CHAPTER 19

5.2K 329 33
                                    

CHAPTER 19

Sakura Archer’s POV

Dahil sa nangyari, magkatabing matulog sina Kenzo at Tyler pero ramdam na ramdam ko ang tension sa kanilang dalawa na halos maghuhulog na sila sa kama dahil ayaw nilang sumanggi sa isa’t-isa.

“Hey you two, do you like Sakura?”

Pagkarinig ko ng mga salitang ‘yun bumagon agad ako at akma kong kukunin ang katana kong nakalapag sa mesa para mataga ang bibig ng Zeth na ‘to, pero bago ko pa mahawakan ang katana ko ay nagtago agad siya sa kumot niya.

“Don’t call me like that! Someone might hear you!” singhal ko sa kaniya habang inalis na niya ang pagkatago sa kumot sabay ngiti sakin ng pagak.

“I will answer your question Zeth, yes I like Sakura.” Awtomatiko akong napatingin kay Kenzo dahil sa sinabi niya. Tss, baka gusto niya ako para patayin?

“Me too, and I won’t let someone steal my flower away from me.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tyler, teka kung totoo ang sinasabi nila bakit nila ako magugustuhan dahil ang gaspang ko kumilos, hindi naman ako kagandahan, parang ang nakikita ko lang sakin na kagusto-gusto ay ‘yung may alam ako sa pakikipaglaban.

“But your flower was already picked by someone, and that someone is ME.”

Tungon ni Kenzo kaya narinig ko nalang ang malakas na kalabog nung sinipa siya si Tyler sa kama habang tawang tawa naman si Zeth sa inasal ni Tyler.

“That’s why, they invented this saying ‘DON’T PICK FLOWERS’, so back off dude.”

Saad ni Tyler habang humiga naman uli si Kenzo sa tabi niya habang hinihimas ang likod at akma niyang sisipain si Tyler pero bigla ko siyang binato ng unan kaya hindi natuloy ang binabalak niya.

“Shit!” daing ni Kenzo nung tinamaan siya sa mukha.

“Instead of picking it, you have to take care of it so.. that flower will bloom beautifully.”

“Yan ka nanaman Tyler, may pa ganyan ganyan ka kay Arix pero sakin hindi mo manlang ako inembentuhan ng mga ganyang salita!” sigaw ni Zeth kaya mahinang tumawa si Tyler.

“Because you can’t bloom Zeth, you have balls.”

Dahil sa sinabi ni Tyler, bumangon bigla si Zeth at malakas siyang binato ng unan sa mukha dahil nakatitig lang sa kisame si Tyler habang nagiisip dahil kung ano ano na ang lumalabas sa bibig niya.

Pero bigla akong napaisip tungkol sa dalawa, si Kenzo wala pa akong nakikitang good side sa kaniya dahil hindi niya pa naman pinapakita samin ‘yun. Pero hindi niya pa pinagsabi sa iba ang tungkol sa identity ko at mukhang hindi niya naman ako pinahirapan para maging sunod sunuran ako sa kaniya kaya medyo mabuting tao naman siya. Pero, ang hirap ng tiwala lalo na’t kasintahan niya ang Thalia na ‘yun, baka ginagawan nila ako ng bitag.

Tungkol naman kay Tyler, masasabi ko ng mabait siya dahil tinutulungan at pinoprotektahan niya ako lagi kaya thankful naman ako dahil ‘dun. Pero minsan, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sakin.

Dahil sa inisip ko ang dalawa, isasama ko na lang si Zeth. Madaldal siya at makulit ang bibig kaya sana hindi niya ipagsabi ang tungkol sa identity ko dahi malalagot talaga siya ng todo todo sakin.

“Sweet heart? You’re not sleepy?” seryosong tanong sakin ng gunggong kaya lumabas agad ang ugat ko sa sintido nung marinig ko nanaman ‘yun kay Kenzo.
“Stop calling her like that, you have your girlfriend already so stop flirting. Be a man.” Parang papalakpakan ko si Tyler pero humiga nalang ako sa kama dahil nakaramdam na ako ng antok.

“She’s not my girlfriend, she’s my fiancé but I don’t like her... someone caught my attention. That girl is suitable for me, not for you Tyler.”

Tugon niya sa sinabi ni Tyler, tss masyado siyang halata sa mga sinasabi niya. Pero bilang babae, mas maamo ang mukha ni Kenzo kaysa kay Tyler ‘yun nga lang, hindi ko gusto ang ugali niya.

Pero may pagbabago pa ang tao, baka mabigyan ko pa siya ng chance, but that was a joke.

“Magkano na kaya ang laman ng pera natin sa banko?” tanong ni Zeth, oo nga tama siya magkano ka kaya lahat dahil nakakailang mission na kami at maliban pa ‘dun bago ko pa sila naging ka team mates, siguradong may mga past mission pa sila.

“I don’t know the exact amount but I guess, 23+ million?”

Tugon ni Tyler, Malaki na pala ang pera nila. Pero wala pa akong nakuha kahit piso, pero may pera pa naman ako dito nung iniwan ako ni uncle Higurashi kaya sapat pa ‘yun, hihingi nalang ako sa kanila kung wala na.

“November 26 bukas diba? Pwede tayong mag set ng vacation, total inaayos pa ang damage sa Academy.”

Kung may mission kami bukas, ‘yun ang uunahin kaysa sa maglakwatsa. Mas masaya pang kumitil ng buhay ng masasamang tao, at isa pa wala pa akong ginawang imbistigasyon tungkol sa mga magulang ko. Kakausapin ko nalang si Tyler tungkol dyan para matulungan niya ako.

“How about you Sakura? Where do you want to go?” tanong sakin ni Tyler kaya hinarap ko siya habang nakahiga parin sa kama.

“Kung may gusto man akong puntahan, gusto ko ‘yung natural swimming pool na nasa gitna ng gubat.”

Sagot ko sa kaniya, ‘yan ang taste ko mas maganda kasi ang natural swimming pool dahil nakakaenjoy ang spring water na nanggaling sa ilalim ng lupa pero hindi pa ako nakakita o nakapunta dyan dahil sa mga picture ko lang nakita.

“May alam akong lugar.” Awtomatiko akong napatingin kay Kenzo dahil sa sinabi niya.

“Where?” tanong ni Zeth, kung may alam siya hindi ako magdadalawang isip na pupuntahan ‘yun dahil gusto ko makakita ‘nun.

“At my grandma’s place at the province, but that’s manmade.”

Parang nawalan ako ng gana pag gawa ‘din ng tao, kaya nga tinawag na natural swimming pool eh.

“…pero spring water ang source. Hinukay lang ‘yun para mag mukhang swimming pool, likas na mga bato ang paligid kaya nakakarelax doon at pwede tayong mag patayo ng tent kung gusto niyo.”

Nagbago isip ko, parang gusto ko na pumunta ‘dun. Gusto kong maligo sa ganung lugar. Hindi ako mahilig maligo sa mga beach o man made na swimming pool.

Mas gusto ko ‘yung galing sa kalikasan like water falls. Mas nageenjoy ako sa ganung tubig at maririnig ko pa ang huni ng mga ibon sa paligid at makakalanghap pa ako ng sariwang hangin, mukhang anti-stress na ‘yun para sakin.

“Kakausapin ko si Master Thadeo bukas para makapagrelax naman tayo kahit ilang araw lang, ako bahala sa kaniya pero bumili kayo ng mga kakailanganin natin para ‘dun.” Saad ni Zeth, mabuti naman kung ikaw na ang aasikaso, baka kasi pag ako makikita ko ‘yung Thalia.

“What do you think Sweet heart? You wanted to go?” tanong sakin ni Kenzo pero tinalikuran ko na sila. Baka matapyas ko ang bibig niya ng wala sa oras.

“Silence means yes daw kaya LET’S SAVE OUR ENERGY FOR TOMORROW! MAAGA PA TAYO BUKAS!” sigaw ni Zeth, kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil kanina pa sana ako matutulog kung hindi sila nagiingay.

“Good night Sweet Heart.”

“Good night Sakura.”

“Good night Arix.”

Mga gagong ‘to, sabay pa talaga silang nagsalita pero hindi na ako sumagot dahil naririnig ko nanamang nagbabangayan sila dahil bakit daw sabay silang nagsalita. Mag kukunwari nalang akong tulog para wala ng gulo.





©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now