Pagkatapos, Pagtapos at Pagtatapos
Masyado nang malalim
iton aking damdamin
para sayo
na iniwan mo sa dilim.Masyado nang mabigat
ang talukap ng mata
ako'y pipikit na
paalam na nga ba..Masyado nang masakit
ang mga sugat na hilam
bunga nang katangahan
na sayo ay inilaan.Masyado nang mabilis
iton mga pangyayari
di malaman ang sandali
nang nagdaan na kay pait.Masyado nang lutang
doon sa lupang sinumpaan
kung saan ang ating tagpuan
at puso ko'y pinaglaruan.Masyado nang minamadali
paglimot sa iyong mga ngiti,
pagpapasabahala sa mga pangakong iyong sinabi
habang ako'y umiiyak parati sa gabi.Masyado nang magulo
ang isiping ito,
kaya't heto ako
paalam na sayo.❤️❤️❤️
Please don't forget to follow, vote and comment❤️
Thank youuu,mwah😙
YOU ARE READING
The Power of Making Things Up
PoetryMga tulang nabuo dahil sa nararamdaman, isang magulong damdamin at isipin. Munting hiniling sa hangin, sana'y pagbasa nito'y inyong bigyang pansin. Let me share my thoughts with you through my poem. Thoughts are as like words. Either you write it do...