Chapter 22

5.2K 178 3
                                    

NAPABALIKWAS NG bangon si Marc nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Mabilis siyang umalis sa sofa at patakbong tinungo ang pinto ng bahay niya. Pero laking dismaya ang naramdaman niya nang makita ang kapatid niya na pumasok sa loob ng bahay niya

"Oh, ang agad mo yatang magising?" Kunot nuong tanong nito sa kanya. "Sabado ngayon ah."

"What?!" Gulat na tanong niya at bumalik sa sofa saka tinignan ang date sa cell phone niya. Sabado na nga at hindi niya namalayan na nakatulog pala siya dito sa sofa. Ang akala niya ay gabi pa rin. "What the fuck?"

"Anong problema mo?" Tanong ng kapatid niya nang makalapit ito sa kanya. "Bakit parang gulat na gulat kang sabado ngayon?"

"Where's Unyce?" Tanong niya rito pero hindi agad ito sumagot kaya tumakbo siya paakyat ng kwarto at binuksan ang pinto. Wala roon ang dalaga. Mabilis siyang bumaba at pumunta sa kusina. "Unyce?" Tawag niya sa pangalan nito pero wala rin ito sa kusina. Binuksan niya ang cell phone niya at tinawagan ang numero ng dalaga. "Pick it up. Unyce, where the hell are you? Pick it up! Fuck!"

Muntik na niyang maihagis ang cell phone niya sa pader kung hindi siya pinigilan sa kamay ng kapatid niya.

"Relax, man." Anito. Napasandal siya island counter at napatungo. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit mo hinahanap si Unyce? Hindi ba magkasama kayo?"

Sunod-sunod ang tanong ng kapatid niya pero hindi niya iyon nasagot. Naglalakbay ang isip niya kung nasaan ngayon ang dalaga. Akala niya ba uuwi agad ito?

"Man, anong nangyayari?" Bakas ang inis sa boses nito kaya napatingin siya rito. "Where's Unyce?"

"I don't know. She's not here." Sagot niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang inatake ng kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at pakiramdam niya ay nanghihina siya. "Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala na akosa kanya, Matt."

"Wait, saan ba nagpunta si Unyce?" Tanong niya na tumabi pa sa kanya sa island counter. "You have any idea?"

"Yesterday, she went to her condo to get something." Aniya at parang bigla siyang binaksakan ng bumbilya sa ulo at napatingin bigla sa kapatid. "Lets go to her condo."

"Okay, lets go." Anito at nauna pang lumabas ng bahay sa kanya.

Hindi na niya pinansin ang suot niyang formal attire. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon patungo sa condo ng dalaga.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na agad sila sa condo ng dalaga. Siya ang unang bumaba at naunang pumasok sa loob. Dumeretso siya sa front desk at hindi na hinintay pa ang iba.

"Excuse me miss." Tawag pansin niya sa babaeng may kausap sa telepono. "Miss, excuse."

"I'll call you again later, sir." Sabi nito sa kausap sa telepono bago tumungin sa kanya. "Yes sir? How may i help you?"

"May nagpunta ba dito kahapon ng umaga na babae?" Tanong niya rito. Alam niya na nagpapanic na siya pero pilit niyang pinapakalma ang sarili at sinasabing ligtas ang dalaga para hindi siya mag-alala. "Her is Unyce Abraham. She use to live here."

"Ah si ma'am Unyce." Wika nito. Paunti-unti namang humupa ang bilis ng tibok ng puso niya. "Sorry sir, kilala ko po si ma'am Unyce pero off duty ko po kahapon ng umaga."

"Sino ang tao dito kahapon?" Mabilis niyang tanong. "Kailangan ko siyang makausap."

"Sure thing sure." Nakangiting wika nito. "I'll be back in a minute sir."

Tumango na lang siya at huminga ng malalim saka pinakawalan iyon. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang kabang nararamdaman niya.

"What happened, man?" Biglang tanong ng kapatid niya na kakapasok lang. "Nandito ba si Unyce?"

Formidable KillerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant