Imulat ang Matang Dilat

13 3 0
                                    

Imulat ang Matang Dilat

Magandang gabi
mga Ginoo at Binibini!
Inyo bang nawawari
laman ng isip kong diri mapakali?

Ang sinumang mulat ang mata
ngunit ganid sa posisyon at pera
ay handang mag bulagbulagan
sa totoong hustisya.

Ang sya namang nakaririnig
ngunit takot iparinig ang panig
ay magpapanggap na walang alam
at sa gabi'y dinadalaw ng konsensya sa panaginip na lagim.

Ang taong nakakalakad ng tuwid
ngunit sa pagtayo para sa karapatan ay apid
ay para bang pagpapatiwakal na ang paa ang nakalupid
dahil nakatali ka na para bang isang sampid.

Ang kamay na handang magsulat
ngunit kung hadok magsiwalat
ay isang ibon na walang pakpak
kaya't hayon naroon lamang sa pugad.

Any taong palaban ay iilan
gagawin lahat kahit sa ano pang paraan
yung para bang handa syang sungkitin an buwan
malaman lang ang katotohanan.

Ang mga paang humahakbang nang paatras
ay marami-rami na rin dahil sa dahas
duwag sa mga gawaing marahas
marahil ay di sila kayang ipagtanggol ng batas.

Ang mga isiping magulo ngunit alam ang totoo
ay nararapat lamang pakinggan ng buong mundo.
Para saan pa ang mata, bibig, tenga at iba pa
kung hindi rin naman gagamitin ng tama.

❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now