Kasing bagal ng paglakad ng pagong sa maalat na karagatan
ang pag usad ng mga pangakong sinabi mo sa akin.Kasing liwanag ng sikat ng araw
sa gitna ng kabundukan
ang mga malalambing mong kasinungalingan na tinuran.Kasing dilim ng dagtum na kalangitan
sa ilalim ng walang buwan
ang mga alaalang ibinilin mo sa akin.Kasing rupok ng kahoy
sa kusina ni Inay
ang mga pagsasama nating tinupok ng apoy.Kasing puti ng bilog na buwan
sa pagitan ng mga ulap
ang mga nakatago na katotohanan.❤️❤️❤️
Please don't forget to vote, comment and follow meeee🙋🏻♀️❤️.A/N: Saan mo maihahalintulad ang taong nasa isip mo habang binabasa mo ito? Comment downnnn👇🏻
hugotgirl_07
🙊❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/235347825-288-k889481.jpg)
YOU ARE READING
The Power of Making Things Up
PoetryMga tulang nabuo dahil sa nararamdaman, isang magulong damdamin at isipin. Munting hiniling sa hangin, sana'y pagbasa nito'y inyong bigyang pansin. Let me share my thoughts with you through my poem. Thoughts are as like words. Either you write it do...