Epilogue

7.4K 205 10
                                    

KANINA PA ikot ng ikot si Marc sa labaa ng operating room. Isang oras nang nasa loob si Unyce at hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman niya. Kasama niya ang ilan sa mga kaibigan.

Si Matt, Kielle at Niko na nakaupo lang pero halata sa mukha ang pag-aalala. Sila Xylyx, Bryce, Calvin, at Galvin. Kasama rin ang mga kaibigan ng dalaga na si Clarity at Alez. Halos umiyak na ang dalawa dahil sa sobrang pag-aalala sa kaibigan.

Ang ina ng dalaga ay kanina pa rin nasa loob ng operating room at halos magkasabay lang na ipinasok ang dalawa.

"Marc, pwede ba umupo ka muna?" Pigil ang inis na tanong ni Kielle. "Kami ang nahihilo sayo."

"Hindi ako mapakali e." Aniya saka umupo sa tabi ng kapatid niya. "Isang oras nang nasa loob si Unyce at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ng operating room 'yung doktor."

"Maya-maya lang lalabas na 'yan." Wika ni Niko. Kalmado lang ito pero may nakikita siya sa mga mata nito na pag-aalala. "She'll be fine."

Hindi na siya na nagsalita at inalala na lang ang nangyari kanina. Hindi ito nagalit o lumayo man lang sa kanya nang malaman nito ang totoong siya. Tanggap siya nito at may tiwala ito sa kanya na hindi niya ito sasaktan.

Well, she's right. He can't hurt her because he love her so much. Masaya siya dahil tanggap siya nito pero nag-aalala siya sa kalagayan ngayon ng dalaga.

Bigla namang pumasok sa isip niya ang ginawa nito. Inutusan siya ng dalaga na barilin si Steve at parang wala lang iyon sa dalaga. Tapos binaril nito ang Tita 'kuno' nito. At ang mas nakakagulag pa do'n, deretso siya puso ang tama.

Parang sanay na sanay itong humawak ng baril. Paano kaya kung may tinatago rin ito tulad niya? Paano kung isa rin pala itong killer? Matatakot ba siya? Pero bakit naman siya matatakot?

Bahala na! Basta tanggap niya ako. At matatanggap ko rin siya kung may tinatago man siya sa katauhan niya.

He was about to talk when the door on the operating room opened. Lumabas do'n ang doktor na nag-opera sa ina ng dalaga. Tinanggal muna nito ang suot na mask saka tumingin isa-isa sa kanila.

"Who's the patient's family?" Tanong ng doktor. Tumayo naman si Kielle at napatingin siya rito. "Ikaw ho ba ang kapamilya ng pasyente?"

"No. He is." Anito sabay turo sa kanya. Napatingin naman sa kanya ang doktor. "Matalik lang akong kaibigan ng anak ng pasyente pero siya ang kasintahan ng anak ni Mrs. Abraham."

"Oh, okay." Ani ng doktor sabay tingin sa kanya at ngiti. "The patient is stable now. Nakuha na namin ang bala na bumaon sa tagiliran niya. Nagpapahinga na siya ngayon."

"Thank you so much, Doc." Pasalamat niya rito at nakipagkamay.

"Sige, mauna na ako sa inyo. Marami pang pasyente ang naghihintay sakin." Nakangiting anito at naglakad palayo.

Nakahinga siya ng maluwang dah ayos na ang kalagayan ng ina ng dalaga. Pero may nakatusok na pa ring tinik sa lalamunan niya at hindi iyon maaalis hangga't hindi niya nalalaman na ayos na ang dalaga.

"Thank God, ayos na si Tita." Bulong ni Kielle pero narinig niya. Tumingin ito sa kanya at may pag-aalala pa rin sa mga mata nito. "Kumusta na kaya si Unyce?"

"Lets pray that she's fine." Aniya saka tumingin sa pinto ng operating room kahit wala pang lumabas do'n na isa pang doktor. "She need to be fine. May sasabihin pa ako sa kanya."

Tinapik lang nito ang balikat niya at bumalik na sa upuan nito. Umupo na rin siya at naghintay. Lumipas ang trenta minuto ay bigla iyong bumukas at lumabas ang doktor.

Formidable KillerWhere stories live. Discover now