Sa Pagsapit Ng Ulan

17 3 0
                                    

Sa Pagsapit ng Tag-ulan

"Sana ay lagi na lamang umuulan, upang aking masilayan ang iyong pagbukadkad na kay gandang pagmasdan."

-Pitpit

Bilang isang dalagang pilipina,
ay alam ko kung ano'ng aking halaga.
Ako'y isang bulaklak na kay bango ng halimuyak,
nakumukadkad lamang sa pagsapit ng tag-ulan.
Isang puting rosas na syang simbolo nang kalinisang puri at kagandahan;
Mahirap hanapin sa bansang aking pinagmulan.

Sa pagpatak ng libu-libong butil ng ulan ay ang aking pagkinang.
Bagaman walang sikat ng araw ay mayroon namang dahilan,
kasabay nito ay ang pagkuha sa puting rosas.
Ilalagay sa kulay kayumangging paso sa tabing bintana,
ako'y kanyang pagmamasdan, hahawakan at pupurihin;
"O kay ganda ko aking rosas, sa araw ng tag-ulan ika'y namumukadkad
ngunit bakit sa panahon ng tag-araw ika'y nakapikit,
tila hindi nais ipakita ang mukha mong kay rikit?

Ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan ang aking inantay.
Ika'y aking ipinunla, diniligan at inaruga,
ngayo'y akin nang hawak kamay.
Ngunit sa bawat masuyong haplos ko'y
sya ring aking pagkasugat,
Ang mga tinik sa iyong tangkay ay syang dahilan nang aking pagluha!
Katotohanang ika'y aking inantay
sa bawat araw na nagdaan syang ligaya at kalungkutan.
Pagsikat ng araw ay syang itong paglisan,
bawat talulot ay unti-unting malalanta,
kailan ka babalik sinta?"

❤️❤️❤️
🌼


Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now