Kwentong Usapan

14 3 0
                                    

K w e n t o n g U s a p a n

"Totoo nga ba itong usap-usapan?"

-Kuryoso

Nakikilala mo ba?
Itong usap-usapan nila.
Para bang kanilang bitamina sa umaga.
Usapan nila'y ayo'y nagsimula na..

Si Aling Gorya,
isang matandang dalaga.
Malamang walang sariling pamilya,
pero noon ay may asawa.

Sabi sabi room, noon
sya ang pinakamagandang dilag sa nayon
walang makakapantay sa taglay nyang ganda
manliligaw nya'y umabot isang daan at higit pa!

Maamong mukha,
magandang hubog ng katawan.
Masipag na dalaga,
ugali nya'y kahali-halina.

Sya'y umibig kay Lorenzo,
isa sa manliligaw nyang bigay todo!
Nariyan't bibigyan sya ng rosas at buko,
sa gabi nama'y panliligaw nya'y maririnig mo.

Dumaan ang tag-init at tag-ulan,
natira sa manliligaw nya ay iilan.
Kasama na si Lorenzo'ng kay ganda ng katawan!
Isang magsasaka na puro palay ang alam.

Dumating ang araw na kailan nya nang pumili.
Si Lorenzo ang binigkas, di na nagpakubli!
Walang araw o gabing silang dalawa'y nakangiti,
nagliligawan sa ilalim ng kalawakan sa magandang gabi.

Nagmahalan, nagkatuluyan at ikinasal.
Masaya nung una ngunit ano itong kanyang nakalkal.
Asawa nya'y may mga tagong liham mula sa nayon ng naval.
Hindi kapa-paniwala! Puso nya'y nawasak dahil sa kanyang minamahal!


❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now