Chapter 10

6.4K 199 15
                                    

NAGISING SI Marc dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Mabilis siyang bumangon at tumingin sa tabi niya. Isang malapad na ngiti ang kumawala sa labi niya nang makita si Unyce na mahimbing na natutulog.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito saka hinaplos ang pisngi nito. Napakaganda talaga nito. Simpleng babae lang ito at walang kaarte arte sa katawan gaya ng ibang babae na halos magmukha ng clown sa kapal ng make up.

"So pretty." Nakangiting bulong niya sa hangin. Kahit natutulog ito hindi naalis ang kagandahan sa mukha nito. Mala-anghel ang pagmumukha nito na nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya. "I'll do everything to make you officially mine."

Umalis siya sa kama at isinuot ang pantalon niya saka nagsuot ng puting t-shirt. Pinulot niya ang nagkalat na damit ng dalaga at pumasok sa loob ng banyo para labhan ang damit nito.

Alam niya na sa oras na magising ito ay kaagad nitong hahanapin ang mga damit nito at maingat na aalis ng bahay niya. So he need to wash her clothes, para wala itong magagamit na damit maliban sa mga damit niya.

Pagkatapos niyang labhan ang nga damit nito doon niya rin sa loob ng banyo isinampay para matagalan ang pagtuyo nito. Nang matapos niyang isampay ang damit nito, lumbas na siya kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape at magluto ng makakain nila bago magising ang dalaga.

Bacon at scrambled egg ang niluto niya bilang ulam at fried rice. Nang matapos siyang magluto nagtungo muna siya sa likod-habay at nagpahangin habang sumisimsim ng mainit na kape.

Kinuha niya ang recliner at inilagay iyon di kalayuan sa pinto at doon umupo. May ngiti siya sa labi habang inalalanghap ang sariling hangin nang biglang pumasok sa isip niya ang masayang mukha ng ina niya.

Kung hindi lang niya talaga ito pinilit na pumunta sa mall hindi sana ito mawawala sa kanya. Lagi lagi niyang sinisisi ang sarili niya sa pagkawala ng ina niya kapag magisa lang siya. Pero kapag kaharap niya ang mg kaibigan niya ay tinatago niya iyon sa pamamagitan ng pagngiti.

Ang alam ng lahat ng kaibigan niya na wala siyang sakit at galit sa puso niya. But they are all wrong about him. His life is full of shits. The only person who knows him best is his half brother.

Ang tanging tao na sinamahan siya sa lahat sakit na nararamdaman niya. Ang tanging tao na nagparamdam sa kanya na wala siyang ginagawang mali. Maybe its enough, but he's finding for the cure. He's looking for the cure on how to get rid of his nightmares and shits.

And he think he already found it. The only cure to help him get rid of this fucking pain, anger and nightmares he have. The only woman who can make him feel safe and happy.

Nagising siya sa malalim niyang pagiisip nang marinig niya ang pagsara ng pinto.

"My cure is awake. What a day."

HINDI ALAM ni Unyce ang dapat niyang gawin nang magising siya. Hindi niya mahanap ang damit niya. Ang tanging nahanap niya lang ay ang sapatos niya sa may gilid ng pinto.

"Nasaan na ba ang damit ko?" Mahinang tanong niya sa sarili. Bumangon siya at ginawa niyang pangtakip sa hubad niyang katawan ang kumot. Pinalibot niya ang paningin at nakita ang isang loose na t-shirt at isang boxer na nakasampay sa upuan. "No choice."

Kinuha niya iyon at isinuot saka dahan-dahang binuksan ang pintuan. Luminga linga muna siya at nang walang makita na tao lumabas siya ng kwarto. Dadahan-dahanin niya sanang isasara ang pinto nang mabitawan niya ang door knob at malakas iyong sumara.

"Oh shit!" Mabilis siyang naglakad patungo sa pinto kung saan siya pumasok kagabi at bubuksan na sana iyon nang makaring siya ng isang baritonong boses.

Formidable KillerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt