Chapter 1

9.2K 228 2
                                    

"ANAK TALAGA bang babalik ka na sa pinas?" Yan ang kanina pa tinatanong ng mommy ni Unyce sa kanya. Babalik na kasi siya sa pinas dahil wala na rin siyang pwedeng gawin rito sa Tuscany. "Magstay ka na lang dito, Nyce."

"Mommy, I can't stay here any longer." Aniya na may inis na boses. Kanina pa kasi siya nito tinatanong. "If I stay here baka pareho tayong makita ni tita."

"May mga bodyguards naman tayo rito e."  Ani ng kanyang ina. Makulit talaga ang mommy niya. Masyadong mapilit.

"Bodyguards are not enough for both of us, mom." Napahawak na lang siya sa sariling sentido at bahagya iyong hinilot. "We both know that tita Lacrell is looking for me. Kung mananatili ako dito madadamay ka mommy."

Napabuga ito ng marahas na hininga. "What if mahanap ka ni Lacrell sa pinas? Your tita Lacrell is a cunning woman, you know that."

"I don't care." Aniya. Wala siyang pakialam kung gaano katuso ang tita niya. Basta hindi sila pwedeng magsama ng ina niya dahil ayaw niya itong madamay. This shit is about her and her tita Lacrell. "Alam natin na ayaw ni tita Lacrell na umaapak sa pinas dahil sa history niya, kaya nga doon ako nagstay mommy. Alam ko kasi na hinding-hindi ako makikita ni tita Lacrell doon."

"Paano kung kakalimutan niya ang history niya sa pinas?" Tanong nito. Puno ng pangamba ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "And what if she found out that you're in that country? Just stay here."

"Mom," hinawakan niya ito sa kamay at malamlam na tumingin rito. "Don't worry about me, okay? We can't stay in only one house. Sa oras na malaman ni tita na magkasama tayo madadamay ka sa gulo na namin. Mas maganda kung magkahiwalay tayo. Para kapag nalaman niya kung nasaan ako hindi ka niya magagalaw."

"Yon na nga, Nyce e." Tumaas ng kaunti ang boses ng ina niya pero hindi niya iyon pinansin. Nag-aalala lang naman ito sa kanya. "Sa oras na makita ka niya may chance na patayin ka niya para lang makuha ang kompanya ng daddy mo. And what shall I do if that's happen, huh?"

"Mom, relax. I promise, ayos lang ako." Pag-alo niya rito para kahit papaano at kumalma ito. "Kaya ko ang sarili ko. May mga kakilala akong tao na pwedeng magligtas sa'kin, okay? Don't worry too much."

"Fine." Nagpakawala ito ng hininga ng pagkatalo. "Tawagan mo ako every hour, okay?"

"Mommy naman, hindi naman pwede oras-oras tatawag ako sayo." Aniya. Hindi naman na siya bata para mag-alala ito sa kanya. She's already twenty-seven years old for god's sake. "I'm going to be okay, don't worry."

"I can't help myself but to get worry for you."

Napahawak na lang siya sa sariling sentido dahil sa kulit ng ina niya. Ganito ba talaga kapag tumatanda na? Nagiging makulit at matigas ang ulo? Kung ganoon, ayaw na niyang tumanda.

"I'll be safe there, okay?" Sana naman tumigil na ang ina niya. Sumasakit na ang ulo niya e. "You should go to sleep, mommy. Its late."

"Okay, baby." Hinalikan siya nito sa nuo saka tumayo na. "Good night. I love you."

"Yeah, love you too."

Nang makaalis ang ina niya sa harap niya, saka siya bumuga ng marahas na buntong-hininga. Sumakit ang ulo niya dahil sa tigas ng ulo ng mommy.

Tumayo na rin siya at umakyat sa ikawalang palapag ng bahay nila saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Kailangan na niyanv magpahinga. Maaga pa ang flight niya bukas.

Naayos na rin niya ang mga kailangan niyang dalhin para bukas pabalik sa pinas. Pahinga na lang ang kulang niya. Sa loob ng kasi ng halos tatlong buwan na pamamalagi niya rito ay wala siyang maayos na tulog. Lagi niyang binabantayan ang ina niya ganon rin ang kompanya nila. Hindi siya makakapayag na makaapak ang Lacrell na yon sa loob ng kompanya nila. Over her dead sexy body.

Formidable KillerWhere stories live. Discover now