G i n o o n g P a u l i n o
"Ako ang iyong nag-iisang Ginoo sa dami ng lalaki sa mundo, mamahalin ka nang buong puso higit pa nalalaman mo."
-Paulino
Binibini, nung una'y tayo'y hindi magkakilala,
nang biglang magtagpo ating mga hilam na mata.
Puso'y kong kumarera bigla,
maaari ka bang maging akin sinta?Di nagtagal ang mga araw'y, ikaw-ako'y naging tayo,
tayo na pinagbuklod ng tiwala mo.
Ang tiwala mong hindi nagbabago.
Magbago man ang ikot ng mundo pero hindi ang tayo.Ikaw ay isang dalagang pilipina
kung saan kagandahan ay sobra sobra.
Sobra sobra parang pag-ibig lang sinta,
sayo lamang, nag-iisa, walang iba.Ang ikaw at ako sa relasyong ito
di maghihiwalay, kapit lang mahal ko.
Sa dami ng pagsubok, wag kang susuko,
saba'y nating haharapin ang ating mundo.Ikaw ang aking sinag nang kagandahan.
Sa gabi'y ikaw ang aking nagliliwanag na puting buwan.
Ikaw rin ang bituin na kumikinang.
Sa buhay nating tayo, mahal, walang iwanan.❤️❤️❤️
Please don't forget to follow, vote and comment❤️Thank youuu,mwah😙
DU LIEST GERADE
The Power of Making Things Up
PoesieMga tulang nabuo dahil sa nararamdaman, isang magulong damdamin at isipin. Munting hiniling sa hangin, sana'y pagbasa nito'y inyong bigyang pansin. Let me share my thoughts with you through my poem. Thoughts are as like words. Either you write it do...