Binibining Rossa

16 3 0
                                    

B i n i b i n i n g R o s s a

"Kay sarap sa pakiramdam na ikaw ang aking una at huling pag-ibig.."

-Rossa

Nagtagpo ating mga mata pagkatapos ng dula,
ako'y hindi makakilos, napaka kisig mong binata.
Lalapit na sana sa akin kaso'y nadala nang agos palabas nang madla,
ako'y nanghinayang, kailan kaya muling magtatagpo ating landas sinta?

Napapahiling na nakapangalumbaba sa'king bintana,
hindi na kita muling nasilayan pa,
pati pangalan mo'y hindi mo manlang nalaman oh paano na?
Umaasang nakatingin sa bituin na kanyang tupadi ang aking hiling.

Isang pulang rosas ang syang nagpaganda ng aking umaga,
sa may bintana natagpuan, nakaipit sa isang papel na liham.
Paulino ang kanyang ngalan, nakasulat doon ang aming tagpuan,
ako'y pumuslit patungo sa paroroonan,
Oh sinta, puso ko'y nabihag mo na!

Kalahating metro ang syang distansya nating dalawa,
ngunit hindi iyon alintana sa umuusbing kong pagmamahal sinta.
Nais ko mant ika'y hagkan at hawakan ay hindi ko magawa,
dahil sabi mo'y darating din ang panahon na yon ay aking magagawa hindi ba?

Nakangiti at mapungay ang mga matang nagsabi,"Oh binibini,
wala nang mas ririkit pa sa taglay mong ganda,
kilos mong sing pino ng buhangin ay kahanga hanga!
Maaari ka bang maging akin sinta?

Pagkaskas at pagtugtog ng gitara'y aking narinig,
boses mong kay lamig, nakakahalina ang tinig.
Liriko ng kanta'y nagdulot ng bultaheng kilig,
totoo na nga ito, ikaw Paulino ay aking iniibig!


❤️❤️❤️


Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now