Baluktot na Hustisya

6 3 0
                                    

Baluktot na Hustisya

" Para saan pa ang hustisya kung ang nagdudusa naman ay ang biktima?"

-Tatay


Ako'y nabilanggo sa salang hindi ko ginawa.
Naakusahan sapagkat ako ang nakakita.
Napakatibay ng hawak naming ebidensya.
Ngunit nasaan ang hustisya?

Ako ang biktima na syang dapat ipawalang sala,
sapagkat nakita ko ang pumaslang sa kanya,
ngunit ano't ako ang inakusahan at sa media'y ibinalandra.
Ako'y nagsalita, walang naniwala.

Sabi ng abogado'y
kami ay may laban.
Hawak ang ebidensyang puro katotohanan.
Wala akong kasalanan, mamatay man!

Sa araw nang pandinig,
korte ay puno ng tao.
Mga kuryuso at panay ang kibo,
samantalang ako'y heto, naka posas, naka upo't bantay sarado.

Nagsimula na ang labanan ng hustisya.
Paanong nangyaring sinabi nila na ako ang pumaslang,
samantalang naroon sa kabilang panig ang syang tunay na dahilan.
Hayon sya saki'y nakangisi na para bang sya'y nagwagi.

Paano ko mapapaslang ang sarili kong anak?
Na sarili kong dugo ang sa kanyang nananalaytay.
Paanong napaniwala ng dati kong asawa ang mga husgado?
At ako'y heto, nakalaga na't ihaharap ang hustisyang totoo.

❤️❤️❤️

Please don't forget to follow, vote and comment❤️

Thank youuu,mwah😙

The Power of Making Things UpWhere stories live. Discover now