Sino ang Totoong Kaibigan?

11 3 0
                                    

Sino ang Totoong Kaibigan?

Ako'y may kaibigan, mahigit hindi kumulang.
Iba't ibang itsura't katangian,
di malaman ang tunay na dahilan,
sino ang totoong kaibigan?

Si Uno na laging may kailangan.
Lalapit lang sa oras na di mo alam.
Hihingi ng tulong, iyong pagbibigyan.
Pero kung ikaw na ang may kailangan, aba't anong tinalikuran!

Si Dos na bungangerang prangka.
Walang preno ang bibig kung magsalita.
Masaktan ka o hindi ay care at all sya!
At least nasaktan kang mulat ang mata.

Si Tres na imbestigador na tsimosa.
Chika doon, chika dito, hay nako! Sakit sa tainga.
Kung magkwento'y maniniwala ka,
Umaabot kabilang baryo mga kwento nya.

Si Kuatro na magandang lasinggera.
Tagay doon, pulutan dito, cheers! Itaas ang baso.
Problemado't kaya't idinaan sa alak ang kwento.
Palabiro sya ngunit once na magkwento'y iiyak ka ng todo.

Si Cinco na palakang inggitera.
Lahat pinupuna, walang pinapalagpas kahit isa!
Mata nya'y iirap pa, kay sarap dukuta ng mata.
Lahat sa kanya'y naninira, yan ang napapala.

Si Sais na maarteng sosyalerang mayaman.
Pag kasama mo sya'y lilopad ka sa kahanginan.
Kesyo meron syang ganyan, ganito, ah ewan ko!
Puro paarte ang alam, hayan, nasabihang bobo.

Si Syete na kung tumawa'y hagalpak.
Bawat tawa'y may kasamang pagpalak-pak.
Kung may gagawin sya'y talaga namang papalpak.
Paano ba naman kas'y hayon sya sige ang iyak at padyak!

Si Otso na magandang basagulero.
Araw- araw napapasabak sa gulo.
Kung pagsasabihan mo'y abat kay tigas ng ulo!
Pero huwag ka, maaasahan ang isang to.

Ako'y naguguluhan, di malaman ajg kasagutan.
Sino sa kanila ang dahilan ng aking pagkapaslang?
Lahat sila'y umiiyak doon sa may harapan.
Di ako matahimik, sino ang totoong kaibigan?

❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now