Chapter 5

6.8K 286 15
                                    

KANINA PA nakatayo si Unyce sa labas ng Devien Incorporate. Nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya o hindi. Ibibigay na kasi niya ang copy ng ginawa niyang kontrata. Naisip niya na ipadala na lang ang kontrata through email, pero natatakot siya na baka matrace ng tita niya kung nasaan siya.

Ibang cell phone ang gamit niya kaya nakakagamit pa rin siya ng cell phone nang hindi nate-trace ng tita niya kung nasaan siya. Regalo iyon sa kanya ni Clarity nung twenty-fifth birthday niya pero ngayon lang niya nagamit ng matagal.

Kailangan kasi niyang mag-ingat ngayon. Alam niya kung gaano katalino ang tita niya kaya dapat maingat ang bawat galaw niya. Yung totoong cell phone niya ay nakatabi lang sa closet niya at halos anim na buwan na niyang hindi nabubuksan.

Nagising siya sa malalim niyang pag-iisip nang may makabangga sa balikat niyang lalaki. Tumingin siya rito at bahagyang yumuko para humingi ng tawad.

"I'm sorry." Aniya bago nagtaas ng tingin rito. Napatanga siya nang makita kung gaano kagwapo ang taglay na itsura ng lalaking nakabunggo niya.

"I'm sorry too." Wika nito saka napakamot sa sariling batok. "Busy kasi ako kaka-cell phone kaya hindi ko alam na may makakabungguan na pala ako."

"I-its okay." Nautal niyang wika. Tumikhim siya para makapagsalita ng maayos. "Tulala kasi ako kaya hindi din kita nakita."

"We're good, yeah?" Tanong nito. Tumango siya bilang sagot, nakatitig lang siya sa gwapo nitong mukha. "So, ahm, sorry again. I need to go now. Bye."

Tumango lang siya at hanggang sa makaalis ito sa harap niya ay nakatitig lang siya rito. Having a gorgeous face like him should be a crime. Nang mawala ito sa paningin niya saka lang siya nagdesisyon na pumasok na. Ibibigay lang naman niya ang kopya ng kontrata at pagkatapos no'n ay aalis na siya.

Lumapit muna siya sa front desk para itanong kung saang palapag ang opisina no Marc bago siya nagtungo sa elevator. Pinindot niya ang button kung nasaan ang opisina ng binata. Makalipas ng ilang segundo bumukas na ang elevator. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas.

Dalawa lang ang pinto roon gaya nga ng sabi nung pinagtanungan niya kanina sa lobby. May lamesa roon na hinuha niya ay lamesa ng sekretarya nito. Lumapit siya sa lamesa at nakita ang babaeng nakaupo roon.

"Excuse me." Kuha niya ng atensyon dito dahil nakatutok ang buong atensyon nito sa computer at mukhang hindi napansin ang presensya niya. Nagtaas ito ng tingin sa kanya at ngumiti. "Narito ba si Mr. Devien?"

"Kung si Mr. Matt ho ang hanap niyo ay nasa kaliwang pinto ho siya," she paused, "pero kung si Mr. Marc ho ay kanang pinto ho ang opisina niya."

Tumango-tango siya bago nagsalita ulit. "Si Mr. Marc, nandito ba?"

"Yes ma'am." Sagot nito na may ngiti sa mga labi. "Gusto niyo ho ba samahan ko kayo sa loob? Busy ho kasi siya ngayon kaya baka mainit ho ng kaunti ang ulo niya."

"No need." Aniya saka ngumiti. "Sanay na ako sa mga taong maiinit ang ulo. Isa kasi ako sa mga ganoong tao."

Mahina itong tumawa dahil sa sinabi niya. Nagpaalam na siya rito saka naglakad patungo sa kanang pinto kung nasaan ang opisina ni Marc. Kakatok pa lang sana siya nang bigla iyong bumukas at bumungad sa kanya ang isang gwapo na lalaki na may malamig na tingin sa kanya.

"Who are you?" He asked her with his cold voice. "Why are you here?"

"I'm Unyce Abraham." Sagot niya saka ngumiti. "Mr. Marc Devien is my new investor at our company and I'm here to give him the copy of the contract that I made. He requested me to give this contact to him personally."

Huminga ito ng malalim at tumango saka umalis sa pinto. "He's not in a mood I guess. So, be careful. He eats humans."

Napalunok siya sa huli nitong sinabi bago ito umalis sa harapan niya. Literal ba na kumakain ito ng tao o hindi? Sana hindi. Ayaw niya pang mamatay. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Formidable KillerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt