Chapter 7

6.5K 191 4
                                    

TANGHALI NA nang magising si Unyce. Hindi kasi agad siya nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Gumugulo sa isip niya kung bakit siya pumayag na makipag-date kay Marc.

Kailan ba siya pumayag sa isang date? Last time she check, lahat ng nagyayaya sa kanya ng date ay tinatanggihan niya. Pero noong tumitig siya sa mga mata ni Marc bigla na lang siyang nawala sa sarili. Hindi niya alam kung bakit pumayag siya na makupag-date dito.

What is happening to me?!

Hays! Bahala na nga si batman! Ngayon lang naman ito mangyayari e. After that date its all over. Sana naman hindi na magkrus ang landas nilang dalawa.

Ilang oras lang naman ang date di ba? Hindi naman siguro iyon aabot ng twenty-four hours? Kailangan yata niya ng tulong mula sa mga kaibigan niya.

Kinuha niya ang cell phone niya sa night stand saka tinawagan si Alez. Sana naman may maitulong ito at sana hindi rin siya asarin kundi baka masapak niya lang ito.

Pagkalipas ng ilang segundo sinagot na nito ang tawag niya.

"Hoy babae! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan ha?" Iyon agad ang bungad nito sa kanya. "Hindi namin alam kung ayos ka lang ba o hindi."

"I'm fine, Lez. No need to be worried." Wika niya para kahit papano ay kumalma ang boses nitong parang time bomb. "Ayos na ayos lang ako."

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Totoo bang ayos ka lang?"

"Yeah. I'm totally fine." Sagot niya. Huminga muna siyang malalim bago ulit nagsalita. "May tanong ako, Alez."

"What is it?" Mabilis nitong wika. "Spill your questions."

"Anong gagawin mo kapag may nag-aya sayo ng date tapos aksidenteng pumayag ka.?" Tanong niya.

"Ha? Aksidenteng pumayag?" Di makapaniwalang ulit nito. "Seryoso ka ba d'yan? Meron bang ganon?"

"Hindi ko alam. Basta sagutin mo na lang yung tanong ko." Naiinis na wika niya. "Anong gagawin mo?"

"Syempre magpapaganda." Sagot nito na parang hindi rito iyon big deal. Hindi naman talaga big deal yon para sa kanya e! "Teka nga ha, bakit bigla mo na lang yan naitanong? May nag-aya ba ng date sayo?"

"Hindi ah!" Mabilis niyang tanggi. Sana hindi siya mag-boses defensive. "Tinanong ko lang e."

"Alam mo, Nyce, kapag nagsisinungaling ka tumataas boses mo tapos nagiging defensive ka." Anito. Mariin niyang pinikit ang mga mata dahil sinabi nito. Halata talaga sa kanya kapag nagsisinungaling siya. "Sino nag-aya sayo?"

"No one." Maikling sagot niya. Bumuga siya ng marahas na hininga bago ulit nagsalita. "Pwede ako pumunta d'yan sa bahay niyo ngayon?"

"Oh sure." Masigla nitong sagot.

"Great. I'm on my way, see you later." Aniya saka pinatay ang tawag na hindi hinihintay ang ibang sasabihin ng kaibigan.

Nagtungo siya sa closet niya at nagpalit ng damit. Wrap top na kulay puti at colorless jeans lang isinuot niya saka pinaresan niya iyon ng whitr rubber shoes. She tied her hair ponytail style.

Nang maayos na ang sarili niya saka siya umalis ng unit niya. Mabibilis ang bawat lakad niya hanggang sa makarating siya sa tapat ng elevator. Hindi nagtagal ang paghihintay niya sa elevator dahil agad din naman iyong bumukas. Sumakay na siya ng elevator at pinindot ang ground gloor.

Makalipas ng isang minuto nakarating agad siya ng ground floor. Mabilis siyang lumabas ng building at sumakay sa kotse niya. Binuhay niya ang makina saka pinaharurot ang kotse niya patungong Xeer's Village.

Formidable KillerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ