E m o s y o n
Madilim pa sa itim ang emosyong ito,
na naririto
sa isip, puso, kaluluwa at katawan ko.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula.Bakit ako nag-iisa?
Bakit ako lumuluha?
Bakit ako nangungulila?
Bakit ako nangangamba?Para bang ang kasagutan
ay patungo roon sa kalawakan
na ang huling hantungan ay ang kawalan.Kawalan ng pag-asa.
Kawalan ng pagdurusa.
Kawalan ng makikita.
Kawalan ng pag-iisa.Paano ba ako makakahinga?
Paano ba ako mabubuhay ng mag isa?
Paano ba ako magiging masaya?
Paano ba ako makakalaya?
❤️❤️❤️Please don't forget to follow, vote and comment❤️
Thank youuu,mwah😙
![](https://img.wattpad.com/cover/235347825-288-k889481.jpg)
YOU ARE READING
The Power of Making Things Up
PoetryMga tulang nabuo dahil sa nararamdaman, isang magulong damdamin at isipin. Munting hiniling sa hangin, sana'y pagbasa nito'y inyong bigyang pansin. Let me share my thoughts with you through my poem. Thoughts are as like words. Either you write it do...