Special Chapter

7.5K 230 16
                                    

MASAYA NGAYON si Unyce dahil makakalabas na siya ng ospital. Tatlong linggo rin siyang nasa ospital at walang ibang ginawa ang mga kaibigan niga kundi ang kulitin siya tungkol sa baby nila.

Walang araw na hindi siya dinadalhan ng mga ito ng prutas. 'Yung ibang prutas na dinala ng mga ito ay nabulok lang dahil sa sobrang dami.

"Tara na." Masatang aniya kay Marc na nadala ang mga gamit niya. "Excited na kong umuwi!"

"Alam ko. Obvious naman sayo e." Natatawang wika nito. Nang makarating sila parking lot ng ospital dumeretso agad sila sa kotse nito at isa-isang isinakay ang gamit niya sa compartment. "Sumakay ka na, aayusin ko lang 'tong mga gamit."

"Okay." Aniya saka sumakay sa passenger seat. Tinignan niya ang rear view mirror, hindi niya makita ang dalaga dahil nakaharang ang takip ng compartment. Lumipas ang ilang minuto sumakay na ito at agad siyang nagtanong. "Bakit ang tagal mo?"

"H-ha, e, nahirapan akong maglagay ng mga gamit sa compartment e." Paliwanag nito. Tumaas naman ang kilay niya. "Uwi na tayo."

"Okay?" It came out a question. Something weird is going on. She can smell it. May tinatago ang binata e.

Pinaandar na nito ang sasakyan at tamihik lang sila habang nasa byahe. Nang makarating sila sa bahay nito mabilis siyang bumaba ang nag-unat-unat. Pakiramdam niya isang taon siyang nakaupo.

"Namiss kita." Wika ng binata nang makalapit sa kanya.

"Araw-araw kang nasa ospital at kasama ako, Marc." Aniya na parang hindi makapaniwala. "Namiss mo pa ako sa lagay na 'yon? E halos hindi ka na umalis sa tabi ko."

"E sa namiss kita e." Nakangusong wika nito. Bahagya naman siyang natawa. "Ang tagal mo kayang nasa ospital."

"Ang sabihin mo, tatlong linggo tigang 'yang alaga ko kasi nasa ospital ko." Pinanggigilan niya ang ilong nito at umigik namam ito sa sakit. "Hindi ka makaporma sa ospital kaso maya't maya ang pasok ng nurses."

"'Yon na nga 'yon e!" Napalakas ng kaunti ang boses nito dahil sa iritasyon. "Bawat oras may pumapasok na nurse at doktor, kaya hindi kita maangkin."

"Ewan ko sayo." Natatawang wika niya at naunang maglakad papuntang pintuan ng bahay nito. "Halika na. Ang init dito sa labas e."

Mabilis naman itong sumunod. Siya na ang nagbukas ng pinto at nang mabuksan niya ang pinto...

"Surprise!" Malakas na sigawan sa loob ng bahay nang mabuksan niya ang pinto.

Tinignan niya lahat ng tao na naro'n. Kompleto ang lahat. Mga kaibigan niya pati na rin ang ina niya ay naroon. Mga kaibigan at ama ng binata.

"Welcome home, Unyce!" Sigaw ng mga kaibigan niya na papalapit sa kanya.

Hindi niya alam pero bigla na lang siyang nahula dahil sa sobrang saya. Siguri ganito talaga pagbuntis. Nagiging emosyonal.

"Namiss ka namin." Maiyak-iyak na wika ni Alez. Yumakap ito sa kanya. "Tatlong linggo kang wala dito."

"Oo nga naman, ngayong magaling ka na pwede na tayong mag-inuman." Ani naman ni Clarity at niyakap din siya. "Nag-alala kami sayo."

"Sa susunod kasi, ayusin mo na ang buhay mo para hindi napapahamk." Sermon sa kanya ni Alez." Hindi nakakatuwa ang pinagdaanan mo."

"True." Sang-ayon ni Clarity sa sinabi ng kaibigan. "Kung samin mga kontrabida lang na babae, 'yung sayo kontrabidang Tita na handang pumatay para lang sa kompanya."

"Alam niyo, hindi ko 'yon Tita saka ayoko nang pag-usapan 'yon." Aniya saka nilingon ang ina niya na nakatingin lang sa kanya. "Excuse me, ha. Kakausapin ko lang si mommy."

Formidable KillerWhere stories live. Discover now