Chapter 23

5.3K 178 8
                                    

HINDI ALAM ni Unyce kung ano ang dapat niyang gawin. Nang magising siya kanina ay nakatali na ang kamay niya sa harap niya gano'n na din ang dalawa niyang paa. May ideya na siya kung nasaan siya ngayon.

Alam niyang nasa isang pabrika siya ng mga bag. Dito sila laging pumupunta noon ni Steve dahil sa sila ang may ari ng pabrikang ito. Sira-sira na iyon pero alam niyang ito ang lugar na 'yon.

"You're awake." Napalingon siya sa isang pinto nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. "Miss this place?"

"Pakawalan mo ako!" Sigaw niya rito at pinakita niya ang galit na galit niyang mukha. "You're a fucking animal! Let me go, dickhead!"

"Hindi mo talaga ako namiss? Sakit naman." Hinawakan nito ang dibdib nito kung nasaan ang puso nito at umastang nasasaktan. "Hindi mo ba alam na namiss kita? Sobrang miss."

"I don't care. Pakawalan mo na ako, please." Pagmamakaawa niya. Nawawalan na siya ng pag-asa dahil hindi naman alam ni Marc kung nasaan siya. At panigurado siyang nag-aalala na ito para sa kanya. "Please, Steve, let me go."

"Pinakawalan na kita dati, Unyce." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang baba niya. "Hindi na kita papakawalan ngayon."

"Ano bang kailangan mo sakin, ha?!" Inis na tanong niya rito. "Wala ka namang mapapala sakin ah!"

"Siguro nga ako walang mapapala pero..." Sinadya nitong bitinin ang sasabihin, "siya meron."

Kunot nuong napatingin siya sa tinuro nitong pinto. At halos mailuwa niya ang mga mata niya nang makita ang babaeng kinamumuhian niya hanggang kamatayan.

"Its so nice to see you again, my niece." Nakangiting wika nito pero lalo lang nalukot ang mukha niya. "Siguro naman namis mo rin ako, right?"

"I'm not your niece and I'll never be!" Sigaw niya rito na puno ng galit at inis ang boses. "Ano bang gusto mo sakin, Lacrell?!"

Sinenyasan nito ang lahat ng tao na kasama nila sa isang kwarto na lumabas. Nang makalabas ang lahat tumingin ulit ito sa kanya at ngumisi ng nakakaloko.

"Alam kong alam mo na kung ano ang gusto ko sayo, Unyce." Anito at lumakad palapit sa kanya. "I want the company, Unyce. Bakit bang ayaw ko sakin ibigay ang gusto ko? Kailangan ko pa tuloy kunin ang ina mo."

"W-what do you m-mean?" Kabadong tanong niya rito. Ano ang ibig sabibin nito? "M-my mom?"

Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at may tinawagan. "Bring her now to me."

Makalipas ng tatlong minuto bumukas ang pinto at pumasok do'n ang ina niya na nakatali ang mga kamay sa likod habang hawak-hawak ni Steve ang ina niya sa braso.

"Mom?" Tawag niya sa pangalan nito. Tumingin ito sa kanya at kitang-kita niya ang takot sa mukha nito. "Mom!"

"Unyce." Naiiyak na tawag nito sa pangalan niya at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang labi nito na may bahid ng dugo. Galit siyang bumaling kay Lacrell. "Let my mother go, you fucker! Bakit mo ba 'to ginagawa?!"

"Because i want the company!" Sigaw nito sa mukha niya. "Sa akin dapat ang kompanyang iniwan ni Kuya! Pero kayong mag-ina, sinira niyo ang plano ko! Tumutol kayong mapunta sakin ang kompanya dahil hindi ako tunay na anak ng mga Abraham! I'm just taking what's mine!"

"The company is not yours! And it'll never be yours! Hindi nababagay ang kompanya sayo dahil isa kang masamang tao!" Galit na sigaw niya at natigilan naman ito. "Patay na si dad, 'yon ang huling bilin niya. Na sa amin dapat mapunta ang kompanya niya dahil kami ang pamilya!"

"That's the reason why i killed him." Anito na nakapagpatigil sa kanya. S-she killed my father? "Mukang hindi ka makapaniwala sa sinabi ko?"

Formidable KillerWhere stories live. Discover now