Chapter 13

5.8K 189 5
                                    

ONE WEEK and three days. Iyan ang nabilang na araw ni Unyce noong huli silang magkita ni Marc. Simula ng maihatid siya nito sa condo niya ay hindi ito nagpakita sa kanya. Kahit anino nito ay hindi nagpapakita sa kanya.

Iniisip niya tuloy na may nagawa siyang mali kaya hindi na ito nagpakita. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalala para rito at hindi siya mapakali this past few days. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.

Marahas siyang napabuntong hininga at pinagpatuloy na lang ang pagluluto ng makakain niya. Hindi siya kumain ng umagahan kanina kaya ngayong tanghali lang siya kakain. Wala siyang ganang kumain nitong mga nakaraang araw kaya pati siya ay naninibago sa sarili.

Araw araw din siyang binibisita ng mga kaibigan niya para daw makabawi sa kanya dahil minsan na lang daw sila magkaroon ng bonding. So dramatic. Tsk.

Nang matapos na siyang magluto iniayos naman niya ang pagkakainin niya. Hindi pa siya nakakatapos sa paghahain nang biglang magingay ang doorbell ng unit niya.

Napabuntong hininga naman siya dahil sa isipin niyang mga kaibigan na naman niya ang mga iyon. Nakataas ang isang kilay na pinagbuksan niya ng pinto ang tao sa labas at ganoon na lamang pagkagulat niya nang makita ang lalaking hindi nagpakita s kanya ng ilang araw.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot nuong tanong niya rito. "Need something?"

"Don't you miss me?" Nakangusong tanong nito. Cute. "Na-miss kaya kita."

"Ewan ko sayo." Aniya at inarapan ito para itago ang kilig na nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit siya kinikilig basta gusto niya ang pakiramdam na iyon. "Pasok."

Iniwan niyang bukas ang pinto para makapasok ito. Nagtungo siya sa sala at umupo sa mahabang sofa saka binuksan ang tv.

Lumipas ang ilang minuto nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi na siya umangal nang akbayan siya nito dahil gusto naman niya ang pakiramdam na iyon. She felt warmth and safe in his arms.

Pakiramdam niya kapag kasama niya ito ay ligtas siya at walang masamang mangyayari sa kanya. Naguguluhan na rin siya sa nararamdaman niya sa tuwing nakakasama niya ito. Kakaiba ang tibok ng puso niya at parang may nagliliparang paro-paro sa tiyan niya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong niya nang lumipas ang mahabang katahimikan. "Its been one week and three days, Mr. Devien."

"Wow. You're pretty good at math." Pagbibiro nito na nakapagpairap sa kanya. Siraulo pala itong kausap ko. Tsk. "May nangyari kasi sa kompanya kaya naging busy ako this past few days. I'm sorry."

Napairap siya sa hangin dahil sa sinabi nito. Tsk. Sa mga drama series na napapanood niya minsan sa tv ay iyon lagi ang dinadahilan ng mga lalaki. Kesyo busy daw sa kompanya. May family problem. Pero ang totoo naman ay may babae nang nilalandi.

"Lame reason." Bulong niya sa sarili. Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya saka tumayo. "Kain lang ako."

Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at mabilis na umalis sa sala. Naiinis siya. Kumukulo ang dugo niya sa galit. Nagseselos siya. She admit it. She's jealous. Nasa isip niya na kaya siguro hindi ito nagpakita sa kanya ng isang linggo at apat na araw dahil may iba itong babae.

Kunot ang nuo na sinimulan niya ang pagkain. Hanggang sa pagkain niya ay hindi pa rin naaalis ang inis niya sa isiping baka tama ang hinala niya. Paano nga kung may babae ito? So anong tawag sa kanya? Kerida gan'on?

Argh! Ano ba kasing nangyayaro sakin?!

Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang biglang may sumulpot na milo sa harap niya. Ilang segundo niya iyong pinakatitigan bago lumingon sa gilid niya. Nakita niya si Marc na nakatingin sa kanya habang nakangiti.

Formidable KillerWhere stories live. Discover now