Chapter 2

7.3K 234 2
                                    

NAKABABA NA ng eroplano si Unyce at palabas na siya ng airport. Masaya siya dahil nabalik na ulit siya sa pinas. Halos mauna na nga siya kanina para makababa na agad ng eroplano dahil gusto na niyabg malanghap ang sariwang hangin ng pinas.

Hindi na siya nagpasundo sa mga kaibigan niya dahil alam naman niyang busy ang mga ito sa kanya-kanyang pamilya. Si Alez tatlong buwan ng buntis habang si Clarity naman ay busy sa asawa't anak nito.

Balak niya sanang bisitahin ang mga ito bago umuwi sa condo niya kaso mukhang sa susunod na lang. Mag jetlag pa kasi siya at gusto niyang matulog lang muna. Mag-iipon muna siya ng lakas bago mangulit sa mga kaibigan niya.

Nang makalabas siya ng aiport mabilis siyang tumawag ng taxi at nagpahatid sa condo niya. Gustong-gusto na niyang matulog dahil hindi siya nakatulog ng maayos habang nasa eroplano siya.

Hindi kasi siya mahilig matulog kapag nasa byahe siya depende na lang kung inaantok siya o kulang sa tulog. Baka kasi may manguha ng gamit niya. Minsan kasi kahit nasa eroplano ka may mga mangnanakaw pa rin.

Halos isang oras din ang naging byahe niya patungo sa condo niya. Mabilis siyang nagbayad sa taxi driver at bumaba ng taxi. Tinulungan siya ng taxi driver na ibaba sa back compartment ang luggage niya dahil may kabigatan iyon ng kaunti.

Nagpasalamat na siya sa taxi driver saka mabibilis ang mga paang naglakad papasok sa loob ng building. Atat na siyang humiga sa malambot niyang kama. Nagtungo muna siya sa front desk para kunin ang key card ng condo unit niya bago sumakay ng elevator na nasa bandang kanan niya.

Mabilis lang siyang nakarating sa floor kung nasaan ang unit niya. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglalakad niya dahil atat na atat na siyang humiga sa malambot na kama. Nang makarating sa tapat ng pinto ng unit niya mabilis niyang ini-swipe ang keycard sa may doorknob saka pumasok sa loob ng unit.

Walang pinagbago ang loob ng unit niya. Makalat pa rin gaya ng umalis siya patungong Tuscany. Nagpakawala siya ng pagod na hininga bago nagtungo sa kusina niya para uminom muna ng tubig bago siya matulog.

Nang kaharap na niya ang ref ay halos manuyo ang lalamunan niya ng wala siyang makita na kahit anong laman ng ref. No water. No food. Mariin siyang napapikit ng maalalang inalis pala niya lahat ng laman ng ref niya bago siya noon umalis ng pinas.

Tuyo ang lalamunan na naglakad siya patungo sa kwarto niya saka pumasok sa loob no'n. Hinubat niya lahat ng saplot niya sa katawan at saka nahiga sa kama na walang kahit isang saplot. Mas komportable siyang matulog kapag wala siyang suot na damit. Pakiramdam niya kasi mainit ang paligid kapag may suot siyang damit kapag natutulog.

And as expected, mabilis siyang nakatulog dahil sa jetlag niya. Malilinis pa siya ng condo niya at mamimili ng mga pagkain pagkagising niya.

KANINA PA gustong matulog ni Marc dahil may meeting pa siya bukas dahil mag-iinvest siya sa isang kilalang kompanya sa Canada at Tuscany. Pero kanina pa siya nakatitig lang sa kisama ng kwarto niya at inaalala ang nangyari sa kotse niya tatlong buwan na ang nakakaraan.

Kahit matagal ng nangyari iyon ay hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa loob ng kotse niya. Tandang-tanda niya ang mukha ng babaeng nakatalik niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mala angel nitong mukha.

Iyon na lang ang laging laman ng isip niya sa loob ng tatlong buwan. Every time that memory enter his mind his having a hard time. Like now. Sa alaalang iyon ay naninigas na ang alaga niya na nasa gitnang bahagi ng hita niya. Ngayon lang ito nangyari sa kanya.

Marami na siyang nakatalik at madali lang sa kanya iyon kalimutan. Pero nang makatalik niya ang babaeng iyon ay halos wala na siyang tulog ng maayos dahil sa alaalang yon. Hindi na rin siya nahilig sa pakikipagtalik. Nawalan na siya ng gana kahit pa maraming babae ang gustong maikama siya.

Formidable KillerWhere stories live. Discover now