EPILOGUE

8.7K 524 87
                                    

EPILOUGE

Sakura Archer’s POV

“Sakura, bakit gising kapa?”  Napalingon ako kay Tyler na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

Hindi nanaman ako makatulog dahil hanggang ngayon, iniisip ko parin ang pagkawala ni Kenzo na ilang beses namin siyang hinanap para makadalaw manlang sa labi niya pero wala kaming nasagap na kahit konting balita sa kaniya.

Isang buwan na ang nakalipas… isang buwan din na parang hindi kumpleto ang araw namin dahil kulang kami ng isa.

Nakaupo ako ngayon dito sa labas ng gate at nakasandal lang sa malamig na pader habang nakaupo sa simento at pinagmamasdan ang bilog na bilog na buwan. Naramdaman kong umupo rin dito sa tabi ko si Tyler at tumingala din sa langit.

“That bastard… why he leave us like this? Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Zeth, hindi ko lubos akalaing kayang kaya niyang gawin ‘yun.”

Seryosong saad niya kaya napabuntong hininga ako dahil walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari. Sana ako nalang ‘yung nawala dahil deserve ko namang mamatay kaysa sa mga taong katulad ni Kenzo.

“Sakura… I have a question for you.”

Nilingon ko naman si Tyler na nakatitig na pala siya sakin.

“What was that?”

“If he will comeback, can you accept his offer to you?”

Ang ibig niyang sabihin ay ‘yung gusto ako maging fiancé ni Kenzo? Malamang ‘yun nga. Pero kahit hindi na mangayayari ‘yan, basta makikita lang siya namin…

“It doesn’t matter to me, I guess… I will give him a chance.” Nakangiting saad ko sabay tingin uli sa buwan.

“Can you hear that Kenzo? She will give you a chance but you’re gone… how could you leave us alone.”

Seryosong saad ni Tyler na nakatitig na ngayon sa langit na kitang kita ang mga kumikislap na bituin, kung pwede lang humiling na magkakatotoo… pero mukhang hindi na babalik samin si Kenzo. Halos araw araw namin siyang sinasali sa paguusap namin habang nagbibiruan, pero hindi matatago sa kalooban nina Zeth at Tyler na apektado ‘din sila sa nangyari kay Kenzo.

“Ipagkakatiwala ko sayo si Sakura, pero ‘dun kapa nawala dude. Pero wag kang mag-alala hindi ko aagawin ang sweet heart mo.”

Saad ni Tyler habang natatawa kaya tumawa lang ‘din ako ng mahina dahil sa binanggit niya. Sana hindi nila pinagkait na makita manlang namin si Kenzo kahit sa huling hantungan. Nung makita ko ang kalagayan niya pagkatapos ng malakas na pagsabog na  ‘yun, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko dahil lahat kami puro duguan. Mukhang hindi ko nga alam na ang dami ko palang sugat at lahat kami, muntikan na malawan ng dugo dahil sa mga sugat na tinamo namin… pero si Kenzo…

Naramdaman ko nanamang uminit ang mga sulok ng mga mata ko pero bago pa pumatak ang mga luhang ‘to, inalis ko na kaagad gamit ang daliri ko.

Tungkol naman kay Thalia, mabuti nalang hindi niya ako sinisi kahit sa pagpaslang ko ng kuya niya. Talagang hindi niya dapat ako sisihin dahil pag hindi ko napatay ang Thadeus na ‘yun, maghahasik lang siya ng mga madudumi niyang galamay lalo na sa mga inosenteng mga tao.

Hindi ko alam kung kailan kami makaka move on sa mga pagkawala ni Kenzo dahil nagalit ang ama niya kay Master Thadeo dahil ‘yun ang sinapit ng kaisa-isa niyang anak na lalake. Pero sana… kahit kaming mga kasamahan niya pinayagang makita siya pero hindi…






Napatingin naman ako sa mga bituing parang nangungusap dahil walang tigil na kumikislap, gabi gabi ay nandito ako sa labas para pagmasdan ang buwan o mga bituin. Nakikiusap sa dinggin ang aking mga hiling na sana makita namin kung nasaan ang katawan ni Kenzo… kahit ‘yun lang… ang dami kaming sasabihin sa kaniya…

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon