Chapter 12

6K 161 13
                                    

HINDI ALAM ni Unyce kung saan siya pwedeng humawak para labanan ang kabang nararamdaman habang tuloy-tuloy sa paglalakad ang apat na lalaki hanggang sa makarating ito sa kotse nila.

Napahawak na lang siya sa kamay ni Marc habang pilit na pinapakalma ang sarili. Marunong siya ng self defense pero hindi naman siya pro.

"Don't worry." Wika ng binata habang nakatingin deretso sa mata niya. "I'm here. I will not let them touch you, okay?"

Tumango na lang siya at pigil ang sarili na mapaluha dahil sa kaba. Binaba nito ang binata at hindi niya mapigilan na higpitan ang pagkakakapit niya sa kamay ng binata.

Oh god. Ayoko pa pong mamatay. Kailangan ko pa ng time para magconfess ng feelings kay Marc.

"What do you want?" Matigas na tanong nito sa isang lalaki na nakatayo banda sa bintana. "Spill it."

"Boss."

Mabilis siyang napalingon sa lalaki na kausap ni Marc. Binaba nito ang itim na mask na suot-suot nito.

"What the fuck, Ivan!" Hindi mapagiling mapataas nito ang boses. "Fuck you!"

"Pasensya na ho, boss." Hingi nito ng paumanhin habang napakamot sa batok. "Pupuntahan ka na sana namin sa bahay niyo kaso nakita naman 'tong kotse niyo kaya hinarang namin."

"Fuck." He curse and look at her. "Hey. Its okay. Ivan is a friend."

"Muntik na akong atakin sa puso dahil sa sobrang kaba tapos sasabihin mo 'its okay?'" Inis niyang wika rito. Ayaw niya pang mamatay ngayon dahil may gusto pa siyang gawin. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaking nagngangalang Ivan. "Don't do it again or else I'll kill you."

Napakamot ulit ito sa batok at bahagyang yumuko. "Pasensya na ho. Hindi na ho mauulit."

Hamulukipkip na lang siya at tumingin sa labas ng bintana pero nanatiling nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Buti na lang kinaya niya ang kabang iyon kundi baka kanina pa malamig ang katawan niya.

"Nakakatakot ho pala iyang girl friend niyo, boss." Rinig niyang wika ni Ivan.

"Kaya nga huwag niyang galitin." Natatawang wika naman ni Marc.

Mukha ba silang magkasintahan? Hindi niya ako girl friend, 'no! Baka soon.

Mahina namam siyang natwa sa huli niyang naisip. Mukha ngang tama ang kaibigan niya. Kakainin niya din balang araw ang mga pinagsasasabi niya dahil mukhang ngayong araw na mag-uumpisa ang balang araw na iyon.

"Boss, pumunta kanina si Mr. Tada-"

"Wag tayo dito magusap." Rinig niyang pagputol nito sa ibang sasabihin ni Ivan. Mukhang pribado iyon kaya bawal niya rin marinig. "Ihahatid ko lang 'tong girl friend ko tapos doon na tayo magusap sa opisina ko."

"Yes, boss."

Binuhay na nito ang makina at pinausad ang sasakyan patungo sa condo niya.

"Bakit mo sinabi na girl friend mo ako?" Taas kilay niyang tanong rito. "Hindi mo ako girl friend."

"I know." Nakangiting wika nito. Bakit kasi ang hilig hilig nitong ngumiti? Baka mahulog siya ng tuluyan rito. "Kapag hindi ko sinabi 'yon malamang liligawan ka ni Ivan."

"So, should i say 'thank you'?" Puno ng sarkasmo niyang tanong.. Aaminin niya na may itsura 'yong Ivan na iyon pero hindi naman siya nagpapaligaw lalo na sa lalaking all black ang suot. "But i think Ivan is nice." Pagbibiro niya. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito. "Baka pwede naman siyang manligaw e-ahh!"

Hindi niya mapigilan ang mapasigaw sa gulat nang bigla na lang nitong apakan ang preno kaya muntikan na siyang masubsub sa dashboard. Isang nakakamatay na tingin ang pinukol niya rito.

Formidable KillerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu