CHAPTER 25

4.6K 293 9
                                    

CHAPTER 25

Sakura Archer’s POV

Napahinto ako sa pagaayos ng bag pack ko dahil sa sinabi niya. Seryoso talaga ‘tong Kenzo na ‘to? Kung seryoso siya, ano naman kaya ang nagustuhan niya sakin?

“I just want to ask you this Kenzo, why do you like me?” tanong ko sabay suot ng bag pack at naglakad sa kinaroroonan niya.

Nung una, parang kinakamuhian niya ako dahil inagaw ko ang trono niya bilang King of the Killers tapos ngayon bigla bigla siyang nag confess sakin?

“No more explanations, I like the way you are.” Sagot niya sakin habang nakatalikod, nung napagtanto niyang malapit na ako sa kaniya, hinarap niya na ako pero kapansin pansin ang mukha niyang napakaseryoso at sinabayan pa ng mga mata niyang parang ang daming gustong sabihin sakin.

“But I need your explanation.” Tugon ko at huminto sa harap niya.

“I like the way you move, I like the way you fought, I like the way you talk, I like the way you smile, I like everything from you Sakura, and Tyler was right you’re the rarest flower of all."

Seryosong saad niya sabay hakbang sa kinaroroonan ko pero parang awtomatiko akong napaatras dahil ngayon ko lang siya narinig na ganito ka seryoso at detalyado.

Tss, ang corny ng sinabi niya.

“…Please accept me as your man.” Nagulat akong bigla niya lang ako niyakap kaya tinulak ko siya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin.

“No I can’t Kenzo, napadpad ako sa Academy na ‘yun dahil may hangarin ako.. hindi ko gustong magkagusto sa kapwa ko killers, hindi pwede.. baka magkagusto man ako, ayaw kong masaksihan na may mamamatay ulit na naging parte ng buhay ko.”

Naisip ko na dati pa, baka magkagusto ako sa kapwa ko killers dito at paano nalang kung mamamatay ang taong ‘yun? Paano nalang kung masaksihan ko pa kung paano siya namatay kagaya sa nangyari sa mga magulang ko?

“Sakura..” bulong sakin ni Kenzo at naramdaman ko ang Hindi normal na tibok ng puso ko.

“…I know you already heard about this.. I’m ready to die—"

“Value your life Kenzo, life is limited.” putol ko sa sasabihin niya at kumawala na ako sa pagkakayakap niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa mga kasamahan ko kaya hindi niya dapat sayangin ang buhay niya sa babaeng katulad ko.

“There’s no limitation for you Sakura, remember that.” sagot niya sabay ngiti ng malawak sakin kaya umiwas agad ako ng tingin.

We’re both killers, Our life covered with darkness.. we can’t predict our last breath to live longer in this cruel world. Maybe we’re born to die but we deserves light, maybe we choose this dark path but our job gives light for those who needs a justice.

“Just don’t waste your life for me.” tugon ko at nilakasan ko ang loob kong tinignan siya sa mga mata niya para malaman niyang seryoso mga sinasabi ko.

“No, I'll do that if needed."

Mukhang wala akong magagawa sa kagustuhan ni Kenzo, pero isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya sakin, dahil nandyan si Thalia. Hindi ko gustong masira ang relasyon nila nang dahil sakin.

“Thalia is your fiancé right? You’re trying to betray her Kenzo.”

Sagot ko habang nakatitig parin kay Kenzo, Pananaksil ‘tong ginagawa niya, kahit gusto kong patayin si Thalia dapat hindi niloloko ang mga babae. Siguro wala akong pake sa babaeng ‘yun pero, ang mas inaalala ko… baka gawin ni Kenzo ang pananaksil niya sa iba?

“She doesn’t love me for who I am, and I am getting serious about you."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya dahil napakaseryoso niya habang nagsasalita. Kung totoo ang mga sinabi niya ngayon lang, hindi ko lubos akalaing ganito sinireyoso ni Kenzo ang ‘love’ na tinatawag dahil sa tindig at galaw niya mukhang wala siyang pakealam kung ano ang mapupunta sa kaniya pero mukhang mali ako.

“…And.. if you can’t accept me, please don’t choose Tyler.” Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin, bakit naman nasali si Tyler sa usapan namin?

“What do you mean?” tanong ko at bigla siyang huminga ng malalim sabay tingin sa ibang direksyon.

“Just don’t but… hindi ko lang matanggap pag magiging kayo man." Napaka Advance Thinker naman 'to.

“…Sakura let me ask you this, do you like Tyler?”

Seryosong tanong niya sakin, pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pag hindi ang isasagot ko, pipilitin niya ako sa gusto niyang mangyari pero pag oo naman baka magkagulo sila ni Tyler? Pero hindi ko naman masasabi na may gusto ako kay Tyler o sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano magsisimula kung may nagustuhan ka sa opposite sex mo.



“HEY YOU TWO!! WE’RE WAITING!”

Napatingin ako dahil biglang sumigaw si Zeth kaya nauna na akong maglakad dahil nakalusot ako sa tanong niya na hindi ko kayang sagutin






“Silence means yes, I understand… Sakura.”





©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now