CHAPTER 14

5.2K 311 16
                                    

CHAPTER 14

Sakura Archer’s POV

Pagkasabi ko ng katagang ‘yun, humilaway na kaming tatlo para ubusin ang mga kalabang nakakalat dito sa ground ng Academy.

Rinig na rinig ang mga tunog ng sandata habang nakipagpalitan ng tira na sinabayan pa ang mga sigawan habang nakikipaglaban, sa bawat galaw ng katana ko na tumatama sa iba’t ibang parte ng katawan ng gusto kong patayin.

Nagsisilabasan lang ang mga dugo na dumadampi lang sa balat ng mukha ko at binigyan pa ng kulay ang suot kong kulay puti na naging kulay pula.

Pero habang nakikipaglaban, may napansin akong umilaw sa damit ng isang kalaban, napakunot ang noo kong isang pendant na parang kaparehas sa matagal ko ng tinatago pero apat ang naka-attached na pendant sa kwintas sa suot-suot niya.

Abala siya sa pakikipaglaban sa isang killer kaya mabilis kong tinapos ang mga sumusugod sakin habang dahan-dahang naglakad sa kinaroroonan niya.

“You… I’ve been searching you in long years.” Mahinang saad ko sabay saksak ng mga tumatangkang sumusugod sakin.

Nang makarating ako sa kinaroroonan niya, napansin niya agad ako na akma niyang tatamaan ako sa leeg pero malakas kong hinampas ang katana ko sa sandata niya.

Napatalsik ‘yun sa sahig habang  naramdaman kong nanlilisik ang mga mata ko na nakatitig sa kaniya at napapaatras naman siya sakin.

Binalik ko muna ang isa kong katana sa lalagyan at mabilis kong hinawakan ang kwelyo niya gamit ang kanan kong kamay at marahas ko siyang sinandal sa isang pader.

“Where… did you get that necklace?” seryosong saad ko at sinakop na ng kamay ko ang leeg niya.

Napapahigpit na ang pagkakasakal ko habang namumula na ang ulo niya dahil sa sobrang higpit na parang babaon na ang mga daliri ko sa leeg niya.

Napagtanto kong hindi siya makapagsalita kaya linuwagan ko muna ang pagkakasakal pero nakatutok ang katana ko sa tiyan niya.

“Speak.. before I lost my long patience..” bulong ko habang nangingining na ang kamay kong nakahawak sa katana dahil gustong gusto ko siyang paslangin ngayon.

“O..Official.. l-lang a-ang may.. ga..ganito.” nauutal na sagot niya kaya napangisi ako.

“Parang may edad kana.. did you still remember 18 years ago? One of the family you killed… The Archer Family..” nangigigil na saad ko sabay suntok sa gilid ng ulo niya kaya mas lalo siyang nanginig.

"Iba a-ang may gawa nun! P-Paki usap w..wag mo akong papatayin!” dahil sa sinabi niya, tumawa ako ng malakas.

“Hindi ako nagkamali.. kayo nga.. ang mga taong ‘yun.. sa mga pagkakataong nagmakaawa ang mga magulang ko, NAAWA BA KAYO!!” nanginginig na sigaw ko at hindi ko napigilang inunti-unti kong binaon ang katana ko sa tiyan niya kaya napautal-utal ang hininga niya habang nakatitig sa mga mata ko.

“Who’s the master mind... speak..” dagdag ko sabay paikot ng katana ako sa tiyan niya kaya dumaloy lang ang dugo sa gilid ng bibig niya.

“J….Jus….t…k..killl…me…” nung marinig ko ang sinabi niya, lumayo ako kaagad at mabilis kong hiniwa sa dalawa ang ulo niya sabay sa talikod dahil ayaw ko ng matalsikan ng dugo ang mukha ko.

“Have a nice trip in hell.” Saad ko at narinig ko nalang na natumba na ang katawan niya sa sahig kaya binalik ko na ng hawak kong katana sa gilid ko at napatingin naman ako sa ground na ang daming nakaratay na bangkay. Naliligo sa sariling dugo habang ang iba, naghihingalo sa sakit.

“WHERE ARE YOU ARIX!! YOU’RE A KING RIGHT? WHAT THE FVCK ARE YOU DOING?!!! YOU SHOULD PROTECT THE MASTER BUT KENZO IS THE ONE WHO PROTECTING HIM!! ”

Nakita ko si Thalia na naglalakad ng mabilis papunta sakin habang makikita sa mga mata niyang gusto ako kalabanin at nung makarating na siya sa kinaroroonan ko, akma niyang susuntukin ako sa mukha pero mabilis kong sinalo ang kamao niya sabay kapit ng napakahigpit.

“Don’t talk to me if I’m in a bloody mode.” Saad ko sa garalgal na boses at gagamitin niya sana ang isa pa niyang kamay para patamaan ko pero sinagga ko ‘yun sabay sipa sa tiyan niya kaya napaatras siya sa ginagawa ko.

“…You’re the queen right? You should protect the master as his daughter.”

Nakita kong may kinuha siyang kutsilyo sa likod ng shorts niya kaya sinugod niya nanaman ako para saksakin ako sa tiyan at dahil hindi ko nakuha ang isa sa mga katana, sinangga ko nalang ‘yun gamit ang palad ko kaya dumaplis sa pagitan ang hintuturo at gitnang daliri ko.

“YOU TWO! STOP FIGHTING!” rinig kong sigaw ni Kenzo habang naglalakad ng mabilis papunta sa kinaroroonan namin.

Nilingon naman siya ni Thalia sabay tapon ng kutsilyong ginamit niya sakin.

“Siya ang King! Dapat nandun siya sa tabi ng master sa ganitong pagkakataon!” saad ni Thalia sa malakas na boses.

Ang sarap niya patayin ngayong nakikita kong nakatalikod siya sakin pero, anak siya ng master at baka mapatalsik pa ako dito sa school na hindi ko pa ginagawa ang mga hangarin ko.

“He’s busy killing these bastards, there’s no time for arguments Thalia. Proceed to the Master’s Building and protect your father.” Tugon ni Kenzo pero naglakad lang ako sa kinaroroonan ng mga bangkay ng kalaban para tignan kung may kwintas silang kagaya ng pinatay kong walang kwenta.

Mas pinili niyang malawa sa mundo kaysa sabihin sakin ang gusto kong malaman kaya masasabi kong walang kwenta.

“…may sugat ka Arix, gamutin mo ‘yan.” Nilingon ko naman si Kenzo dahil sa sinabi niya.

“I’m fine.” Sagot ko sabay tingin sa paligid at mukhang wala ng kalaban dahil wala na akong naririnig na putukan. Napangisi nalang ako nung makita ko ang mga bangkay na nakahandusay dito sa sahig, karamihan sa kanila puro mga kalaban at ang mga sugatang mga killers naman, dinadala sa private hospital na pagmamay-ari ‘din ng Academy.

“Wash yourself Arix.” Napatingin naman ako dito sa gilid ko nung dumating si Tyler sabay abot sakin ng damit kaya tinanggap ko ‘yun dahil ang lansa ko na, tangina panong hindi lalansa dahil parang umulan ng dugo kanina.

Mga gagong hangal, papasok pasok sila dito tapos naubos lang din naman pala sila.

“No, cure his wounds first.”

“Let him clean his body first.”

“Fvck, prioritize his wounds.”

Kunot noo kong binalingan ng tingin ang dalawa dahil naririnig ko ang bangayan nila at nakita kong mas lumapit pa sakin si Tyler na parang may ibubulong.

“Don’t let anyone know about your identity so don’t mind him and I’m the one who will treat your wound.” Bulong niya sakin, gets ko na. Pag iba ang gagamot ng sugat ko, malamang papahubarin nila ako kaya sinabi ni Tyler na maligo ako para makatakas sa sinasabi sakin ni Kenzo.

“Don’t mind me Kenzo, I’m fine.” Saad ko habang nakatingin sa kaniya at hinawakan ko naman ang likod ni Tyler para senyales na aalis na kami.

“Arix, let’s talk.” Naahinto naman ako agad nung nagsalita nanaman si Kenzo. Ano nanaman kaya ang sasabihin ng kumag na ‘to?

“Talk about what?” tanong ko habang nakatalikod lang sa kaniya.

“Let’s talk in private.”

Tangina, parang kinabahan ako bigla na hindi ko maintindihan. Sana hindi tungkol sa identity ko dahil Malaki ang magiging problema pagnagkataon.


©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon