Parehas Ba Tayo?

5 3 0
                                    

Parehas Ba Tayo?

Magandang gabi
sa taong nagbabasa nitong
tulang pinagtagpi-tagpi.
Ako'y napapaisip,
napapahiling.
Ako lang ba ang may ganitong isipin?
Heto sisimulan ko na.
Ako lang ba itong..
Sana bumalik ako sa pagkabata
yung tipong puro laro lang
walang problema
kung iiyak man
ay dahil sa hindi nabigyan ng piso.
Yung tipong nilalambing lambing
pa ako ni ama't ina
katabi sa pagtulog sa gabi
titimplahan pa ng gatas
at kakantahan
hanggang sa makatulog.
Yung naroon ako sa ilalim ng ulan,
tumatalon talon, nagtatampisaw.
Para bang sinasalo ang mga butil na iyon ng may ngiti sa aking labi.
Yung tipo ring ako pa'y sinusubuan
ng pagkain
at minsa'y papaluin
ng walis tingtinf
dahil ako'y hindi nakinig
sa kanilang tagubilin.
Yung tipo ring hindi ako nagugutom
dahil hindi nila hinahayaan yon
Yung tibo ring abakada
lamang ang aking binabasa,
walang halong lengwaheng banyaga.
Yung ihahatid pa ako sa eskwela sa umaga,
sa tanghali
hahatiran ng pagkain,
sa hapon nama'y
susunduin na may dalang meryenda.
Yung ako'y hihinsawan pa
bago humiga sa kama.
Yung bibilhan rin ako
ng sorbetes doon sa may labas.
Naroong larua'y baril o manika
magsasalita mag-isa
naglalaro't tuwang tuwa.
Yung inosente ko lamang silang titingnan habang nagsisigawan,
yung wala pang alam
sa mga katotohanan't kasinungalingan,
yung ang mga iyak ko
ay dahil sa kalungkutan
kundi dahil sa kakulitan.

❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon