Chapter 21

5.3K 161 9
                                    

NAGISING SI Unyce na parang hinahalukay ang tiyan niya. Mabilis siyang bumangon at patakbong tinungo ang banyo saka dumeretso sa lababo at nagsuka.

Mahigpit siyang napakapit sa magkabilang gilid ng lababo. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng pagsusuka. Wala naman siyang nakain na masama kagabi para magsuka siya ng ganito.

"Fuck!" Rinig niyang boses ni Marc. Naramdaman niya ang paglapit nito at ang pag-alo sa likod niya. "What happened?! Are you okay?!"

Hindi siya nakasagot at nagpatuloy pa rin sa pagsusuka. Nang maramdaman niyang humupa na ang pagsusuka niya, magmumog siya saka humarap sa binata.

"Are you okay?" Tanong ulit nito na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Should I bring you to hospital?"

"N-no." Aniya saka lumabas ng banyo at tinungo ang kama saka doon umupo. "I'm fine."

"Are you sure?" Nag-aalala pa ring tanong nito. Tumango naman siya bilang sagot. "Anong nangyari sayo? Masama ba pakiramdam mo? May nakain ka bang hindi maganda?"

"Hindi ko alam. Siguro nasobrahan lang ako sa pagkain kagabi." Sagot niya at nginitian ito. "May breakfast na ba? Gutom na ko e."

"Yup. Come on, lets eat." Anito at inalalayan siyang tumayo. "Kapag nagsuka ka pa ulit dadalhin na kita sa ospital, okay?"

"Hindi naman gano'n kasama ang pakiramdam ko e." Nakangusong wika niya. Dahan-dahan silang bumaba sa hagdan hanggang sa makarating sila sa kusina. "Wow. Bacon, egg and fried rice. My favorite."

"Really? H-hindi ko kasi alam mga gusto mong pagkain maliban na lang sa milo." Parang napapahiyang wika nito. Mahina naman siyang natawa. "Magtitimpla muna ako ng milo mo."

"Sure." Aniya saka ito hinalikan sa labi. "I forgot to say good morning. So, good morning, babe."

Umupo na siya sa upuan at naglagay ng pagkain sa plato niya. Susubo pa lang sana siya nang bigla na lang itong tumabi ng upo sa kanya kaya naman mabilis siya ditong napatingin.

"W-what?" Takang tanong niya rito. Nakatitig lang ito sa kanya at kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito. "Hoy! Bakit ka nakatitig sakin?"

"T-tinawag mo k-ko ng b-babe?" Hindi makapaniwalang tanong nito na ikinatawa niya. "B-bakit?!"

"Baliw ka na. Oo tinawag kitang 'babe' ano naman ngayon?" Natatawang tanong niya rito.

"N-nothing." Nangingiting sagot nito at tumayo na. Nagtungo sa ito sa island counter at do'n nagtimpla ng milo niya. "Pupunta ako ng opisina ngayon. May mga kailangan akong pirmahan. Ayos lang ba sayo na dito ka muna?"

"Sure. Aalis din naman ako after breakfast e." Aniya. Naglakad ito palapit sa kanya at inilapag ang milo sa harap niya saka ito umupo sa tabi niya. "Kailangan kong pumunta sa condo ko."

"Ha? Bakit?" Tanong nito habang kumakain. "May nakalimutan ka ba do'n? Gusto mo samahan kita?"

"No need. Saglit lang naman ako do'n e." Sagot niya at nginitian ito. "May kailangan lang akong kunin tapos babalik na agad ako dito."

"Saglit ka lang pala e. E di samahan na kita." Anito at napairap naman siya sa hangin. "Baka mamaya ando'n 'yung Steve na 'yon e."

"Hindi na kailangan, okay?" Wika niya at humarap rito ng upo. "Magpapasama ako sa guard para sure tayong walang mangyayari. Saglit lang naman e, pagkakuha ko no'ng gamit ko aalis na agad ako. Tapos."

"Kahit na-"

"Basta, kaya ko." Pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Tapusin na 'yan at pumunta ka na sa opisina para matapos na agad 'yung pagpirma mo."

Formidable KillerWhere stories live. Discover now