Huwad na Tayo

3 1 0
                                    

A/N:Ngayon lang ulit ako nakapag update sorry for the longgg wait ahihi🤗❤️Happy birthday to meee ahih! Enjoy readinggg🙋🏻‍♀️❤️11072020

Hindi ko mawari ng lubusan,
kung saan na patungo itong 'tayo' na nasimulan.
Hindi ko maisip kung ito'y katotohanan,
na nagpapagulo sa'king puso't isipan.

Paano na ang ikaw at ako?
Kung ang iniisip mo lagi'y pagsuko?
Paano na ang mga pangako mo?
Kung paulit ulit mo rin naman akong binibigo.

Paulit ulit mong sinasambit ang mga katagang 'mahal kita',
ngunit ni kahit isa, tatanungin kita, napatunayan mo ba?
Napakatamis ng masayang kasinungalingan na iyong isinatula at ako'y napaniwala.

Matatawag nga ba akong tangang baliw na umiibig sa iyo ng tapat?
Tatanggapin ko lahat ng salitang mala kutsilyo mula sa lahat.
Ipaliwanag mo lamang sa akin ng maayos kung bakit ako'y hindi sapat?
Bakit ba ako nagmahal ng isang tulad mong nagbabalat-kayo ang balat?

❤️ ❤️❤️


Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

A/N: Minsan nagmamahal tayo ng isang taong hindi natin kilala ng lubusan kaya't sa huli tayo'y nasasaktan ng hindi natin alam ngunit tayo ay sugatan.

Agree?

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now