Chapter 15

5.4K 187 2
                                    

HINDI PA rin makapaniwala si Unyce habang nakatingin lang kay Steve. Hindi niya inaasahan na makikita niya pa ulit ito. Ayaw na niya itong makita kaya naiinis siya ngayon dahil lumitaw na naman ito sa harap niya.

"Long time no see." Nakangiting wika nito. Sa sobrang lapad ng ngiti nito ay halos mapunit ang magkabilang gilid ng labi nito. Tsk. "Akala ko hindi na ulit kita makikita."

"A-ah, o-oo nga." Naiilang na sang-ayon niya. Please go away! I hate to see your ugly face. "Its been nine years."

"Yeah. What a coincidence." Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito. "Mind if I sit here?"

"Yeah sure. Tutal paalis na din kami ng mga kasama ko e." Pilit na ngiting wika niya. I think I'm gonna die! "Oh, there they are."

Nilingon naman nito ang daan kung saan siya nakatingin. Malayo pa lang kunot na ang nuo ng mga kaibigan niya habang naglalakad palapit sa kanila. Sinenyasan niya ang mga ito na bilisin dahil gusto na niyang umalis rito.

Nang makalapit ang mga ito pareho itong kunot ang nuo na nakatingin kay Steve. Makalipas ang segundong nakatingin ang mga ito sa binata, sa kanya naman ibinaling ang paningin.

"Sino siya?" Kunot na kunot ang nuong tanong ni Clarity.

"Kaibigan mo?" Masama naman ang mukhang tanong ni Alez.

"Ahm, he's St-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil ito na mismo ang nagpakilala sa sarili.

"I'm Steve John Mores." Nakangiting pagpapakilala nito sa mga ito. Nakakadiri. "I'm he's -"

"My friend from the past." Siya naman ang pumutol rito. Baka kung ano pa ang masabi e. "Lets go. Gusto ko nang umuwi."

"Akala ko ba mamamasyal pa tayo?" Tanong ni Alez.

"Tinatamad na ako." Sagot naman niya. Hindi naman talaga sila uuwi e. Lilipat lang sila ng mall. "Tara na."

Sabay-sabay silang lumabas ng restaurant. Buti na lang nag-advance payment sila kanina sa waiter para deretso alis na agad sila. That's the advantage.

Hindi pa sila nakakahakbang palayo sa restaurant nang biglang may humablot sa braso niya kaya napatigil naman siya sa paglalakad. Nang lingunin niya kung sino iyon ay lalong lumalim ang gatla ng nuo niya nang makita si Steve na hawak ang braso niya.

"Ano ba?" Mahinahon pero madiin niyang tanong. "Bitawan mo ako."

"Lets talk. Please." Wika nito. Nagmamakaawa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero hindi siya nito makukuha sa paawa-awa nito. Hindi nga ito naawa noon sa kanya e. "Just for a minute."

"No." Matigas niyang wika at binawi ang braso niya. "Don't touch me again. I still hate your hands, most especially you."

Lalakad na sana siya nang hawak naman nito ang pulsuhan niya.

"No. We'll talk." Matigas din nitong wika saka hinila siya palakad pero kaagad naman siyang hinawakan sa kabilang kamay ng mga kaibigan niya.

"Bitawan mo nga ang kaibigan namin." Nanggigil na sabi ni Clarity.

"Hindi ba tumanggi na siya sayo?" Taas kilay naman na tanong ni Alez. "Kung ayaw ng kaibigan namin, ayaw niya. Wag kang engot!"

Parang may mega phone talaga na laging dala ang kaibigan niya. Mahilig sumigaw lalo na kapag nagagalit.

"Let go of me, Steve." Nagbabantang wika niya. Pahigpit kasi nang pahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kulang na lang ay mabali ang buto niya sa kamay. "B-bitawan mo a-ako, S-steve. M-masakit!"

Formidable KillerWhere stories live. Discover now