Bukod Tangi

11 3 0
                                    

B u k o d t a n g i

Ano itong bagay
na walang makakapantay
maski ibenta mo pa ang lupa't iyong bahay
ay walang makakatumbas sa halaga nitong taglay.
Mahalagang mahalaga
precious pa nga kung sabihin nang iba.
Nagtanong si kuya na nasa unahan
Ang taga pag salita.
Ano itong bagay na sya namang precious kung tingnan?
Sabi ng babaeng mayaman, pera!
Sabi ng matandang gumaling sa sakit, kalusugan!
Sabi naman ng bata, laruan!
Sabi ng estdyante naman ay edukasyon!
Kung tutuusin ay walang mali sa kanilang sinabi
Lahat tama ngunit ano itong mali?
Kasagutan nilay nangangailangan ng salapi
Ang tinutukoy ko ay iyong libre.
Walang gagastusin ni pisong duling.
Ni pawis ay wala kang ilalaan.
Nagtaas ng kamay ng bulag at pipi
Pero nakakarinig
At sya'y ngumiti.
Napakagaling!
Sagot ng lalaking tagapag salita.
Sya'y isang bulag at pipi ngunit nalalaman nya ang kasagutan!
Nagtaka ang lahat
Hindi nagustuhan ng ilan
Kaya ayon ang tingin sa matandang pulubi
Masama ang mga tingin.
Nakikita nyo ba?
Ang matandang iyon?
Naka upo nag iisa sa sulok
Hindi nakakarinig
Hindi nakakakita
Pero nasa kanya ang precious na aking tinuturan.
Walang mahalaga sa matandang yan!
Sigaw nila.
Mahalaga ang bawat tao
Lahat ng bagay, hayop o kung ano pa man ay mahalaga sa mundo
Ngunit bakit hindi nyo nalalaman ang kasagutan
Itong bukod tangi na bagay
Na nasa inyong katawan
Walang bayad
Ngunit sadyang namumukadkad
Makasalubong mo ang isang magandang aso,
Makakita ka ng bagong silang na sanggol ay talaga namang
mararamdaman mo't kusang gagawin.
Ngiti. Pag ngiti. Smile pa sa ingles.
Yan ang nabubukod tangi.
Binibigay kahit sa istranghero
o kahit kanino.
Ngayon ay nalalaman mo na,
kaya naman ngumiti kana!

❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now