Ilaw ng Tahanan

9 3 0
                                    

I l a w n g T a h a n a n

"Parating nag-iilaw, umaga man o gabi. Huwag sanang magpantay sindi, mawawalan ng ilaw ang tahanan kong pinagmamalaki."

-Anak

Mahal kong ina,
naaalala mo pa ba
nang malamang nagdadalang tao ka,
gaano ka kasaya?
Nang marinig ang tibok ng puso ko ina?
Masaya ba?
Ah! Naalala ko pa,
sabi mo'y umiiyak ka sa tuwa
naghanda pa ng spaghetti at cake sa mesa.
Ina, naaalala mo pa ba
ang mga panahong hirap na hirap ka,
sa ilang oras na paglabor
munting nang malagutan ng hininga.
Ang sabi mo'y
kakayanin ko lahat para sa aking unang anak.
Ina, naaalala mo pa ba
kung gaano ako kakulit na bata,
naroong, karga mo ko'y umihi bigla
at ang malala ay tumae pa
at ako naman noon ay
humahagikhik sa tuwa.
Imbes na mainis ay ika'y natuwa
sabi mo'y paglaki ko'y
sutil akong bata.
At ina, hindi ka nagkamali
nariyang tayo'y magkasama
maya maya'y wala na ako sa iyong tabi.
Nariyan ring papasok ako sa eskwela
at hahawak sa bestida mong pula,
umiiyak, tumutulo ang sipong nagsasabi,
dito ka lang mama! Wag mo'ko iwan mama!
Nariyan ring nabasag ko ang pamana ni lola,
nagalit ka at pinalo ang pwet kong mataba,
umatungal ako ng iyak at tumigil ka
humingi ng pasensya
at sabi mo'y hindi mo sinasadya.
Sa gabi'y nariyan ka't kakantahan ako at kukwentuhan
tungkol sa ganda ng langit at buwan
pati na rin ng inang kalikasan.
Nariyang ako'y nagdalaga na,
naalala ko ang mga ngiti mong kay ganda
sabi mo'y,
ang uhugin kong anak ay dalagitang kay ganda na!
Dinalaw ako sa unang pagkakataon
at sa ikatlong baitang ng hagdan
ako'y pinatalon.
Minsan ay kay dami kong hinihiling,
at ikaw naman ina
ay walang sawa iyong pupunuin.
Nagkataasan tayo ng boses ina,
nong mga panaong gumuho ang mundo
nating dalawa.
Ang gawain ko'y
tatalikuran ka't
iiyak sa kwarto mag-isa.
Sa pagtilaok ng manok
bibigyan mo'ko ng champoradong nasa
bilugang mangkok,
hihingi ng pasensya't
maayos na muli tayo ina.
Ngayong tumatanda kana,
ako'y nalilimutan ko na.
Sino ka?
Mga katagang hindi ko kaya.
Ikaw na sandalan ko,
sa t'wing ako'y mahina
ngunit paano na ngayo'y
ako'y di mo maalala?
Darating pa kaya ang panahon,
na tayong dalaw ay muling
pag uusapan ang kahapon.
Ang mga ala-alang itinaga ko sa bato,
nakaselyado sa'king puso,
naka imprenta sa mga litrato,
hanggang sa damgo ay dala ko,
maaari bang wag kang lumisan?
Paano na ang anak mong maiiwan?
Malulungkot ako't palaging luhaan,
hahanapin ang mga lambing mo
sa umaga hanggang sa makatulugan.
Mahal kong ina,
ang pagmamahal ko sayo'y
parang kalawakan,
malawak, sobrang laki at kumikinang
sa umaga man o gabi
ang mahalaga'y alam kong
palagi ka lamang narito sa aking tabi.

❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon