CHAPTER 5

5.9K 369 78
                                    

CHAPTER 5

Sakura Archer’s POV

“Here’s your team mates, sila na bahala sayo sa lahat. Tatawagin nalang kita pag may mission akong itatala sa inyo.”

Tumango nalang ako sa sinabi ng master na ‘to, napatigin naman ako sa dalawang lalakeng seryosong nakatitig sakin ngayon.

Bilang babae, maamo rin ang kanilang mukha pero mukhang malalakas din sila base sa tindig at facial expression.

“I’m Tyler Harrison.” Seryong wika ng lalakeng naka sando lang kaya hubog na hubog ang matipuno niyang katawan at mukhang kasing puti ko lang siya kaya bagay kami pero syempre, wala akong panahon para makipaglandian sa mga lalake dito.

“Zeth Ridge here.” sabi naman ng lalakeng naka sando rin pero may kwintas siyang hanggang pusod kaya ang cool niyang tignan at maganda rin ang katawan niya pero mas maskulado parin yung Tyler, kung titignan parehas silang seryoso kaya mabuti naman kung ganun dahil ayaw ko ng lalakeng maiingay.

“I’m Arix Fabian.” Saad ko sabay abot ng kamay ko sa dalawa kaya naunang nakipagkamayan si Zeth at sunod naman si Tyler.

“May sugat ka Mister Arix kaya gamutin mo agad ‘yan dahil may mission kayo mamayang gabi. Your target is a Mafia boss, he’s cruel but weak. Naka depende lang siya sa tauhan niya kaya ubusin niyo lahat. 2 million ang ibabayad ni Mister Harper kaya magtagumpay kayo. I-ttransfer ko kaagad sa mga bank account niyo ang 1 million. Understand?”

Paliwanang ni Master kaya tumango kaming tatlo.

“You may go and good luck.” Tumalikod na ako at naramdaman kong sumunod naman ang dalawa kaya lumabas na kami sa pintuan dito sa office ni Master.

Tss, hindi ko pala alam ang pangalan niya pero hindi na importante ‘yun.

“Let’s go to our hideout King Arix.” Kunot noo ko namang binalingan ng tingin ‘tong si Tyler dahil nandito siya sa gilid ko pero may kalayuan ang agwat namin.

“Drop the king, call me Arix.” I said in a manly voice. But I miss my real voice.

“You’re the King of Katana here, so we should call you by that.” sagot naman ni Zeth habang nakapamulsa na nakatitig lang sa dinadaanan.

“Just call me Saku—I mean, Arix.” Napakagat labi nalang ako sa muntikan kong mabulgar, tangina muntikan na.

Hindi na sila sumagot at bumaba nalang kami ng building ng Master.

_

“We’re here.” saad ni Tyler at napatingin ako sa hideout namin.

Hindi naman ganun kalaking bahay pero mukhang magara tapos parang may mga kasunod pang mga bahay na pareparehas ang disenyo.

Kaliwa’t-kanan ang mga bahay na pumapagitna ang malawak na daanan, I’m sure hideout ‘din ‘to ng ibang killers dahil mukhang village ang pinasukan namin ngayon lang na hindi naman kalayuan sa Academy.

“Sullivian Village ang tawag sa lugar na ‘to, 3 to 4 person ang pwede sa isang hideout.” Saad ni Tyler hang binubuksan ang gate kaya tumango nalang ako.

Ang cool, kung tatayo ako dito ng daan matataw ko sa malayo ang mga hideout dahil sa magkabilang gillid lang, may tigiisang puno rin at gate na nagsisilbing harang sa mga ibang hideout.

Kanina pag pasok ko, mga tatlong bahay dito sa kaliwa bago ang hideout namin at napansin kong may mga number ang sa gate ng mga bahay kaya iwas lito na rin sa mga killers.

“Get inside, gagamutin natin ang sugat mo Arix.” Pumasok na ako sa gate at binuksan naman ni Tyler ang pintuan.

“No, ako nalang ang gagamot sa sugat ko.” Mabilis na sagot ko at pumasok na ako sa loob.

“Nandito na ang maleta mo, iisang kwarto tayong lahat pero may tig-iisang kama.” Saad naman ni Zeth kaya naglakad ako sa kinaroroonan ng maleta ko na nakasandal dito sa sofa.

Napansin ko naman na binuksan ni Zeth ang pintuan ng isang malaking kwarto kaya naglakad na ako ‘dun habang hawak ang maleta ko.

“Bibihis ako, at maliligo ‘wag niyong bubuksan ang pinto.” Seryosong saad ko sabay sara ng pinto at para makasigurado, ni lock ko na din.

Nakita ko na may bakanteng kama sa gilid ng pader kaya naglakad ako ‘dun at umupo sabay hubad ng damit ko.

Sa tatlong kama, may mga mesa sa headboard banda pero may space ‘dun na may tatlong bintana at nakapantay sa kama mo kung ano ang mesa at bintanang para sayo. Pag umupo ka sa upuan, nasa tagiliran mo ang bintana ay pwede kang tumungin sa labas.

Binuksan ko naman ang maleta ko dahil may gamot ako ‘dun sa sugat, at ginamot ko na ang mga sugat ko sa katawan.

Pero napakunot ang noo kong may narinig akong kumaluskos at biglang may bumukas ang pintuan kaya mas mabilis pa ako sa tren para masuot ko kaagad ang damit ko.

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING?! NAGBIBIHIS ANG TAO DITO!” bulyaw ko sa pumasok na si Tyler pero kunot noo niya akong tinitigan at dumeretso siya sa upuan niya.

“Why? We’re both males here.” seryosong sagot niya kaya napapikit ako ng mariin. Tangina, ‘yun ang iwasan ko dito.

Pag lalake, ayos lang maghubad kahit sa anong magkakataon kaya isa ‘yun sa hindi ko kayang gawin.

Pero kumunot ang noo kong naglakad patungo si Tyler sa kinaroroon ko at umupo habang nakatitig siya sakin ng seryoso sa mga mata kaya napalunok nalang ako.

“Are you hiding something?” seryosong tanong niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya lumayo ako ng konti dahil halos magkadikit na ang ilong namin.

Dahil bigla akong nairita sa ginawa niya, bigla ko siyang sinakal sa leeg.

“Stop staring me like that.” seryosong wika ko sa boses lalake.

“Why your palm is too soft?” medyo nagulat ako sa tanong ni Tyler kaya tumikhim ako at inalis ang pagkakasakal ko sa leeg niya dahil hindi ko masakal ng maayos dahil hindi masyadong Malaki ang kamay ko.

Pero, dahilsa insayo ay nagkaroon ako ng kalyo dati pero nawala naman dahil sa lotion na pinapahid ko daily.

“Big deal ba ‘yun?” sagot ko sabay kuha ng dalawa kong katana sa magkabilang gilid ko dahil sagabal.

“Ano ‘to? Bromance?” napatingin ako sa pintuan nung pumasok si Zeth kaya mas lalo akong lumayo kay Tyler sabay lapag ng katana ko dito sa mesa.

Pero napansin kong umusog pa si Tyler kaya mas lalo akong umusog at nagulat akong dumaplis ang pagkakaupo ko sa kama kaya napahawak ako sa damit ni Tyler.

Nanlaki ang mata kong nasama ko si Tyler sa pagbagsak sa sahig kaya pumaibabaw siya sakin at muntikan niya akong mahalikan sa labi mabuti nalang tumagilid ako kaya sa pisngi tumama ang labi niya!

Hinawakan ko naman kaagad ang mukha niya para matulak kaya napabagon siya bigla.

“Ayos lang kayo? Tangina, it’s gross! Did you just kissed Arix in cheeks pfftt..” saad ni Zeth habang pinipigilan niyang matawa.

Bumangon naman ako para tignan ng masama ‘tong Tyler na ‘to.

“There’s something on your chest, what was that?”

FVCK!



©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon