CHAPTER 18

5K 332 19
                                    

CHAPTER 18

Sakura Archer’s POV

Dahil ayaw ko ng patagalin ‘tong kagaguhan na ‘to, hinablot ko ang mic sa announcer na hindi kalayuan sakin.

“Where’s the guy named, Don Quazei?” tanong ko kaya tumayo agad ang tatlo para ihanda ang kanilang mga sarili sa susunod na mangyayari.

“I’m here my dear—“ pagkarinig ko kaagad na nagsalita ang matandang nasa unahan ko lang, mabilis kong binunot ang kanan kong katana at tumalon sa ilalim ng stage sabay tutok ng sandata ko sa leeg niya kaya napalunok naman siya agad dahil ‘dun.

Nung makita ko kaagad sa gilid ng mata ko na gumalaw ang mga bantay na nakatayo sa magkabilang pader na akmang papaputukan ako ng baril pero, hinugot ko naman ang kaliwa kong katana para itututok sa ulo ni Don. Quazei.

“Don’t move, I will cut his head off. So stand still fellas.” Nakangising saad ko kaya inalis nila ang pagkakatutok sakin.

“W-Wag kayong pagpaputok!” sigaw ni Don. Quazei habang hindi makagalaw ang mga lalakeng nakaupo sa upuan na bakas sa mga pagmumukha nila ang pagkabigla sa ginawa ko.

“Those guns.. give that to the three guys standing on the second row.” Utos ko pero parang nagdadalawang isip sila dahil hindi pa nagsalita si Don. Quazei.

“Do it!” sigaw ng boss nila kaya naglakad ang anim na lalake sa kinaroroonan nina Kezo at binigay ang mga baril na hawak nila.

I guess, the show is over.

“Tyler, Kenzo and Zeth. Say ‘Thank you’ to them.” nakangising saad ko pero mukhang nagtaka naman ang tatlo.

“Thank you?”

Sabay na sabi nila kaya mabilis kong sinaksak ang leeg ni Don. Quazei at pinaputukan agad ng kasamahan ko ang mga bantay na akmang susugod sakin at napasinghap naman ang mga tao sa paligid nung simirit ang dugo na nanggaling sa leeg ni Don. Quazei.

“Tyler, get the woman.” Utos ko kay Tyler kaya tumango siya para kunin ang babaeng taga bigay ng pera.

Nakita kong naglakad sa kinaroroonan ko sina Zeth at nilagay ko na sa sisidlan ang mga katana ko dahil usap nalang ang kulang dito.

“Wear this.” Napakunot ang noo kong hinubad ni Kenzo ang suot niyang pangitaas kaya naksando lang siya ngayon. Nilagay niya ‘yun sa balikat ko kaya wala akong choice kundi suotin ‘yun.

“Arix—I mean, Sakura can you explain this to me?! How come that you’re a girl?! Kaya pala ang attentive sayo ni Tyler dahil alam niyang babae ka.” Sigaw ni Tyler pero sinamaan ko siya ng tingin.

“Keep this as our secret, Zeth. If you don’t, then say goodbye to your head.” Seryosong wika ko kaya napalunok nalang siya habang nakatitig sakin.

Mas mabuti ng takutin kaysa ikaw ang matakot, makulit ang bibig ni Zeth kaya dapat lang na hindi niya ipagsabi sa iba ang tungkol sa identity ko dahil malalagot talaga ang ulo niya sakin.

“Bitawan mo nga ako ano ba!” napalingon ako sa sumigaw nung kapit kapit ni Tyler ang matandang babae na nakasunod naman ang mga minor de edad na ibebenta kaya umakyat uli ko sa stage na nagtatago na ‘yung announcer sa gilid ng kurtina na kita ang paa.

“Where’s the money?” tanong ko pero sa halip na sasagutin niya ako ng maayos, bigla niya akong dinuraan sa mukha kaya umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sabay hugot ng kanang katana ko at isaksak siya sa tiyan.

Umingay naman ang mga lalake sa loob sa ginawa ko kaya hinarap ko sila pero hinayaan ko muna ang katana ko na naka baon sa tiyan ng babae pero hawak hawak parin siya ni Tyler para hindi matumba.

“Pag makita ko pa ang pagmumukha niyo sa ganitong lugar, pati kayo papatayin ko.”

Seryosong wika ko sabay harap uli sa babae at hinugot ko na ang katana kong nakabaon sa tiyan niya. Binitawan naman siya ni Tyler nung makuha ko na ang sandata ko kaya bumagsak siya sa sahig at dahan dahang dumadaloy ang dugo pababa ng stage.

“Nakita ko ang pera Sakura!” sigaw ni Zeth na may kapit kapit na malaking kahon kaya naglakad ako sa kinaroroonan niya para buksan ‘yun gamit ang katana ko para maalis ang malalaking kadena.

“Ibigay niyo sa mga biktima at umalis na tayo dito.” Saad ko kaya nagsilapitan ang mga babae sa kahon at tinulungan ni Kenzo at Tyler si Zeth para ipamigay ang mga pera habang umakyat naman ang mga babaeng naunang tinawag kanina sa stage para mabahagian sila.

Sana wala ng ganitong klaseng lugar, lugar na inaapakan ang dignidad nating mga babae. Hindi makatarungan na pampainit ka sa kama, papahirapan ka naman na nagsisilbing kasiyahan sa demonyong kumuha sayo.

“Ate?” napatingin ako dito sa gilid ko at nakita kong nakangiti na ang babaeng umiiyak kanina.

“…salamat sa lahat. Akala ko wala lang ‘yung sinabi mo pero totoo pala. Wag kang magalala gagamitin ko ‘tong pera para makapagaral na po ako.”

Dahil sa sinabi niya, napangiti ako at nilapag ko ‘yung palad ko sa tuktok ng ulo niya.

“Aasahan ko ‘yan.” Tugon ko kaya tumango naman siya.

“Sakura! Let’s go! We will leave this place!” sigaw sakin ni Zeth na paalis na sila sa entrance habang nakasunod ang mga biktma kaya bumaba naman ako sa stage para sundan sila.

_

Pag uwi namin sa hideout, nagbihis agad ako ng pantulog dahil mukhang malalim na ang gabi kaya kailangan kong pagpahinga.

“May I stay here?”

Napalingon ako kay Kenzo dahil sa tanong niya. Nakaupo siya sa kama ni Zeth at humihikab, pero hindi ko nalang siya sinagot sa halip, humiga na ako sa kama ko at pumikit. Narinig ko namang bumkas ang pinto at pumasok na sina Tyler at Zeth.

“Can I sleep here? just one night. I’m so tired.”

Dagdag ni Kenzo, tss tired daw? Wala nga siyang ginawa kanina kundi tumunganga. Napatingin naman ako kung ano ang ginagawa nina Tyler at huminga na sila sa kanikanilang kama at ‘yung Kenzo naman nakaupo na sa paanan ng kama ni Zeth.

“Damn, is someone listening to me?”

“I don’t want to share my bed.” Sagot ni Tyler, pero kung tatabi sa kaniya si Kenzo nakakadiri isipin kasi hindi ako sanay na makakita ng lalakeng magkatabi sa isang kama.

“Me too, bro.” tugon naman si Zeth kaya palihim akong napangisi, siguro mapipilitan ‘tong umuwi at sana makagat siya ng aso sa kalye.

“Then.. I have no choice.”

Mas lalo akong napangisi nung naramdaman kong tumayo siya at naglakad, kaya tumalikod na ako sa kanila na kaharap ko ngayon ang pader pero napakunot ang noo kong sa halip na lalayo na ang mga yapak ni Kenzo, bakit parang papalapit na ang presensya niya sa kinaroroonan ko?! Lumingon agad ako at bago pa ako makapagsalita, humiga na agad siya sa tabi ko!

“I CAN SHARE MY BED!”

“I CAN SHARE MY BED!”

Sigaw nina Tyler at Zeth kaya malakas kong tinulak sa kama ko ang Kenzo kaya rinig na rinig ko ang pagkabagsak niya sa sahig.

“I WILL NOT SHARE MY BED ASSHOLE!!”





©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon