M a t e m a t i k a
"Isa, dalawa, tatlo sa asignaturang matematika ay lutang ako.."
-Boboa
Asignatura'ng ewan ko ba!
Kay hirap intindihin, paano na?
Kaya kong magbilang pero hindi ang maghanap ng kulang.
Marinig ko pa lang ang asignatura'ng iyan
labi ko'y ngingiwi na nappasimangot pa!
Numero, numero kaya kong isulat ka,
pero kung may kasamang x at y, decimals, fractions at iba pa
aba'y naloko na!
Guro namin sa matematika'y si Ginang Olivia,
pag makasalubong sya'y tatahimik ang madla
takot na yuyuko at sa isip ay
sinusumpa na sya.
Terror na guro at pag 'di ka nakasagot at tatayo ka,
pag sumagot ay ipapaliwanag pa dapat ng tama
dahil kung hindi ay 'teh bahala ka!
Kapag nagtuturo na sya'y
nariyan ang strikto nyang mukha,
parang isand dragon na puros matematika ang apoy na ibinubuga!
Nariyang tatarayan ka't tatawagin bigla
aba'y jusmeyo marimar!
Puso ko'y parang nag flat line ura ura!
At yon ako, kabadong kabadi,
nanginginig pa kalamnan ko!
At yon sya, nakatingin sa ginagawa,
maya maya pa'y nag explain na ako,
bahagyang nauutal kaya't tumaas kilay nya,
pagkatapos ay yon siya ngingiti at papalakpak sabay sabing,
Magaling! Ang iyong sagot at tama!
Maupo ka na!❤️❤️❤️
Please don't forget to follow, vote and comment❤️
Thank youuu,mwah😙
YOU ARE READING
The Power of Making Things Up
PoetryMga tulang nabuo dahil sa nararamdaman, isang magulong damdamin at isipin. Munting hiniling sa hangin, sana'y pagbasa nito'y inyong bigyang pansin. Let me share my thoughts with you through my poem. Thoughts are as like words. Either you write it do...