Chapter 8

6.1K 201 5
                                    

NAKATANGA LANG si Unyce sa loob ng bahay ni Marc. Naka tiles ang sahig na kulay puti. Tanaw sa labas ng bahay nito ang maganda pero simpleng sala nito dahil gawa sa salamin ang pader ng sala.

Concrete gray with touch of light black ang kulay ng bahay nito. May malaking chandelier sa gitna at isang set ng mahabang leather sofa at dalawang pang-isahang sofa.

Dalawang palapag ang bahay nito. At masasabi niyang napakaganda ng bahay maganda pero simpleng bahah nito. Iba na talaga kapag kumikita ka ng malaking pera sa trabaho mo. Kahit anong desensyo ng bahay na gusto mong gawin ay kakayanin.

Mayaman din naman sila pero hindi niya ginagamit lahat nh pera nila. Iniipon lang niya ang mga iyon para sa oras na kailanganin nila ay hindi na sila masyadong mahihirapan humanap ng pera.

"Hey, the food is ready" Wika ni Marc sa likod niya. Hindi niya ito napansin dahil abala siya sa pagtingin-tingin sa kabuuan kabahayan nito. "Let's go."

"Magkano ang ginastos ko para makapagpatayo ng ganitong bahay?" She asked out of her curiosity. "Its breathe taking."

"About half a million, i think." Hindi siguradong sagot nito. "Come on, let's go to kitchen."

Tumango na lang siya at sumunod rito. Masyadong malaki ang perang ginastos nito para sa bahay na 'to. Baka sumakit lang bulsa niya.

Oo nga at may maganda rin silang bahay pero hindi naman siya ang gumastos kundi ang ama niya. Gusto niyang magpatayo ng sariling bahay gaya ng bahay nito kaso sa narinig niyang halaga ng pera ay sumakit bigla ang bulsa niya.

Nang makarating sila sa kusina kaagad nanuot sa ilong niya mabangong amoy ng beef stew. Bigla tuloy kumulo ang tiyan niya dahil sa bango ng amoy.

"Wala bang lason 'to?" Tanong niya ng makalapit siya sa lamesa at amoyin ang mabangong amoy ng beef stew. "Baka mamatay ako kapag kumain ako nito."

"I can't do that to you." Wika nito habang inaayos ang mga kakainan nila. "Masyado kang maganda para lasunin ko."

Inirapan lang niya ito at naiiling na umupo sa hinila nitong upuan. "Thanks."

Umupo na rin ito sa kaharap niyang upuan. Ito na ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Hindi na siya umangal sa pag-aasikaso nito sa kanya.

"So, can i go home after this?" Tanong ng umpisahan na nilang kumain.

"Why don't you stay here just for a while?" Tanong din nito sa kanya. "I mean, dapat maging close tayo sa isa't sa lalo na investor niyo ako."

"I hatw closeness." Aniya. Its a lie. Ayaw lang talaga niya na maging kaclose ito dahil wala siyang tiwala sa sarili niya. Sa tuwing malapit ito sa kanya nawawala siya sa sarili niya at kung ano-ano ang pumapasok na kamanyakan sa isip niya. "Mas gusto kong matulog."

"Sleep then." Wika nito.

"Where? Here?" Taas kilay na tanong niya. Tumago ito bilang sagot. "Are you crazy?"

"Bakit? May masama ba d'on?" Inosente nitong tanong. Hindi ba nito naisip ang sinabi nito? May chance na maulit ang nangyari sa kanila sa opisina nito. O baka naman siya ang may problema. Open minded pa naman siya. "Don't worry, wala akong gagawin na masama sayo."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "I don't trust you."

"Then you should start building your trust on me." Wika nito sabay kindat sa kanya. "Hindi naman ako nangangain ng tao. Depende na lang kung magpapakain ka."

"Marc!" She hissed him. Napakabastos talaga ng bunganga nito. Walang preno!

"What?" Inosente itonh tumingin sa kanya.

Formidable KillerWhere stories live. Discover now