat ni Arix dahil  nakita kong dumadaloy ang dugo sa hita niya at may nakita akong sugat pa sa likod niya banda kaya dinukot ko naman ang panyo ko sa bulsa para ibigkis rin sa sugat niya.

“Our target is dead.” Saad ni Zeth at nakita kong may binaril pa siya na nakaratay sa sahig, siguro buhay pa kaya tinapos na ang hininga ng kalaban.

“Nagdadalawang isip ako pero nakapagdesisyon akong pumunta dito dahil baka kinakailangan niyo ang tulong ko.” Sagot sakin ni Kenzo.

“You just save her.” Tugon ko sabay buhat kay Arix sa likuran ko.

“Her? Who’s that?”

Shit wrong send.

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                  

©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon