Chapter 6

6.9K 219 8
                                    

ISANG LINGGO na ang nagdaan nuong may nangyari ulit sa kanila ni Marc pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya iyon. Isang linggo na din siyang hindi lumalabas ng bahay niya. Lagi siyang nakakulong sa loob ng kwarto niya. Lalabas lang siya ng silid para kumain kapag nagutom siya pagkatapo no'n ay babalik kaagad siya sa loob ng silid niya.

Wala rin siyang maayos na tulog. Ang pinakamatagal na tulog niya sa loob ng isang linggo ay limang oras lang. Puyat siya lagi. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya ay nakikita niya ang pinagsaluhan nila ng binata sa private room nito sa opisina nito. So embarrassing!

Huminga siya ng malalim saka umalis sa kama niya. Kailangan niyang maligo. Naaamoy niya ang alak sa sariling katawan niya. Gabi-gabi kasi siyang umiinom ng alak dahil nagbabakasakali siya na baka makalimutan na niya ang alaalang iyon.

Marahas niyang pinilig ang ulo saka naglakad patungo sa banyo. Kahit naman ganito siya ayaw naman niyang maamoy ang alak sa katawan niya. Nang makapasok siya sa banyo kaagad niyang hinubad ang lahat ng saplot niya saka pumailalim sa shower.

Inabot siya ng halos kalahating oras dahil dapat niyang linisin ang katawan niya upang matanggal ang amoy ng alak sa katawan niya. Kaagad siyang lumabas ng banyo nang matapos siyang maligo saka dumeretso sa closet para magbihis.

Simpleng loose t-shirt at pajama lang isinuot niya dahil wala naman siyang pupuntahan ngayon at ayaw niya rin namang lumabas ng bahay niya. Isinuot niya tsinelas niyang pang-bahay. Panda ang design no'n at malambot iyon sa paa. Paborito niya iyong tsinelas na yon. Iyon kasi ang regalo sa kanya ng ama niya noong twenty-sixth birthday niya. Wala siyang pakialam kung pang-bata ang design no'n. Basta mahalaga iyon sa kanya.

Lumabas na siya ng kwarto niyo at nagtungo sa kusina. Nagugutom na kasi siya dahil nakalimutan niyang kumain ng agahan kanina. Na ng makarating sa kusina kaagad siyang lumapit sa ref at binuksan iyon.

At dahil sa katamaran niya, napagdesisyunan niyang umorder na lang ng pagkain dahil tinatamad na siyang magluto. Kinuha muna niya ang nag-iisang milo sa ref bago siya umorder. Mas gusto niya kasing papakin ng malamig ang milo keysa hindi.

Dalawang box ng pizza lang inorder niya para hindi masayang ang pera niya. Nagtungo siya sa sala para doon hintayin ang inorder niyang pizza. Nang makarating sa sala umupo siya sa mahabang sofa at binuksan ang tv saka nanood ng discovery chanel.

Lumipas ang ilang minuto ay tumunog na ang doorbell ng unit niya. Tinatamad na tumayo siya saka naglakad patungo sa pinto. Binuksan niya ang pinto at halos mawala siya sa ulirat nang makita kung sino ang nasa labas ng pinto niya.

"Marc? Anong ginagawa mo dito?" Kunot nuong tanong niya rito. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong dalawang box ng pizza. "Bakit may dalawang box ka ng pizza?"

"Nakita ko kasi yung pizza guy sa labas ng unit mo. Sabi ko ako na lang maghahatid nitong pizza sayo." Sagot nito saka ngumiti. "Can i come in?"

"No." Mabilis niyang sagot. She hate weird atmosphere. Alam niyang iyon ang mangyayari kapag pinapasok niya ito sa loob ng unit niya. Mabilis niyang kinuha ang dalawang box ng pizza saka nagtanong. "Nabayaran yung pizza guy?"

"Sasagutin ko tanong mo kapag pinapasok mo ako." Wika nito na may ngiti pa rin sa labi. "Come on. Nakakangalay tumayo dito sa labas ng unit mo. Don't be so rude."

Umirap siya sa hangin saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para papasukan ito. "Don't touch anything."

Sinara niya ang pinto nang makapasok na ito sa loob at naunang naglakad rito. Nang makarating sa sala inilapag niya ang dalawang box ng pizza sa center table bago umupo sa mahabang sofa.

"Sagutin mo na yung tanong ko." Aniya nang makaupo ito sa kabilang gilid ng sofa.

"Ako nag bayad kaya wag ka ng mag-alala." Sagot nito na pinaplibot ang paningin sa kabuoan ng sala. "You owe me three hundred fifty."

Formidable KillerWhere stories live. Discover now