P a g h a h a l i n t u l a d
Katulad ng mga ibong lumilipad,
nakabuka ang mga pakpak na malapad
ay gusto kong mangarap
nang malaya at kung saan-saan mapadpad.Katulad ng paglubog ng araw,
nagkukulay kahel-lila ang minsang tanglaw
ay gusto kong lumisan sa mundong ibabaw
na maganda at kaibig-ibig ang aking huling matatanaw.Katulad ng tubig at langis
na hindi naghahalo sa isa't isa,
ay gusto ko ng taong hindi ako iiwan
sa kabila ng aming pagkakaiba.Katulad ng mga butil ng patak ng ulan
malamig sa pakiramdam
ay gusto kong maranasan
ang matingnan at mapagmasdan.Katulad ng isang tulang
malalim ang kahulugan,
ay gusto ko ng taong
handa akong basahin, intindihin at pahalagahan.
❤️❤️❤️Please don't forget to follow, vote and comment❤️
Thank youuu,mwah😙
BINABASA MO ANG
The Power of Making Things Up
PoetryMga tulang nabuo dahil sa nararamdaman, isang magulong damdamin at isipin. Munting hiniling sa hangin, sana'y pagbasa nito'y inyong bigyang pansin. Let me share my thoughts with you through my poem. Thoughts are as like words. Either you write it do...