CHAPTER 8

5.2K 327 8
                                    

CHAPTER 8

Sakura Archer’s POV

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Tyler kaya ganun din sila na para bang hinihintay nila ang magiging sagot ko.

“What are you talking about?” kalmadong tanong ko pero may mild na kaba lang.

“Sabi niya, kung totoo ka bang lalake. I think he is, what do you think Tyler?” sagot naman ni Zeth habang nakatingin kay Tyler.

“Never ask me if I’m a fvcking gay, of course I’m not. But there’s something wrong about you Arix, I think you’re the gay here, not me.”

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi ni Tyler, mas mabuti nalang ‘yun ang pagtingin niya sakin kaysa sa pagiging babae.

“You’re too defensive Tyler, then why are you asking me if I’m okay? Are you for real? Do you think a real guy could ask that to another guy? It’s disgusting.”

Depensa ko kaya umiwas siya ng tingin at mapapansin mo kaagad ang matangos niyang ilong na naiilawan ng sinag ng buwan.

“Don’t take it seriously, you’re a king in our school. Master Thadeo will scold us if we let you suffer any wound. The hard mission will depend on you so take care of yourself.”

Sige, nakalusot kana tss.

“I’m fine Tyler, daplis lang na sugat. Kaya kong gamutin ‘to mamaya.”

_

Kinaumagahan, sabay kaming pumasok sa school habang nakasabit parin ang dalawa kong katana sa magkabilang gilid ng jeans ko.

Pag pasok namin sa gate, kakaapak ko lang sa semento at biglang may bumato sakin ng itlog sa mukha ko na sunundan pa yata ng bulok na kamatis.

Awtomatikong napahinto ako sa paglalakad sabay waksi ng dumi sa mukha at tinignan kung may sino may gawa nun dahil ma bwenamanunan ngayong umaga.










Uminit agad ang ulo ko nung may nagtatawanang dalawang lalakeng nasa harapan ko.

“Siya ba ‘yung king of katana? Tangina, mukhang model yata sa magazine.”

“Tama ka bro, mas magaling parin ang King of the Killers.”

Dahil sa sinabi nila, unti-unti akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa at huminto sa harap nila.

“Oh ano pretty boy—“ naudlot ang sasabihin ng isa dahil hinawakan ko sila sa magkabilang kwelyo at kinaladkad sabay salpok sa pader.

Binitawan ko sila pareho at mabilis kong kinuha ang kaliwa kong katana sabay saksak sa tiyan ng lalakeng nagsalita.

Natumba agad siya habang halatang nagulat sa ginawa ko at binalingan ko naman ng tingin ang lalake na akmang saksakin ako ng kutsilyong hawak niya pero mabilis kong sinangga ang braso niya.

Tatagain ko sana siya ng katana pero may humawak ng braso ko.

“Stop it Arix.” Awat ni Tyler kaya binalingan ko siya ng tingin pero bago pa makatakbo ang lalakeng ginago ang umaga ko, mabilis kong ginalaw ang katana ng pahalang kaya nahiwa ko ang likod niya.

“I’m the type of killer who will prefer killing than forgiving.” Kalmadong wika ko sabay balik ng katana sa lalagyan at nagsimula ng maglakad para marating ko na ang classroom habang nasa likod ko lang ang dalawa.

Nung makaakyat na ako ng building, pag pasok ko palang sa pintuan ay may nakita ako sa gilid ng kaliwa kong mata na akmang babatuhin ako ng isang patalim kaya mabilis kong sinalo ‘yun.

Naramdaman ko nalang na dumaloy agad ang dugo sa kamay at pumatak isa-isa sa sahig at binalingan ko ng tingin kung sino ‘yun.

“I’m the Queen of the killers, My name is Thalia Sullivian the Daugther of a Master. I will challenge you to fight me.”

Napangsi lang ako nung makita kong may nakaupo sa desk ko habang nakacross arms na nakatingin sakin.

Siya ‘yung babaeng nakita ko ‘dun sa taas ng punishment ground at base sa sinabi sa sinabi niya, anak nga talaga siya ni Master Thadeo.

“Boy versus girl?” tugon ko sabay tapon ng patalim sa sahig habang nakikinig at nagaabang lang ang mga ibang killers dito sa loob na kung ano ang susunod na mangyayari.

“I’m a queen, wala akong pake kung lalake ka pa. Let’s fight in the battle ground, kung mananalo ako mababalik sa trono ang King of the Killers.”

“How sweet of you sweetheart? Did you know, your king kissed me yesterday? I think he’s gay so it’s your choice if you wanted to continue your relationship between him.”

Nakita ko namang naningkit ang mata nga sa inis at mahinang tumawa ng pagak habang nakatitig sakin.

“It’s sucks, the King is not a gay. Baka ikaw kasi, dahil sa pisikal na kaanyuan niya kaya ka naakit?” sagot niya sabay tawa ng mahina at tumayo sa pagkakaupo sa desk ko.

“Really? I’m good looking than your King.” Natatawang wika ko kaya nakita kong niyukom niya ang mga kamao niya.

Mas pikon pa yata ‘to sakin pero base sa mangyayari, mukhang babae sa babae ang laban.

“Let’s start the fight.” Saad niya sabay naglakad palabas ng dito sa classroom. Kaya sinundan ko nalang siya para masatisfy sa hamon niya.

Kinuha ko naman ang panyong kulay abo sa bulsa ng leather jacket at binigkis ‘yun sa sugat dito sa palad ko.

“HOT ANNOUNCEMENT! THE QUEEN OF THE KILLERS WILL FIGHT THE KING OF KATANA! SO WE WILL PROCEED TO THE BATTLE GROUND RIGHT NOW! WE HAVE TO WITTNESS THE BREATHTAKING FIGHT OF BOTH FIGHTERS!”

Rinig kong umalingawngaw sa buong Academy kaya sabay kong hinugot ang dalawang katana ko habang pababa ng hagdan para makapunta na sa battle ground.

“Arix, are you sure about this?” napahinto ako sa paglalakad nung maramdaman ko ang presensya ng dalawa.

Nilingon ko naman sila at tumango.

“May mission nanaman tayo mamayang gabi, make it sure you will survive. Malakas ang Queen kaya magiingat ka.” Saad ni Zeth.

“You don’t trust me? Don’t worry, I will not die in her hands. Marami pa akong mga gustong patayin kaya dapat masasanay ang katawan ko sa sakit, kahit manhid na ako. Physically and emotionally.”

Sagot ko at tinalikuran ko na sila habang binilisan ang paglalakad, pero oo nga pala hindi ko alam kung saan ang battle ground kaya huminto ako sa paglalakad at nilingon uli ang dalawa na naglalakad naman sa kinaroroonan ko.

“Saan pala ang battle ground dito?”

“Sa likod ng Building K-8, let’s go sasabayan kana namin.” Sagot sakin ni Tyler at sabay na kaming naglakad na tatlo.

Nakikita kong nagsilabasan nanaman ang mga killers sa kaniya kaniyang building at sinunod ng tingin ko kung saan sila papunta.

Tinungo naman namin ang isang building na may daan sa gilid para marating na ang battle ground.

Nung marating na namin, bumungad nanaman sakin ang isang stage pero mas Malaki at mas malawak kaysa sa punishment ground.

Napatingin naman ako sa itaas na wala akong nakitang bridge-style na may mga upuan sa gitna pero may mga upuan sa unahan ng stage pero may kalayuan.

“QUEEN OF THE KILLERS VERUS KING OF KATANA! COME UP THE STAGE AND FIGHT!” sigaw ng announcer kaya nakita kong umakyat na ‘yung Thalia na may hawak na ring katana at nakita kong umupo na si Master Thadeo sa upuan kasama ‘yung lalakeng humalik sakin kahapon.

Napagtanto niyang nakatingin ako sa kinaroroonan niya kaya umakto siyang gigilitan ako sa leeg pero tinaas ko ang dalawa kong kamay habang hawak-hawak ko parin ang dalawa kong katana at nag dirty finger ako sa kaniya.




©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now