Pag-ibig, Pagkabigo, Pangarap

14 3 0
                                    

Pag-ibig, Pagkabigo, Pangarap

"Ang pagmamahal ay kadikit nang pagkahangal na dapat nauuwi sa pagtupad ng mga pangarap kasama ang mga minamahal."

-Silver

Ano nga ba ang pag-ibig?
Iyon ba yung tulak ng bibig, kabig ng dibdib?
Ang pag-ibig na may iba't ibang kahulugan,
Na may iba't iba ring pinatutungkulan.

Ang pag-ibig na mula sa iyong kaibigan na iyong pinahahalagahan.
Pag-ibig na mula sa kasintahan na iyong kinababaliwan.
Pag-ibig na mula sa Diyos na iyong lubos na pinasasalamatan.
Ang pag-ibig na mula sa pamilya na iyong iniingat-ingatan at di dapat malimutan.

Ang pag-ibig na mula sa kasintahan, ay tunay na nakakakilig nga naman.
Nung una tayo'y hindi magkakilala
Ngunit isang araw nagtagpo ating mga mata.
Ang mga matang dahilan ng ating simula.

Tayo'y nagkakilanlan
Matamis na ngiti ang namutawi ng magsabihan ng pangalan.
Tayo'y nagkakwentuhan tungkol sa'ting mga karanasan
Sakto pa lang, wala pa tayong nagiging kasintahan.

Walang araw na tayo'y di nagkikita,
Pagkikita na kinasasabikan nating dalawa.
Tapos maghaharap at ngingiti na para bang nahihiya,
At sa usapan magsisimula ang ating matatamis na salita.

Ang ating pagkakaibigan na tumagal ng taon.
Pagkakaibigan na sinubok ng panahon.
Pagkakaibigan na binigyan nila ng malisya,
Ngunit ito'y ating binabale wala.

Ang pag-ibig mula sayo akong kaibigsn
Ay siyang aking iniingat-ingatan
Aking pinapahalagan
Pinapahalagahan ngunit bakit ko binigyan ng ibang kahulugan?

Iba na ang aking nadarama
Hindi na ako makatingin sa iyong mga mata
Hindi na makatulog kakaisip sayo
At sa t'wing lalapit ka, tibok ng puso'y kumakarera bigla.

Aking naalala, nang ika'y makita
Ako'y takot nang tumingin sa iyong mga mata
Nang ika'y aking titigan
Ako'y takot kang lapitan.

Nang ika'y makausap ko
Ako'y takot na ngumit sa harap mo.
Nang ako'y mahulog sayo
Ako'y takot na ipagtapat sayo.

Ngayon, para kang hangin sa'king paningin
Aking nadarama ngunit di pinapansin
Kung dumaraan ka'y ako'y nasa iba ang tingin
Hindi ko alam, ako'y nalilito sa aking damdamin.

Ngunit isang araw, ako'y nagulantang
Nang kamay ko'y iyong hawakan
Hinawakan mo ako na para bang ayaw mo 'kong bitawan.

Ako'y iyong tinanong,
"Ano ba ang nagawa kong kasalanan at ako'y iniwasan?"
Hindi ko mahanap ang kasagutan.
Kaya't ako'y tumakbo at napaluhod sa kung saan.

Ako'y napapaisip, solusyon nga ba ang iwasan ka?
Ngunit ano bang mangyayari kung ako'y magtatapat na?
Ayoko, hindi ko alam, ayaw kong umasa
Ayokong umasa lalo na't kaibigan lang kita.

Isang araw ako'y iyong tinawag
At naiyak sa iyong pagtatapat
Hindi ko alam ang aking sasabihin
Hindi ko akalain na ako'y mahal mo rin.

Nagsimula ang ating relasyon
Relasyon na puno ng pagmamahalan
Relasyon na puno ng katapatan
Relsyon na tatagal ng walang hanggan.

Ika'y aking minahal at mamahalin habang buhay
Ikaw ang isang taong pag-aalayan ko ng aking pagmamahal
Ikaw ang nais kong makasama sa aking buhay
Ikaw at ako lamang sa aking mundong pinapangarap.

Matatamis mong salita, ang dahilan ng aking pag ngiti
Ang iyong paghawak sa aking kamay, ang dahilan ng aking pagkasigurado
Pagkasigurado na ako lamang at wala nang iba
Pero ang pag-ibig na nadarama ay kakabit pala ng aking pagkabigo.

Ako'y iyong iniwan, hindi ko matanggap ang dahilan
Ako'y pinagpalit sa aking matalik na kaibigan
Anong nangyari? Anong nangyai sa ating pagmamahalan?
Ikaw na nagsabi, ikaw at ako lamang sa ating kinabukasan.

Akong sinaktan mo ng lubusan
Hindi ko akalain na ako pala'y iyo lamang pinaglaruan
Pinaglaruan mo ang puso kong tapat
Ang pusong tapat noon na ngayon ay wasak.

.....

❤️❤️❤️

I

sa mga mahabang tula na ginawa ko ahehe actually entry ko to sa spoken poetry contest nung Grade 9 ako ewan ko nga kung spoken poetry yan AHAHAH missing ang last page🤧


Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now